"RJ."
"Ay kingina! Ano gantihan ng panggugulat, Maine?!"
"OA naman nito. Ang hina nga lang ng boses ko eh."
"Yun na nga eh. Akala ko ipis na nagsasalita. Tapos nandiyan ka pa sa gilid ng pintuan ng CR. Inaabangan mo ko no?"
"Pakyu, Pokerson. Hindi ah. Kainis to."
"Oh, e bakit ka nga andiyan?"
"Pinapabigay ni Ate Karin. Pa-edit daw for promo."
"Sus ganun mo ba ko kamiss kaya inabangan mo pa talaga ko sa may CR para mabigay yan?"
"Alam mo ang feelingero mo e, no? Aalis na nga ako leche to. May notes na diyan for editing. Babalik na ko sa site bago pa masira lalo araw ko."
"Gaganda na yang araw mo, Maine. Nakita mo na ko eh."
"Di rin. Alis na ko!"
"Mamimiss mo rin ako, Maine! Uy, Ate Karin!"
"RJ, nabigay na sayo ni Maine?"
"Ah, opo. May nangyari ba dun? Parang nakasimangot kasi."
"Nakita niya daw kasi yung ex niya malapit dun sa location natin. Hindi na siya nag-elaborate eh. Pero feeling ko may bad blood between them based on her reaction."
"Ahh. Kaya naman pala."
"Buti na lang umalis din daw agad yung ex. Pero syemre bad mood na si Maine— saan ka pupunta RJ?"
"Lalagyan ko lang ng bad blood sa mukha yung ex niya."
"Ay ang korni."
"Joke lang to naman. Importing pa naman yung mats, Ate Karin. Habulin ko lang si Maine."
"O sige bilisan mo."
"Kuya Guard, nandiyan pa si Maine?"
"Nandiyan pa po, sir. Hindi pa naman namin nakikitang lumabas."
"Sige salamat— Maine! Huy!"
"RJ? Bakit?"
"Tara sa baba."
"Ha? Anong gagawin natin sa baba?"
"Ibibili kita ng donut, sasabitan ko na yang nguso mong napakatulis susmaryosep."
"Napakasama ng ugali mo."
"Joke lang ito naman. Ibibili kita ng donuts just to cheer you up."
"Pano mo nalaman— hay nako si Ate Karin talaga. Okay lang ako, RJ."
"Hindi ka okay. Hindi mo ko sinisigawan eh."
"Pagod lang din siguro ako."
"O, pumili ka na ng donut mo. Ibibili lang kita ng lunch mo para makakain ka bago bumalik sa location."
"Thank you, RJ."
"Para sa pagtaba mo, Maine. O, kumain ka na."
"Kailangan talaga may insulto no? Pag tumaba ako, who u ka sakin."
"Kainin mo din yang donut ah?"
"Oo naman no. Sayang din kaya to. Pero thank you, RJ. Kahit lagi mo kong inaasar."
"Di ka pa nasanay sakin. Asan na ba yang ex mo, dadagukan ko."
"Wag na. Di naman worth it. Di ko nga alam bakit affected pa ko eh."
"May closure ba kayo?"
"Ang deep ng tanong mo ha."
"Anong deep diyan? Ang babaw nga lang— aray kinginang paa yan Nicomaine! Lakas manipa parang kabayo!"
YOU ARE READING
Into You: Random Maichard One-Shots
FanfictionA series of MaiChard one shots because the ideas keep on bugging the author's brain.