Captured [1]

4.6K 215 33
                                    

Kakagraduate ko lang ng college three weeks ago pero ito ako, nagsimula nang magtrabaho. Inabsorb kasi ako ng TV network where I had my internship kaya nakapagsimula ako agad. Ewan ko ba, masyado yata akong nag-enjoy sa mga pinaggagagawa ko sa internship ko kaya nag-apply din ako agad. Turns out they needed a new production assistant at sakto naman yung pag-aapply ko.

"Maine, ito na yung mga papapirmahan natin for X-deal. Sana maapprove yan kasi gusto na din nila yan for our location eh." Sabi ni Ate Audrey sakin, yung EP namin for this certain teleserye na nakaassign ako. "After niyan, last mo na muna sa on site ha? Dun ka muna sa office, editing ka muna. Ako nanghihinayang sa kutis mo eh."

"Grabe ka naman, Ate Audrey. Di naman ako maputi ah?"

"Di ka nga masyadong maputi, pero tamang maputi ka naman tapos flawless pa. Saka sexy ka. Bakit di ka mag-apply sa taas? Ayaw mo mag-artista? Diba Comm grad ka?"

"Naku, ate. Di ko type mag-artista. Masyadong magulo. Okay na ko sa prod. Madami naman akong natututunan dito."

"Sus. Ikaw talaga, pa-humble. Sige na papirmahan mo na muna yan tapos balik mo sakin agad."

"Yes, madam."

"Loka. Lakad na."

Buti na lang ka-close ko na yung mga kasama ko sa group for this teleserye. Mabait naman yung mga nakakasama ko, may iba lang na hindi masyado, daming keme sa buhay. Pero deadma na lang ako. Basta hindi ako affected pati yung trabaho ko, deadma na lang. Dito kasi sa field na to, dapat malakas ka. Bawal sensitive. Kung pwede nga lang na resting bitch face lagi, gawin na. Kaso syempre hindi. Kailangan mo ding makisama.

Pagkatapos kong mapapirmahan yung mga papers for x-deal, bumalik na muna ako sa tent para umidlip saglit. Almost 24 hours na din kasi kaming nandito kaya medyo inaantok na rin ako. Di na yata ako tinatablan ng kape.

Mga 10 minutes pa lang yata akong nakakatulog nung may naramdaman akong yumuyugyog sakin.

"Maine.."

"Ate Audrey?"

"Sorry, nagising kita. Pero may kailangan na kasing dalhing mats sa office for editing and audio mixing. Kailangan na ni master," inabot niya sakin yung mga hard drive. "Ikaw na magbalik nito sa office tapos umuwi ka na din. Isabay mo na si RJ sa van."

"Sige, ate. May ipapadala ka pa ba? O bilin?"

Umiling lang siya. "Wala na naman. Matulog ka na lang sa byahe tutal mahaba naman byahe niyo pauwi. Kapag inasar ka na naman ni RJ, magheadseat ka na lang sabay tulog."

Sa simula pa lang ng internship ko, inis na inis na ko sa RJ na yun. On site editor namin yon na sobrang papansin. Matanda lang sakin yun ng two years. O three ata? Basta mas matanda siya sakin. Ang kulit. Lagi akong inaasar. Sarap hampasin minsan eh. Yung asar niya minsan sobrang nakakapikon. Tulad kanina, pinaayos ko yung mga hard drives na gagamitin niya for editing, e hindi ko siya makita. Pinaikot ikot pa ko para lang hanapin siya.

Pagdating ko sa van, nandun na siya. Nakangiting pang-asar na naman. Inayos ko muna yung bag ko sa tabi ko saka ko kinausap yung driver namin.

"Kuya, sa office na tayo. Pagising na lang ako ha?"

"Sige, Menggay. O RJ, wag mo na asarin si Menggay. Kanina pa paikot ikot yan."

"Di naman, kuya." Hindi daw pero kung makangisi. Bwisit na dimple! Makatulog na nga!

Nagising na lang ako bigla nung nagvibrate phone ko. Pagtingin ko sa nagtext,

 Pagtingin ko sa nagtext,

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Into You: Random Maichard One-ShotsWhere stories live. Discover now