Chapter 6

132 10 1
                                    

Fatima POV

Nagaalala ako para kay Shane. Napakabata niya pa para sapitin ang hirap at sakit. Tumatayong pangalawang ina na ako ni Shane. Alam ko ang nangyari sa kanyang mga magulang. Kilala ko kung sino rin ang pumatay at ano ang dahilan. Nang aking malaman ang mga nangyari ay natakot, nalungkot at nagulat ako.

Hindi ko aakalaing magagawa nilang paslangin at pahirapan ang sarili nilang kadugo para lamang sa mga kayamanan. Matagal na akong naninilbihan sa pamilyang Zexielle. Mga bata palamang sila Crest ay andirito na ako naninilbihan kasama ang aking ina. Pero dumating ang araw na hindi ko inaasahan.

Maski ang aking Ina ay nadamay sa kaguluhang nangyari sa malapalasyong bahay na ito. Wala akong nagawa kundi manatiling manilbihan dito. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin ako na matatapos na ang kasamaang ito. Handa akong tulungan si Shane at andito ako para suportahan siya. Ako na ang tumatayong pangalawang Ina niya.

"NANAY FATIMA! ASAN KA BA?!" Sigaw sa akin ni Sir Crest

"Sir andito na ako ano ang iyong kailangan sa akin?"

"PUTA KA! ASAN NA YUNG POLO KO?!" inabot ko naman sa kanya. Sanay na ako sa ugaling ganito ni Crest.

Pagkatapos nun ay unalis na siya. Hay buhay.

SHANE POV

Pakshet lang ang sakit nang katawan ko. May pasok pa naman ako. Pinilit ko ang sarili. Nagsuot ako nang jacket naglagay nang makeup yung hindi halata dahil sa may sugat ako at pasa sa mukha. Tumayo nang maayos at lumarga na sa bahay. Hindi na ako kumain nagbaon nalang ako nang sandwich na ginawa ni Nanay Fatima.

Papasok na ako sa room nang may nabunggo ako. Pader ata itong nabunggo ko eh. Ang tigas nahulog tuloy yung libro kong dala. Inangat ko ang aking ulo shet lang ang gwapo naman nito.

"STUPID!" aba sinong stupid. Gwapo nga pangit naman ugali. Tsk wala rin sayang kapogian mo kuya.

Iniwan na niya ako. Juskoo Bakit ba palagi akong iniiwan matapos nila akong ipafall iiwan lang sa ere. Aba'y humuhugot pa ako. Mayghad late nanaman ako. Tumakbo ako papunta sa room

"GET OUT OF MY CLASS! YOU'RE 20 MINUTES LATE!" Ms. Zaine

Nagikot ikot muna ako kabisado ko naman itong building nang school namin. Napukaw ko ang isang hardin, ngayon ko lang ito nakita nasa tago kasing lugar. Sumandal muna ako sa puno may 40 minutes pa naman natitira. Ipinikit ko muna ang aking mga mata hanggang sa nakatulog ako.

*poke*

*poke*

*poke*

"SHANEEEE!!! LUNCH TIME NA!!!!" Napabalikwas naman ako kaagad kaso nauntog ako.

"Huh? Lunch time na kaagad, napahaba pala tulog ko" umupo rin naman sa tabi ko si Kristie.

"Shane, nilalamig ka ba? At nakasuot ka nang jacket ngayon eh tirik na tirik ang araw."

"A-ah, oo eh hehehe" tumayo ako kaagad at pumunta na sa room. Si kristie naman sumunod nalang.

"SHANE!!" sigaw naman nila Azmine at lumapit sa akin

"Shane, bat absent ka sa mga naunang subjects?" Risna

"Nakatulog ako eh" sagot ko. Magtatanong pa sana sila nang dumating na si Ma'am.

"Okay class, pagiisahin na ang section V2 at ang section niyo. Simula bukas ay duon na kayo sa kanilang room papasok dahil mas malaki ang espasyo doon kaysa dito sa room ninyo. Maliwanag ba?" Ma'am Agatha

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon