Chapter 12

111 6 12
                                    

SHANE POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa mukha ko. Iminulat ko ang mata ko at si Nanay Fatima ang nakita ko.

"Oh gising ka na pala. Teka kukuha muna kita nang pagkain sa kusina" tatayo sana ako pero kumirot ang katawan ko.

"Huwag ka munang tumayo, hindi ka pa tuluyang maayos. Magpahinga ka muna, babalik ako." At tuluyan nang lumabas si Nanay Fatima at isinara ang pinto.

Naalala ko yung nangyari kagabi. Nasa kanila kaya si Mj? Pero bakit? Anong balak nila?
Napapikit nalang ako at napabuntong hininga. Bakit ba ang hina ko pa rin? Bakit di ko kayang labanan sila, sabagay kahit pagbalikbaliktarin pa rin ang mundo kadugo ko pa rin sila at mga tiyuhin ko. Syempre marunong parin naman akong rumespeto.
Maya maya pa'y dumating na si Nanay Fatima at may dala dalang tray kung saan dun nakalagay yung mga pagkain.

"Anak oh, kumain ka na nang gumaling ka kaagad at lumakas." Panimula ni Nanay.

"Nay ang dami naman niyan eh, di ko mauubos yan." Nakapout ko pang sinabi kay Nanay.

"Diyos ko anak, mauubos mo yan, ako ang nagluto niyan para sayo. Hayaan mo't susubuan kita." Kinuha na ni Nanay ang kutsara at nilagyan nang kanin at gulay.

Sinubo ko naman iyon. Masakit ang braso ko kaya hindi ko rin masyadong magalaw pa dahil sa tuwing igagalaw ko ay kumikirot. Hanggang sa natapos na akong subuan ni Nanay.

"Sabi ko naman sayo kaya mong ubusin eh. O siya magpahinga ka na." Habang nililigpit ni Nanay ang pinagkainan ko.

Paalis na sana siya nang nagtanong ako sa kanya

"Paano ako napunta rito Nay?" Napahinto ito at hindi ako nilingon.

Makalipas ang ilang minuto ay wala pa ring imik si Nanay. Uulitin ko sana nang nagsalita siya.

"Si Marcus" atsaka bumuntong hininga. Lalo akong naguluhan. Marcus? Sino siya? Sounds familiar pero wala akong maalala.

"Sino siya Nay?" Naguguluhan kong tanong.

"Magpahinga ka nalamang at huwag nang magtanong." Seryosong sabi ni Nanay Fatima kaya naman sinunod ko nalamang siya.

Umalis na si Nanay habang ako'y naiwang mag isa sa kwarto. Bigla kong napansin na wala pala ako sa kwarto ko. Asan ako? Hindi ito kwarto ni Nanay Fatima sapagkat nakapasok na ako sa kwarto niya.

"NAY!" Pagtawag ko ngunit walang sumasagot at walang pumupunta sa silid na kinaroroonan ko. Nakailang ulit ako ngunit wala talagang reply man lang si Nanay o kaya puntahan ako. Asan kaya siya?

Pinilit kong tumayo kahit hindi tuwid ito ay tinungo ko ang pinto. Nang mahawakan ko ang doorknob sinubukan kong buksan pero nakalock. Kumatok ako at tinawag si Nanay pero walang nangyayari. Ano to? Asan ako? Bakit ako nilock ni Nanay dito? Ayaw niya na ba sa akin? Masyado na ba akong pabigat sa kanya? Kahit nanaluluha ako tumungo ako sa bintana. Pero may nakaharang na tabla sa labay kaya hindi ko rin makita.

Napaluha nalang ako at napaupo sa sahig. Bakit ganito ang hinantungan ko? Maya maya biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Nanay Fatima. Hingal nahingal ito at nakita kong may mga sugat siya at pasa.

"Nay? Anong nangyare sa inyo?" Maraming tanong ang gusto kong itanong kay Nanay pero yun ang kumawala sa bibig ko. Hindi ko maintindihan, ano bang nangyayari?

"Anak tatandaan mo mahal na mahal ka ni Nanay Fatima, kahit na hindi kita kadugo ay tinuring nakitang tunay na anak. Alam kong naguguluhan ka pero kailangan nating tumakas." Kahit nanaguguluhan ay niyakap ko siya at tumango

"Ano bang nagyayari Nay?" Di ko napigilang hindi magtanong.

Inakay ako ni Nanay kahit na may sugat siya ay hindi niya inalintana. Naka labas kami sa kwarto at ngayon ay nasa labas na kami nang bahay papalabas na sana kami nang gate nang may dumating kaya naman pinagtago ako ni nanay sa likod niya.

"Anak tumakas ka, iligtas mo ang iyong sarili mangako ka." Sabi sa akin ni Nanay.

"Nay, paano ka? Hindi hindi kita iiwan dito." Tuluyan nang nagbagsakan ang mga luha ko.

"Anak, makinig ka, nasa panganib rin ang iyong kapatid kaya naman tumakas ka na hayaan mo na ako. Iligtas mo ang kapatid mo hanapin mo siya. Ang tunay na kalaban ay nasa tabi lamang. Hindi ko man masabi ang lahat pero darating ang araw na malalaman mo ang lahat. Sige na, lumayo ka na di-" hindi na natuloy ni Nanay ang kanyang sasabihin nang may nagsalita.

"Katulong ka lang pero ang lakas mong labanan kami" pangungutya nang lalaki.

"Wala akong paki alam. Hindi ako sumasamba sa masama at sa mga demonyong katulad niyo!" Madiin na sabi ni Nanay Fatima. Tila nagalit naman ang lalaki. Nagulat ako nang binaril nila si Nanay.

"Walang puso!" Sigaw ko sa lalaki at agad na lumuhod para makita si nanay.

"Nay! Diba sabay tayong tatakas? Mahal niyo ko diba? Huwag niyo kong iwanan Nay!" Umiiyak na sabi ko.

"A-nak mahal kita, I-lig-tas mo ang sa-sarili mo. Magpakata-ta-" hindi na natapos ang sasabihin ni Nanay nang binaril siya sa ulo nung lalaki.

"HINDI! NANAY FATIMA! HINDIIII!" Sigaw ko

Halo halong emosyon ang naramdaman ko, Galit at lungkot hinarap ko ang lalaki na ngayon ay nakangiti nang malademonyo. Biglang naginit ang mata ko. Gustong gusto kong pumatay at isa sa gustong kong patayin ang lalaking pumatay kay Nanay Fatima! Nilapitan ko yung lalaki at di magdalawang isiping sakalin. Babarilin sana ako nang mga kasamahan niya nang naagaw ko kaagad ang baril nang taong nasa harapan ko at pinagbabaril ang mga kasamahan nito nang walang kahirap hirap. Nagulat naman ang lalaking nasa harapan ko, hindi na ako nagsayang nang oras at binaril ko ito hindi lang isang beses kundi maraming beses hanggang sa maubos ang bala. Wala akong paki-alam kung madurog man siya dahil sa tama. Natapos ako sa lalaki.

Nilapitan ko si Nanay at hinalikan sa noo atsaka niyakap.

"Nay kulang pa-parin, Paa-no na ako Nay?" Napahagulgul na ako nang iyak.


Nakarinig ako nang may tigil nang sasakyan kaya mabilis na nilisan ko ang lugar kahit na labag sa kalooban ko. Pero inalala ko ang sabi ni Nanay, nasa panganib ang kapatid ko. Nakalayo na ako sa bakanteng lote na iyon. Nakarating ako sa parke. Umupo ako sa siso. Wala akong balak umuwi sa bahay nang mga demonyo kong tiyo.

Alam kong may kinalaman ang mga tiyo ko dito, malinaw na malinaw pa sa akin ang nangyari kagabi. Di ko aakalain na mangyayari ito, sa isang iglap nawala ang mga taong mahal ko. Walang tigil sa pagdaloy ang luha ko. Umiiyak ako nang tahimik. Wala akong paki elam kung pagtinginan man nila ako. Dumating ang hapon hanggang sa paglubog nang araw at sa pagdilim nang kalangitan.

Tahimik ang lugar, kung kanina may mga batang naglalaro, may mga pamilyang nagbobonding ngayon ay napakatahimik. Kung kanina masaya ngayon ay napakalungkot. Napansin kong nakauniporme parin ako pero yung pangtaas ko T-shirt na itim. Pati T-shirt ko nakikiluksa napatawa nalang ako nang mapakla.

Samahan mo pa nang biglaang pagbuhos nang ulan, kahit na nababasa ako ay di pa rin ako umalis sa kinauupuan ko. Naalala ko lahat nang sakit. Kaibigan? Wala silang paki elam sa akin ni hindi man lang nila ako pinagsalita. Pamilya? Parang bula na nawala. Para na akong baliw dito. Maski ang ulan nakikiramay sa akin. Di ko na kaya. Gusto ko nang mawala na rin, bakit di nalang nila ako isama? Kapatid? Pinapaasa lang ata nila ako, sabi sa akin ni Tito Crest patay na siya. Ang patay muling mabubuhay? Hahaha. Masisiraan na ako nang bait.

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon