Chapter 9

113 13 1
                                    

KRISTIE POV

"Ang bilis mo matuto!" Masaya kong sabi kay Shane. Ngumiti naman ito sa akin.

Isang buwan lang namin siya tinuruan pero alam na niya lahat nang technics pati pag gamit nang iba't ibang patalim at baril. Unbelievable, kami nga halos inabot nang taon bago matuto. Well si Shane yan eh. Ang akala mong mahina at basta bastang minamaliit nang iba ay may bagsik, kaya't mag-iingat kung gusto mo pang masilayan ang araw. Tama Shane, ganyan nga. Maging matapang ka. Andito lang kami para sayo, handa kaming tumulong sayo.

"Kristie patutii!" Napalingon naman ako sa sumigaw. Inirapan ko nalang siya walang magawa sa buhay tong si Mark.

"Problema mo? Iniwan ka nanaman nang gf mo? Hahahaha ang panget mo kasi." Bigla namang nambatok si Mark.

"Putspa! Masakit yun ah." Hinimas ko naman yung parte nang katawan ko na binatukan niya.

Umalis na ako at hindi na siya sumunod sa akin. Dadaan daw siya sa library. Kaya na una na rin akong umuwi.

SHANE POV

Isang buwan na ang lumipas, natutunan ko lahat. Fast learner eh. Hahaha, nagsasabi lang naman ako nang totoo.

Ngayon ay nasa kwarto ako, nakahiga sa kama at nakatingin sa kisame. Hindi ko na nakikita sila tito Crest, busy sila palagi. Mabuti na yung wala sila nang hindi na ako mabugbog. Tiningnan ko ang oras at 2:47 am na. Wala akong balak matulog. Wala namang pasok bukas. Maya maya ay may narinig akong mga yapak sa garahe.

Patago akong pumunta duon. Mahirap na baka di na ako masikatan nang araw pagnagkataon. Nakarating ako malapit sa garahe. Umakyat ako sa puno kung saan kita ko ang loob nang garahe para hindi rin ako makita. Nakaupo ako sa sanga. Naaninag ko na may pitong lalaki na nakaitim mga nakamaskara sila na puti at pula.

"Ma-awa p-po ka-yo sa a-akin" narinig kong pagmamakaawa nang lalaking nakaluhod, nakatali ang kamay nito may mga sugat na natamo at tila nahihirapan.

"PATAYIN SIYA!"sigaw nang pinakaleader nila. Ano kaya kailangan nila sa kanya? Tsk.

"Pa-pa-tay n-na yu-yung hi-hi-nahana-nap niyong ba-tang ba-bae, maawa kayo sa akin, may pami-milya pa akong inu-uwian" nahihirapan na sambit nang lalaki.

Pero humalakhak lamang ang pito. Ang isa ay may dagger na ibinaon sa binti nang lalaki kaya lalo itong napadaing sa sakit. Tuwang tuwa sila sa pagpapahirap sa lalaki. Binugbog nila ito, naliligo na sa sarili niyang dugo ang lalaki dahil sa sugat na natamo. Itinutok nang pinakaleader nila ang baril sa noo nito at ikinasa. Kitang kita sa mata nang lalaki ang takot.

"Any last word?" Tanong nang leader.


"Ma-awa ka" nahihirapang sagot nang lalaki. Humalakhak lang ang pinakaleader.
Hindi ko kayang manood nang walang ginagawa dito. Masyadong unfair talaga ang buhay. Ma try nga yung mga pinagaralan ko.

Bago pa maiputok nang pinakaleader ang baril ay mabilis kong binato ito nang shurikens. Kaya nabitawan niya ito. Ang kanyang mga kasamahan naman ay binato ko nang dagger sa dibdib mismo. Bumaba ako sa puno, nang nakamaskarang itim. Gulat na gulat naman ang pinakaleader mismo.

"SI-SINO KA?" Akalain mo yun natatakot siya. What a gay. Pero wala na akong oras, baka may makakita pa sa akin.

"You're worst nightmare" sabay putok nang baril sa ulo niya. Pwede na, pero di ko talaga intensyon yung pumatay eh kaso masyado akong nadala. Next time nalang siguro kung may makakalaban man ako papatulugin ko nalang pero kung napakalala talaga nung makakalaban ko no choice kung di ako ang mapatay, siya ang mapapatay ko.

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon