Captured [4]

2.5K 194 27
                                    

"Coleen, may tanong ako."

"Nagtatanong ka na kaya Menggay."

"Pilosopo ka talaga taba. Bwiset na to."

"E ano nga kasi yung tanong mo at nagkandakunot-kunot na yung noo mo diyan?"

"May isa kasi akong friend, tapos may officemate kami na sinabihan siya na liligawan daw siya. Pero di niya naman sigurado kung seryoso ba yung lalaki sa panliligaw kasi lagi naman siyang inaasar, binibiro. Ganern."

"Yang friend mo ba na yan ang pangalan ay Nicomaine?"

"Anong Nico—hoy taba hindi ako yon!"

"Sus, gasgas na yang friend friend na yan. Sino na naman yang officemate mo na yan?"

"Ehhhh...."

"Anong ehhhhh?? Hoy Menggay, ang tanda mo na para magpabebe. Arti arti mo. Sino nga kasi?"

"Si RJ, yung isang editor namin."

"Mabait naman ba?"

"Oo mabait naman."

"Gwapo ba?"

"Ito oh."

"Ay gaga ka pabuntis ka na dali! Magkaroon ka man lang ng anak na maganda. For sure hindi mana sayo pag maganda o gwapo anak mo."

"Hoy kung anong gusto mong palabasin e pangit ako, tandaan mong magkapatid tayo kaya kung pangit ako, pangit ka rin."

"Bastoes. Pero in fairness, ang gwapo niya talaga. Ang dimples abot hanggang Mars! E ano naman bang problema mo sa kanya bukod sa mapang-asar siya?"

"Wala naman.."

"Oh, wala naman pala eh. Bakit nag-iinarte ka diyan? Wag mo sabihing hindi ka pa nakakamove-on dun sa bisugo mong ex nako Meng. Sasapukin talaga kita."

"Naka-move on na ko Coleen. Ano ba."

"Maine, kahit hindi mo sabihin alam kong affected ka pa din dun sa mga sinabi ng pamilya ng ex mo tungkol sayo. Pero hindi naman totoo yun eh."

"Coleen..."

"Hindi lang kami nagsasalita nina nanay pero alam mo bang gusto nang sugurin ng tatay saka nina kuya Nico yung pamilya nung hinayupak mong ex pagkatapos ka nilang sabihan ng masasakit na salita? Pinigilan lang sila ng nanay. Wag na raw silang lumebel sa mga taong mababa naman ang level ng utak. Simula non, naging tahimik ka na. Hindi ka na palakibo. Parang bumaba na rin yung self-esteem mo. Menggay, hinahanap-hanap ka pa rin namin."

"Nakakainis naman to eh. Lakas mo magpaiyak."

"Meng, give chance to yourself because you deserve to love and be loved. Wag kang matakot. Pagbigyan mo lang yung sarili mo na maging masaya kasi deserve mo yan. Tama na pagkukulong sa sarili. Pakalunod ka na sa dimples ni RJ."

"Anong sasabihin ko sa kanya?"

"Sabihin mo papabuntis ka na sa kanya."

"Seryoso nga kasi ako, Coleen!"

"Edi sabihin mo payag ka na magpaligaw to naman ang—ang ingay ng telepono mo kanina pa tunog ng tunog. Sagutin mo na nga yan! Sino ba yan?"

"Si RJ tumatawag."

"Ay si Mr. Dimple!"

"Wag kang maingay Coleen utang na loob."

"Oo na, oo na."

"Hello, RJ? Bakit ka napatawag?"

"Kakamustahin lang sana kita kung okay ka na. Sabi kasi ni Ate Audrey nagkasakit ka daw."

Into You: Random Maichard One-ShotsWhere stories live. Discover now