Chapter 13

127 8 9
                                    

Dedicated to: prettygirl638

Nakakatuwa kasi palagi kang nagcocomment na mag update ako. Di kita natiis kaya ayan may ud, dapat sa wednesday pa. Hahahaha! Btw ayan na ang update. Pasensya na kung matagal ako mag update, medyo busy kasi pero palagi pa rin naman ako mag uupdate. Enjoy!  Thanks for reading and voting! Comment kayo kung may suggestion kayo. Love lots!

--------

Anong oras na kaya? Saan ako nito pupulutin? Tsk, babalik nalang ako sa bahay NAMIN, kaso ginulo yun nila tito. Hays, bahala na nga. Manhid na siguro ang katawan ko, walang tigil ang ulan sa pagbagsak sa lupa, sa tingin ko ang pula na rin nang mata ko kakaiyak.

Wala na akong pamilya, ako nalang mag isa. Bakit di pa nila ako sinama? Sawa na ako. Bakit nabubuhay pa ako?

"AYAW KO NA! BAKIT HUMANTONG AKO SA GANITO?! BAKIT DI NIYO PA AKO SINAMA! ANG SAKIT!" Sinigaw ko ang gusto kong isigaw. Mukha akong tanga, sabayan pa nang kulog at kidlat.

"KIDLAT, TAMAAN MO NALANG KAYA AKO! Hahaha" para akong tanga. Isang tulad ko kinakausap ang kidlat at tumatawa nang mag-isa. Eh sa hindi ko na alam ang gagawin ko.

Tumayo ako, ngayon ko lang napansin na nakayapak pala ako. Tsk ang manhid ko talaga. Naglakad lakad ako, saan nga ba ako pupunta? Basta bahala na kung saan ako dalhin nito malay natin kung makakasama ko na pala ngayon sila Nanay ang mga pamilya ko na totoong minahal ako. Naglalakad ako na lutang ang isip ko.

Hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako nang daan. Parang tumigil ang oras para akong nabingi may truck na parating, mabilis ang takbo. Alam kong bumusina siya pero parang naestatwa ako sa kinatatayuan ko. Palapit nang palapit ang liwanag sa akin, hindi ko alam ang gagawin ko. Ito na ba ang pagkakataon na makasama ko sila Mommy? Ang mga mahal ko sa buhay?

Nakaramdam ako nang malamig na bagay na tumama sa akin kaya napaupo ako pero wala pa rin akong naramdaman na sakit. Huminto ang truck sa harap ko at may bumababang dalawang lalaki. Nablublurrd ang mga nakikita ko dahil na rin sa may namumuo nanamang luha atsaka maulan. Kailan ba ito titigil?

"Nako pasensya na talaga. Madilim na kasi atsaka malakas ang ulan." Sabi nang lalaki

"Miss ayos ka lang ba?, dadalhin ka na namin sa ospital." Pagtatanong naman nang isang lalaki. Halatang nag aalala ito.

"Hahahaha! Bakit di niyo pa tinuloy?! MAKAKASAMA KO NA SILA! BAKIT? BAKIT?!" Pasigaw kong sabi sa kanila. Nagulat pa sila sa inakto ko pero kita sa mukha na nagaalala sila.

"Miss mas mabuting dadalhin ka na namin sa malapit na ospital." Sabi nung isang lalaki.

"Tumama ata ulo niya eh, o malaki ang problema niya" sabi naman nung isa

"O baka baliw? Ayaw man lang nang tulong natin." Sabi naman nung isa.

"Hinde! Hinde ako baliw! Umalis na nga kayo! Tsupi! Makikita ko na sana sila eh! Hininto niyo pa!" Sabi ko sakanila

Umalis naman sila at muling pinaandar ang truck at umalis na hanggang sa hindi ko na nakita. Naka upo parin ako dito sa gitna nang kalsada. Malalim na siguro ang gabi wala nang dumadaan eh. Naalala ko nanaman yung sinabi nung dalawang lalaki sa akin. Ako baliw? Eng eng nila. Imbis na lapitan man lang ako hinusgahan agad ako.

"MOMMY! DADDY! MARK! NANAY!" tawag ko sa kanila.

"HAHAHAHAHA!" Napatawa nalang ako.

Ano kayang mangyayari sa akin? Lalo pang lumakas ang ulan at humangin nang malakas. May bagyo ata? Di ako nainform. Gusto kong tumayo pero nakaramdam na ako nang sakit nang katawan. Tiningnan ko ang sarili ko. Ang kaninang puting t-shirt ay may dugo? May sugat ako? Medyo nahihilo na rin ako. Pinilit kong tumayo kaya naman nakatayo ako. Naglakad ako kahit hirap na hirap na nakarating ako sa tapat nang isang apartment ata to? Medyo blurd na kasi yung mga nakikita ko. Halos matumba na ako pero go pa rin ako nang go. Parang globe, go lang nang go.

Pero napaupo ako. Sinubukan kong tumayo muli ngunit di ko na kinaya. May humintong puting sasakyan sa harap ko at pinantayan ako tiningnan ko kung sino ito laking gulat ko na yung principal namin ang kaharap ko

"Si-sir Eros?" Pagkukumpirma ko baka kasi namamalik mata lang ako. Nasa 30's na ang edad ni sir. Eros. Pero mukhang nasa 20's palang. May asawa si Sir Eros pero di ko pa nakikita yung asawa niya. Hindi maiitatago na may itsura si Sir.

"What are you doing here? Hindi oras nang pagpapaulan at paggagala ngayon lalo't malalim na ang gabi." Pagtatanong ni Sir Eros sa akin. Ngunit nanatili akong tahimik.

Kinapa ni Sir. Eros ang noo ko at napa tsk nalang at binuhat ako papasok sa kotse niya. Nakarating kami sa bahay niya at inalalayan akong makapasok sa loob. May sumalubong na babae sa amin , sa tingin ko asawa niya ito.

"Oh hubby, andito ka na- oh! Who is she?" Tama nga ako asawa ni sir. Lumapit  ito kay sir Eros at humalik sa pisngi. Sweet, namiss ko tuloy sila.

"Wifey, she's one of my student" Saad ni Sir. Eros

"Oh, may I know your name?" Tumango na lamang ako.

"I'm Shane-" di ko natapos ang sasabihin ko nang natumba ako and everything went black.

Eros POV

Inihiga namin si Shane sa bakanteng kwarto. Binihisan at nilinisan ang mga sugat ni Shane nang aking asawa. Mataas rin ang lagnat nito. Palagi kong napapansin si Shane sa school. Hindi na siya active, minsan absent at late. Alam ko rin ang nangyari nung nagkaaway sila nang mga kaibigan niya. Kapag tinitingnan ko si Shane ay napakalungkot nang mata nito. Halata sa suot niya kanina na hindi pa siya nauwi dahil nakapalda pa ito, pangpasok na palda(uniform). Minsan ay tinanong ko ito ngunit tahimik lamang siya kaya't hindi ko na pinilit.

"Hubby, di ako makapaniwala ang bata niya pa pero bakit ganun nalang ang nangyari sakanya? Saan mo siya nakita?" Tanong nang aking asawa.

"Wifey, hindi ko rin alam bakit may ganung klase nang sugat siya. Nakita ko siya sa may tapat nang apartment na nakaupo sa kalsada ni wala man lang dala at suot panangga sa ulan at malakas na hangin." Sagot ko sa asawa ko. Kita sa mukha nito ang pag-aalala maski rin naman ako ay nagaalala sa lagay nang aking estudyante.

"Kamusta ang lagay niya?" Tanong ko.

"Oo ayos na siya, bumaba na ang lagnat niya. Kailangan niya nalang magpahinga." Sagot naman ni Carina, pangalan nang asawa ko.

Lumapit ako sa asawa ko at niyapos ito. Yumapos rin naman siya sa akin.

"Wifey?" Mahina kong pagtawag sakanya.

"Hmmm?" Sagot naman niya. Hindi pa rin ako umaalis sa pagkakayakap sa kanya.

"Gawa na tayo nang baby" bulong ko sakanya sa tenga at saka kinagat.

"Hoy! Eros loko ka, alam mo naman na nandyan ang estudyante mo. Napakamanyak talaga nito." Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinampas ako sa braso.

"Wifey, stop it. I'm just kidding" pero di parin siya tumigil kaya hinit ko siya palapit saakin atsaka hinalikan.

"EROS FLAIRE ROSALES!" Sigaw niya sa akin at namula. Kaya naman hinila ko nalang siya ulit papunta sa kwarto namin. Kahit 32 palang ako at sya ay 30 kung umakto kami ay parang teenager hahaha. Bata pa naman kami eh pag 50 matanda na yun. Kaya enjoyin nalang ang buhay.

Kung sa school ay mukha ko parang beastmode dito sa bahay at sa labas nang school ay makulit at mabait naman ako eh. Kailangan lang talaga magmukha akong ganun sa school dahil principal ako, ako ang ginawang principal dahil tito ko naman ang may ari.

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon