Chapter 14

121 9 6
                                    

"Sweetie, wake up." Nagising ako nang may tumapik sa akin sa pisngi at si ate? Ang tumatapik Di ko pa pala alam ang name. Basta si ate na asawa ni Sir. Eros

"Ay kayo po pala, pasensya na po kagabi, naabala ko po tuloy kayo." Paghingi ko nang paumanhin.

"Okay lang yun. Ako nga pala si ate Carmela Rosales, asawa ni kuya Eros Rosales." Pagpapakilala niya sa akin habang nakangiti kaya ngumite rin ako.

"Ako po si Shane Mae Zexielle, 16 years old at 17 na sa makalawa" nakangiti kong pagpapakilala rin.

"Sige mag ayos ka na, nang makakain ka na. Sumunod ka nalang sa baba." Tumango nalang ako atsaka dumiretso sa banyo para mag hilamos, napansin ko rin na iba na ang kasuotan ko.

Bumaba na ako at nakita ko si Sir. Eros na nakaupo sa upuan at nagbabasa nang dyaryo habang humihigop nang kape. Samantala si Ate Carmela naman ay naghahain nang pagkain.

"Good Morning po" pagbati ko sa kanila. Tinanguan naman ako ni Sir. Eros at ngumiti nang kay tamis tamis si ate Carmela. Ang swerte ni Sir. Eros kay Ate Carmela maganda na mabait pa.

Natapos nang maghain si Ate Carmela at kumain na kami. Pagkatapos naming kumain ay nagboluntaryo ako na ako na ang maghuhugas nang pinagkainan namin. Natapos ako at umupo sa upuan nila sa sala. Napabuntong hininga nalang ako.

"Shane?" Tawag sa akin ni Sir. Eros

"Yes sir?" At lumapit sa akin si Sir. Eros kasama si Ate Carmela

"Gusto naming malaman kung bakit malalim na ang gabi kagabi ay nasa labas ka pa at nagpapaulan ni wala ka man lang dalang panangga." Seryosong sabi ni Sir Eros

Di ako nakaimik ka agad.

"Atsaka anong nangyari sa iyo? Bakit ang dami mong sugat, hindi sila basta bastang sugat. " Seryoso ring saad ni Ate Carmela pero kita sa mukha na nag aalala.

Nanatili pa rin akong tahimik di ko alam isasagot ko. Ayaw ko madamay sila, tumungo nalang ako at pinipigilan na umiyak.

"Ano po-" di ko natapos yung sasabihin ko nang muling magsalita si Sir. Eros

"Alam ba nang mga magulang mo yan? Sigurado akong nag aalala rin sila sayo. Siguro kailangan mo nang umuwi, hinahanap ka na na nila. Ihahatid na kita" sabi ni Sir. Eros

"Tama ang kuya Eros mo Shane, may naghihintay sayo. Kung nagkagalit o nagkatampuhan lang kayo nang mga magulang mo ay siguro dahil sa nag aalala lang sila sayo, humingi ka na lamang nang tawad, mahal na mahal ka nila hindi tamang maglayas. Hinihintay ka na nila." Dagdag ni Ate Carmel

Tuluyan nang bumuhos ang mga luha ko sa na pinipigilan na pumatak hanggang sa napahagulgul na ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko. Naalala ko lahat, ang karumaldumal na pagpatay nila sa mga magulang ko kay Nanay Fatima at sa kapatid ko. Mga kaibigan kong nilayuan ako at pinili ang traydor.

"Hi-hindi ko na ka-ka-ya, a-ayaw ko na. Wala nang da-dahilan pa pa-ra mabuhay di-diba?" Sabi ko sa pagitan nang paghihikbi ko. Nanghihina na rin ako dahil sa sobrang lungkot na nararamdaman ko, sumasakit din ang dibdib ko.

"Sweetie, why are you crying? And what are you saying?" Tanong ni Ate Carmela habang nakahawak sa kamay ko.

"You can trust us" sabi naman ni Sir. Eros habang hinahagod ang likod ko.

Kwinento ko sa kanila yung mga nangyari sa buhay ko, yung mga karumaldumal na nangyare, namuo bigla ang galit at lungkot ko na nararamdaman, napatigil naman sila Ate Carmela at Sir. Eros para silang nakakita nang multo.

"Humanda sila sa akin!" May diin kong sabi na pagalit.

"Sweetie, ca-calm down, okay?" Natauhan ako sa boses ni ate Carmela kaya kumalma ako. Napahinga naman sila nang maluwag.

"Shane, wag mong paiiralin ang galit mo, to be honest nakakatakot." Saad naman ni Sir. Eros kaya naman hinampas siya sa braso ni ate Carmela tapos ngumiti sa akin. Oh-uh? Why?

"Ano pong ibig niyong sabihin? Bakit po ako nakakatakot?" Tanong ko kay Sir. Eros

"Red eyes, masyadong uhaw sa dugo." Sabi naman ni Ate Carmela pero nakangiti.

"Po?!" Agad naman akong humarap sa salamin, pero normal lang naman ang kulay nang mata ko. They must be kidding me.

"Eh-? Hindi naman po eh." Sagot ko at lumapit sa kanila. Lumapit naman sila sa aking dalawa.

"Shane, for now on magiging parte ka na nang pamilya namin. Call me Kuya Eros at Ate Carmela and baby Blue." Nakangiting sabi ni Si-Kuya Eros. Hinampas naman ni Ate Carmela si Kuya Eros.

"Baby blue? May baby na po kayo?" Tanong ko sa kanila

"Gagawa palang" namula naman si Ate Carmela. Natawa nalang ako sa kanila, akalain mo yun ang principal pala namin eh mabait naman pala. Akala ko talaga strikto na handang mangain nang buhay.

"Thank you po" at niyakap sila nang mahigpit, gumanti naman sila nang yakap sa akin at kiniss ako sa noo.

"Welcome to our home and family!" Nakangiting sabi ni Ate Carmela.

Natapos ang araw na may ngiti ako sa labi.

"Mommy, Daddy, Mark at Nanay Fatima look may mga taong handa pa rin akong mahalin. I wish na nandito rin kayo. Miss ko na kayo." Napasabi ko nalang sa hangin.

SOMEONE POV

"Pakawalan niyo ko dito! Mga walang hiya kayo!" Sigaw ko sa kanila.

Hinampas naman ako nang latigo sa likod kaya napasigaw ako ulit. Dito na ba ako mamamatay? Hinde hinde pwede, kailangan ko pang makita si Ate Shane.

"Oy! Birthday Boy! Manahimik ka dyan ah! Kahit anong gawin mo hindi ka na makakatakas!" Sabay buga nang usok nang sigarilyo sa mukha ko. Bastos to ah!

"Walangya ka! Mga demonyo kayo lalo na kayo Crest!" Saad ko.

Nakaramdam naman ako nang may sumuntok sa tyan ko kaya napaubo ako nang dugo. Shit! Di ko na kayang magtagal sa impyerno na lugar na ito. Oo 14 palang ako pero matalino ako at hahanap ako nang paraan para makalabas dito bago suminag ang araw.

"Galangin mo kami bata! Tiyuhin mo parin kami." Di ko nalang pinakinggan, maya maya'y umalis na sila kasama nang ibang tauhan.

Napangiti naman ako nang palihim. Ang bobo naman, iniwan pa yung susi. Bago ko pa makuha ang susi may pumalo na sa ulo ko kaya naman nawalan ako nang malay at hindi na alam ang nangyari pa.

Nagmulat ako nang mata nang buhusan ako nang malamig na tubig. Maraming naghahalakhakan, nagsusugal, nagiinuman at  gumagawa nang kababalaghan. Tsk!
Di ko alam kung nasaan ako, ang alam ko lang ngayon ay nilipat nila ako. Gusto ko nang makita si Ate Shane, marami siyang dapat malaman. Lalo na ang pumatay talaga sa magulang namin ay yung taong pinagkatiwalaan ko pa at kadugo.

Hintayin mo lang ako Ate, hahanapin kita at babalikan nang magkasama na tayo. Sabay na lalaban para sa hustisya at hinaharap. I miss you, sana nasa maayos ka na lugar ngayon. Please, wag mokong kalimutan, buhay pa ako. Nakaramdam ako nang malamig na bagay sa likod ko

"Aaaaaaaahhhhh! Tama naaa!" Sigaw ko, ang sakit! Pinapalo nanaman nila ako.

SHANE POV

"MARK!" Napabalikwas ako at napasigaw.

Napaginipan ko ang kapatid ko. Possible kayang buhay siya?

"Shane okay ka lang? Narinig kasi naming sumigaw ka." Tanong ni kuya Eros.

"Ah, wala po. Masamang panaginip lang kuya" at ngumiti para hindi nasila mag alala.

"Ah sige, matulog ka na. May pasok pa bukas." Tumango nalang ako at umalis na si kuya Eros.

Tiningnan ko ang oras 2:57 am palang. Tinry kong matulog pero di naako makatulog. Bukas pupunta ako sa bahay namin at baka may mahanap ako na makakatulong sa akin.

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon