It's my Birthday! Maaga akong gumising at pinagluto sila, nauna na akong umalis kay Kuya Eros, mahirap na kung sabay kami baka maisyu pa sa school. Nag iwan nalang ako nang note at dinikit sa ref. Para di na sila maghanap sa akin o mag alala. Tulog pa rin sila.Hindi na kasi ako nakatulog kagabi, kahit anong posisyon pa nang pagtulog ang gawin ko. Siguro dahil sa kaarawan ko rin ngayon. Naglalakad ako ngayon papunta sa school. Nakarating ako sa school at binati ako ni Mang Remil. Si Mang Remil ang gwardiya namin sito sa school.
"Good Morning Shane! Maaga ka ngayon ah." Habang nagkakape si Mang Remil.
"Good Morning din Mang Remil! Di kasi ako nakatulog kagabi kaya maaga akong bumangon." Nakangiti kong sabi at kinayawan na si Mang Remil.
Tiningnan ko ang oras sa wrist watch ko 5:57 am na. 8 pa start nang klase ngayon. Syempre suot ko paren yung jacket ko. Naglakad lakad ako hanggang sa napunta ako dito sa likod nang school, may nakita akong apat na armadong lalaki. Mukhang may Inaabangan. Kaya nagtago muna ako para di nila makita.
Tama nga, may inaabangan sila. Biglang may tumabi sa akin, kaya naman tiningnan ko kung sino ito.
"Shane?" Hinarap ko ito at laking gulat ko nang si kate ito.
"Kate? Anong ginagawa mo dito?" Muli akong sumilip kung saan naroroon ang apat na armadong lalaki pero wala na ito sa pwesto nila. Tsk! Sino sila? Anong kailangan nila? Bakit sila nandito?
"Nakita kasi kita dito kaya nilapitan kita." Tinanguan ko nalang siya. Ano kayang kailangan ni Kate sakin? Gusto ko siyang yakapin dahil namiss ko siya pero pinigilan ko ang sarili ko at nagsimula nang maglakad. Di naman siya sumunod :(
"Sorry" One word that made me to stop. Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin at hindi ako nabigo dahil muli siyang nagsalita
"Dahil hindi ka namin pinakinggan. Sorry, patawarin mo sana ako. Alam kong mali kami. " Lumapit siya sa akin
"Walang araw at gabi na hindi kita iniisip. Palagi akong kinokonsensya at di ko kinaya. Shane maniwala ka man o hindi, ayaw kong magkasira at mawala ang pagkakaibigan natin dahil lang sa transferee na si Lorraine." Narinig kong humuhikbi na siya kaya naman hinarap ko siya.
"Kate" pinunasan ko ang mga luha niya na patuloy na umaagos sa mukha niya at niyakap siya di ko napigilan ang luha na bumagsak galing sa mata ko.
"Sana, sana. Pero di ko alam Kate." At pinakalma siya.
"Anong hindi mo alam?" Tanong niya.
"Magkaibigan naman tayong siyam diba? Ay si Lorraine pa pala." At nginitian ko siya.
"Alam mo hindi kita maintindihan?" Kinurot ko naman siya sa pisngi sabay akbay sa kanya. Yeah sweet ako eh, pero di ako tomboy. Never.
"Hahahahahaha! Tara na nga asan ba sila?" Tanong ko na ikinahinto ko rin.
"Ay kate, sila Pia ba galit parin sa akin?" Tanong ko
"Hmmm, basta tara may pupuntahan tayo!" Masayang sabi ni Kates at hinablot na ako. Jusko!
Nakarating kami sa Garden pero piniringan ako ni Kates.
"Oy oy! Anong plano mo sa akin ha? Bat kailangan pang piringan?" Tanong ko kay Kates habang pinipiringan ako.
"Basta huwag nang makulit" aba abnormal to ah.
Maya maya di ko na naramdaman si Kates sa tabi ko kaya naman tinawag ko ang pangalan niya.
"Kate?" Kinapakapa ko pa yung paligid ko
"Kate? Asan ka?!" Tawag ko ulit pero malakas na. Maya maya pa nakarinig ako nang mga yapak.
"Tanggalin mo na yung nakapiring sayo." Boses ni Kates yun. Sinunod ko siya at tinanggal ang piring, na siyang ikinagulat ko.
"SURPRISE!" Sigaw nila. Oo kumpleto sila kasama si Lorraine pero nakita kong napairap siya tsk Plastic.
"Shane sorry sa mga nagawa namin at nasabi namin sayo. Please forgive us" sabay luhod ni Drea sa akin.
"Don't kneel, I'm not a God para luhudan mo." Tumayo naman siya at niyakap ako. Niyakap ko naman siya pabalik.
"I'm so so-sorry Shane" pinakalma ko naman siya dahil humihikbi siya.
"Grouuup hug" sigaw naman ni Pia
Kaya nagyakapan kami, si Lorraine ay hindi sumali sa group hug.
"Di ka sasali sa group hug raine?" Tanong ni Azmine
Lumapit naman si Lorraine at nakipag group hug. Halatang diring diri naman. Plastic.
"17 na siyaaa! Okay lahat tayo 17 na!" Sabi ni Van atsaka humiwalay kaming lahat sa yakap.
Kinuha naman ni Risna yung cake atsaka sinindihan naman ni Kristie.
"Oops! Wait! Wag mo munang hihipan Shane!"
"Oo nga" narinig kong sigaw nang mga kaklase ko na tumatakbo papunta dito. Kaya naman napangiti ako.
"Ayan oh! Kumpleto natayong DEFAM! Magwish ka tapos saka mo hipan" sabi naman ni Chloe, classmate namin.
Tumango nalang ako at saka tinitigan ang kandila, pag nag wish ba ako matutupad? May nakikinig ba sa kahilingan ko? O sadyang kathang isip lang yun. Hindi ko pa hinihipan ang sindi nang kandila at tinitigan ko lang ito, sumulyap rin ako sa mga kaklase ko na naghihintay sa akin na hipan na yung kandila.
"Shane, may problema ba?" Tanong ni Nathan
Di ko na siya napansin at nasagot dahil para akong nananaginip nang gising
"Anak, blow the candle na oh" hinipan naman nung batang babae yung candle.
"Ayan, Happy Birthday anak! Nakapagwish ba ang princess namin?" Tanong ni Mommy
"Opo, Mama winish ko na magkaayos na ang mga taong magkaaway, lumaki ako at mahanap si Prince charming ko tulad mo mama. Parating masaya ang family natin." Atsaka niyakap nung batang babae si Mommy.
Biglang may batang lalaki sa tingin ko nasa 4 years old pa lang siya, di ako nagkakamali si Mark to ang kapatid ko. Buhat siya ni Daddy habang may dalang regalo.
Nagulat ako sa sinabi niya.
"A-ate Sha-shane!"
Na siyang ikinabigla ko. Napaupo ako, nanghihina ako at tumulo ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Ako, ako pala yung batang babae! Bakit di ko naisip yun? Wala akong maalala sa pagkabata ko na ngayo'y unti unti nang bumabalik. Ano ba talagang nangyare?
"A-ako yun" napabulong ko nalang ulit.
BINABASA MO ANG
The Teengirl Behind The Mask
AksiIsang masiyahing babae at mabait. Ngunit isang araw dumating ang araw na hindi inaasahan, Nagbago ang lahat. Ang mabait na babae at masiyahan ay nalamon nang galit, lungkot at paghihiganti. Tinago niya ang sakit tinago niya ang tunay na nararamda...