A/N: Before reading this part, please do read Captured [1] para magets niyo. It goes right before this one. Succeeding parts for this story will be on dialogues. Di ko na nilagyan ng narration, tinamad na kasi ako. Hahahaha. More or less 10 chapters lang to kaya di ko na hiniwalay. Tweet me your thoughts about the chapter, I'm @fymaichard. Happy reading. 😊
***
"Maine!"
"Ay kabayo! Ano ka ba naman, RJ?! Bakit ka ba nanggugulat?!"
"Di kita ginulat ah! Tinawag lang kaya kita."
"Nagulat ako sa pagtawag mo sakin eh, ganun na rin yon. Teka, anong ginagawa mo dito? Gabi na ah? Wala ka bang editing—"
"Sinusundo kita."
"—sched ngayon— ha??? Anong sinabi mo?"
"Sinusundo kita. Ulitin ko pa ba?"
"Kaltukan kaya kita, gusto mo?"
"Hehehehe joke. Sinusundo nga kita."
"Bakit mo ko sinusundo?"
"Para sabay tayong pumasok?"
"Pero.... bakit?"
"Gusto ko lang."
"Hindi nga? Bakit nga kasi."
"Isa pang bakit mo hahalikan na kita."
"Bakit nga— KINGINA ANO BANG PROBLEMA MO BAT NANGHAHALIK KA BIGLA?!"
"Ang kulit mo kasi puro ka bakit! Sinusundo nga kita para sabay tayong pumasok kasi gusto kitang kasama ano okay na ba?!"
"Bakit mo ko sinisigawan?"
"Ahhh ewan ko sayo, Maine. Male-late na tayong pareho nito sa kakatanong mo ng bakit eh."
"Ikaw kasi eh. Nanggugulat ka. Saka bakit ba nang-aasar ka na naman ngayon? Nung huli naman tayong nagkita tahimik ka non. Finollow pa nga kita sa twitter! Tapos meron pa kong picture sa twitter mo."
"Wag mo na ipaalala nahihiya na nga ako dun eh! Tara na, sama na ng tingin sa'tin nung guard. Ingay mo kasi."
"Sino kayang may kasalanan?!"
"Ako na, ako na. Sumakay ka na o iiwan kita dito?"
"Ito na nga sasakay na oh. Teka, diba wala kang editing sched ngayon? Ako kaya gumawa ng schedule niyo."
"Nagpasalo si Kuya Martin sakin. May sakit daw kasi yung anak niya, naalala mo si Anika? Taas baba daw kasi yung lagnat, baka may dengue daw kaya dinala na nila sa ospital. Di na ata nabanggit ni Ate Audrey sayo kasi mga 20 minutes ago lang yon. Naudlot tuloy yung tugtog ko."
"Tumutugtog ka?"
"Hindi, tumutula."
"Kupal ka talaga, Faulkerson. Ayusin mo nga!"
"Kasasabi ko lang kasi ng tugtog, Mendoza! Maka-kupal naman to. Sa gwapo kong to, kupal ako?"
"Oo kupal ka talaga. Kagulo mo kausap."
"Pikon talaga to kung di ka lang maganda eh.."
"Ano?"
"Kita mo, maganda nga bingi naman. Hay nako."
"Isa pa, sisipain talaga kita."
"Para mamatay tayo? Madami pa kong pangarap, Maine. Maawa ka naman."
"Alam mo nalilihis na tayo sa pinag-uusapan. Dami mong satsat!"
"Hahahaha sarap mo pikunin. Para sagutin yung tanong mo, oo tumutugtog ako. Diyan lang sa may Timog. Minsan lang yon, kapag free kaming lahat sa banda. Ngayon sana kaso call of duty eh."
"Matagal ka na bang tumutugtog?"
"Since highschool. Classmates ko dati yung mga ka-banda ko."
"Ahh. Anong mga tinutugtog niyo?"
"Di naman ako nainform na talk show pala to, Miss Maine."
"Ayan ka na naman eh!"
"Eto na nga sasagot na! Init ulo, pucha. Covers lang talaga halos. Yung tinutugtugan kasi namin, by request lang ng mga customers. Madalas OPM."
"I see."
"Ang tipid naman ng sagot. Nawalan ka na ng energy?"
"Upakan kita diyan eh."
"Alam mo ang brutal mo! Kakaltukan, sisipain, uupakan. Di pa nga tayo, battered boyfriend agad ako."
"Anong battered boyfriend?!"
"Hoy, Nicomaine. Baka akala mo madami kayang nagkakandarapa sakin. Buti nga pinapansin pa kita diyan eh."
"Ay wow. Umariba yung hanging habagat. Tatangayin ata ako!"
"Korni mo Maine. Tara na, wag ka na mag-elevator. Sa third floor lang naman tayo uy."
"Eto na nga, naglalakad na oh. Juskolord buong gabi pa ata tayong magkasama. Goodluck sakin."
"Anong goodluck sayo? Goodluck sakin! Kanina mo pa nga ata ako pinapatay sa utak mo eh!"
"Kinakatay na talaga kita kanina pa."
"Oh, nagbabangayan na naman kayong dalawa?"
"Ayan kasing si Maine, Ate Karin, masyadong brutal! Inaaway ako!"
"So nagtatago ka ngayon sa likod ni Ate Karin, ganon?"
"Baka batuhin mo ko ng bag mo eh. Bigat kaya niyan."
"Hay naku, kayong dalawa. Tigilan niyo na yan. Mamaya na kayo magbangayan, for airing tayo bukas ng umaga. RJ, alam mo na rin naman to diba? Ito na yung script. Na-import and rename na yan ni Jerome kanina. Maine, may mga graphics tayong kukunin kay Kuya Erik. Pakipuntahan na lang. Hoy RJ mamaya mo na titigan si Maine susmaryosep."
"RJ ano ba."
"Panong di kita tititigan, e may dumi ka sa mukha mo. Ayan ang laki oh. See?"
"NAKAKAINIS KA TALAGANG HINAYUPAK NA FAULKERSON KA!!!"
YOU ARE READING
Into You: Random Maichard One-Shots
FanfictionA series of MaiChard one shots because the ideas keep on bugging the author's brain.