Chapter 7

152 11 2
                                    


Maaga akong pumasok. Sabi nila may transferee daw. Isang babae daw at classmate din namin. Maya maya ay dumating na si Ma'am. Nakajacket parin ako kulay black na mejo makapal. Hindi pa magaling ang mga natamo kong sugat malalim at dumudugo pa rin. Tinanggal lang naman ni Nanay Fatima yung bala at saka nilinis. Hanggang ngayon ay makirot pa rin pati yung mga iba ko pang sugat.

"Good Morning Class! May bago kayong classmate ngayon. Iha pumasok ka na" Ms. Zaine

May pumasok na babae mala anghel ang mukha.

"Hello! I'm Lorraine Rose Vzex, 16 years old." Pagpapakilala niya. Nakita ko naman na nagsmirk siya sa akin. Anong problema nun sa akin?

"Maari ka nang umupo sa may bakanteng upuan Ms. Vzex, doon sa tabi ni Ms. Parallag" umupo na siya at katabi niya si Kate, Kate Parallag.

Natapos ang klase at Uwian na. Sabay sabay kaming lumalabas sa school at naghihintayang spice girls. Habang nagtatawanan kami lumapit sa amin si Lorraine.

"A-am Hello! Pwede bang su-sumama sa inyo?" Nahihiyang tanong niya sa amin.

"Oo naman" sagot ko. Madadagdagan nanaman kami hihihi. Nakita ko namang umirap siya sakin. Ano bang problema nito sa akin?

"Yep" umagree naman ang lahat. Natuwa naman si Lorraine.

---

Lumipas ang ilang linggo lagi na nilang kasama si Lorraine. Parang kaluluwa nalang ako dahil hindi na nila ako pinapansin. Si kristie naman laging wala.

"Risna, paano pa-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang magsalita kaagad si Risna.

"Sorry Shane next time nalang gagala pa kami kasama si Lorraine. Bye" hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Palagi nalang ganito. Palagi akong iniiwan palagi nalang. Lagi rin akong pumapasok sa school nang nakasuot nang jacket at hindi hinuhubad. Halos walang araw na hindi ako binugbog nila Tito. Masakit palagi at makirot ang braso ko. Buti nalang nakakaya ko pa pero mejo weird lang. Ayt hayaan na nga lang.

*flashback*

Aksidente kong nabasag ang plato. Kaagad na lumapit si Tito Rusell sa akin.

"Lampa ka talagang babae ka kahit kailan! Alam mo ba ang mahal mahal niyan mas mahal pa sa buhay mo! Walang kwenta!" Sinuntok ako kaagad ni Tito Rusell dahilan para mapaupo ako sa sahig. Bigla namang dumating si Tito Crest. Hinila ni Tito Crest nang buhok ko halos matanggal na ang buhok ko sa anit sa lakas. Napaluha ako dahil sa sakit.

Hila hila parin ni Tito Crest ang buhok ko. Papunta sa lumang garahe. Tinulak ako ni Tito Crest sa sahig. Napasubsob naman ang noo ko kaya nagkasugat ito at tumutulo yung dugo. Maya maya dumating naman si Tito Bryan. May dala siyang kahoy.

The Teengirl Behind The MaskTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon