Chapter 2

246 7 0
                                    

Melissa POV (mother ni Shane at Mark)

"Honey, akala ko di kana pupunta. Mapapatay ko na sana si Edgar." Crest, kapatid nang asawa ko.

Lagi niya akong pinapapunta dito sa condo niya at kapag hindi ako sumipot sa kanya papatayin niya si Edgar ang asawa ko at idadamay niya ang mga anak ko.

"Ano ba ang kailangan mo?! Bakit kailangan mo pang idamay ang pamilya ko?" Naluha ako dahil hindi ko kaya na pinupuntahan ko dito si Crest kahit labag sa kalooban ko.

Ginagawa ko lang ito dahil sa ayaw kong mawala ang pamilya ko. Sila nalang ang natitira kong mahal sa buhay dahil sa bwisit na Crest na to pinatay niya ang lahat ng kamaganak ko maski sila papa't mama.

"Alam mo ang tinutukoy ko Honey, ibigay mo nalang sa akin ang ari-arian at kayaman niyo at nila papa't mama. Magiging masaya na ang buhay niyo. Hindi na kita papapuntahin dito at magiging ligtas na rin ang pamilya mo. Wala na rin madadamay."

"Napaka walang hiya mo. Hindi mo na ako mauuto muli. Kahit kailan hindi ko ibibigay ang kayamanan at ari-arian naming Buentarevell at ang ari-arian nang inyong mama't papa dahil nangako ako sa kanila na hinding hindi ko ibibigay sa inyo! Kahit patayin mo man ako wala kang makukuha. Napaka walang hiya mo ring anak! Kahit kailan kayamanan lang ang habol mo sa magulang mo. Pinatay niyo sila para makuha ang kayaman pero nabigo kayo dahil sa amin ni Edgar nakapangalan. Napakasama mo pati pamilya ko sinira mo demonyo k--" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang sinampal niya ako napangiwi ako sa sakit.

"Manahimik ka Melissa, wala kang alam! Sigurado ka bang mahal ka ni Edgar at ikaw lang ang babae niya? Sigurado ka bang tapat siya sayo? Bakit hindi mo tawagan ang asawa mo? Alam mo bang kasama si Edgar sa pumatay sa pamilya niyong Buentarevell at siya ring kasabwat nain sa pagpatay kay mama't ina. Pagsisisihan mo ang lahat dahil kinalaban mo ko."

"Anong ibig mong sabihin? Ako lang ang babae nang asawa ko. Hindi ako lolokohin nang asawa ko at tapat siya sa akin. Huwag kang gumawa nang istorya. Wag mo siyang siraan sa akin dahil hindi ako magpapauto sayo!"

"Talaga Melissa? HAHAHAHA! pag-ibig nga naman. Napakabulag mo naman. Alam mo bang andito lang sa Pilipinas ang asawa mo't nakikipaglandian. Naalala mo ba nung anniversarry niyo hindi man lang siya nagparamdam dahil may iba siya at hindi man lang niya inalala na anniversarry niyo."

"Hindi hindi totoo yan! Busy lang siya noon." Tuluyan nang umagos ang luha ko.

"Bakit di ka pumunta sa Quezon? Try mong tawagan ngayon." Malawak na nakangiti si Crest. Susubukan ko ba. Alam kong niloloko lang ako ni Crest. Lumabas na ako sa condo niya ngayon ay nasa may labas na ako at nakasandal sa pader na katabi lang nang pinto ni Crest. Tinawagan ko si Edgar at nag ring

"Hello? Sino ito?
(Babe sino yan?) Hindi ko alam babe" tuluyan na akong napahagulgol dahil tama nga si Crest may kinakasamang babae si Edgar. Inend call ko na rin dahil baka marinig lang nila ang boses ko at mabosesan pa ako. Boses nga yun ni Edgar.

"Ano Melissa? Naniniwala ka na. Hahahaha!"

"Mga walang hiya kayo" umalis na ako sa condo niya at umuwi na.

Shane POV

Iniintay ko parin si Cristella 7:15 na wala pa rin siya late na ako baka lagyan pa ako nang absent ni Kate at baka hindi na ako papasukin ni ma'am Zaine. Umalis na ako at pagkababa ko sa tricycle tumakbo na ako papunta sa room namin pero nahagip nang mata ko si Cristella. Ibig sabihin nauna na siya hindi man lang ako sinabihan.

Magkahawak ang kamay nila ni Nicah classmate ni Cristella. Nagseselos ako dahil pag kami naman magkasama ni Cristella walang imikan nagsasalita ako o kinaausap siya naka earphone lang siya na tila walang paki elam. Tumakbo nalang ako ulit nakita ko sila Anne at Zarius isa rin sila sa mga bestfriend ko sa totoo lang apat kaming magbestfriend si Cristella, Anne at Zarius. Naging bestfriend lang kami nung nagtransfer kami dito sa school na ito.  JOHYAN FICHS SCHOOL

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon