LSG 5

61 12 4
                                    

Ugh! I hate mornings! They really love to destroy my beautiful sleep. Tss. Bakit ganon parang ang bigat ng ulo ko? Hala! May sakit ba ako? Hindi pwedeeeeee!

"Hoy bruha! Wala ka pa bang balak gumayak? Anong oras na oh?!" Biglang akong may narinig na bruha ding nagsasalita. Ah si Asha lang pala.

"Wait lang! Bakit kasi di ako exempted?" Ang unfair talaga! Dapat yung mga magpapasa ng crown mamaya exempted sa klase para makapag beauty rest though I don't it that much pero... huhu. Nakakatamad kayang iwanan ang bestfriend kong kama.

"Lagot ka! Bilisan na kasi! Mahuhuli tayo ng manliligaw mo eh! Running for perfect attendance ako noh!" Blah blah bla— WHAT THE HELL?!

"Anong manliligaw ka dyan? Hiningi lang number nanliligaw na agad? Mamalisya ito!" I snapped and rolled my damn precious morning eyes at her!

"Naiinis na ako Lizh ah! Gumayak kana nga!" Uh oh? Sabi ni Asha na parang sasabog na ang mukha sa galit. Blah. Ayaw talaga niya ng nalelate.

"Huwag na, mauna kana. Hindi ako galit nagtatampo lang! Pero sige mauna kana please." I said as I hugged my fluffy pillows. I'm such a lazy bum.

"Uy, sorry na—" I cut her off. Hay sabi na nga ba eh.

"Una kana nga. Sunod ako promise! After 30 minutes" Sarap pa kasi matulog.

Tinupad ko naman ang sinabi ko kaya nandito na ako ngayon sa school pero ugh! Late na ako sa first class ko!! Sige bibigyan ko nalang ng free cut ang sarili ko! Duh. I'm not a good girl kaya and there's no fun if you'll not gonna try to break rules.

I went to the cafeteria and ordered some slices of pizza. Yow rhyming timing! But ugh! Bwisit na headache ngayon pa nagparamdam! Nakakastress naman kasi mga tao sa mundo ngayon. Kagaya nalang ng taong ito na papalapit sa upuan ko.

"Late. Cutting class. No ID. Detention for 1 hour" Punyeta. Napakaswerte ko talaga!! Ah teka!

"Uy, Nathan! Friends naman tayo diba? Hehe." Sabi ko sabay pacute sa taong kung magsalubong ang kilay ay kulang nalang na magdiretso ito.

"It's not an exception." Sungit na nga suplado pa. Tss.

"Eh bakit ikaw? Bakit ka nandito eh diba may klase pa?! Oh ano?" Hamon ko ng nanglalaki ang mata. Syempre joke lang. Dagdagan pa nito parusa ko eh!

"My first class was done and according to my schedule, I need now to roam around check to those rule breakers" Aray naman beh! Kung makapagparinig para namang di kami friends! Pagkatapos niyang painitin yung ulo dahil sa text nya—nevermind.

"Psh. Sige, oo na. Punta na ako ng detention room" Hindi ko alam kung matutuwa ba ako dahil pwede akong matulog ulit o malulungkot dahil namissed ko ang first and now, second classes ko. Tumayo na ako at naglalakad na para pumunta ng Detention room nang hawakan niya ang braso ko. Napasinghap ako!

"Ano na naman?!" Konti nalang at mauubos na ang pasensya ko sayong Nathan ka ha! Di porke't presidente ka dito at friends na kamo tayo at gwa—eww no!

"You look pale" Sabi niya at napatingin naman ako sa kanya. Nakatitig siya sakin na para bang sinusuri ako.

"Sus yun ang pala! Sige bye!" Matutulog nalang ako sa detention room. Didiretso na ako ng lakad ng maalala kong di niya pa binibitawan ang braso ko.

"Uy! Braso ko!" Sabi ko sabay tingin sa kamay niya. Bigla nalang siyang bumitaw at nilagpasan ako. Wow naman. Siya pa ngayon ang may ganang mag walk out? Taruyy.

After ng isang oras na tulog sa detention room lumabas na ako para sa next class ko. Jusko! Sayang tuition! Ngayon lang ako natauhan. Namaaaaannnn!!!

Last Seen GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon