Please play Huling Sandali by December Avenue while reading this chapter to more feels! Lol!
-
Bahala na. Wala naman akong choice kung hindi pumasok ngayon. Magtatapos na ang second sem kaya nakapanghihinayang namang umabsent pa. At isa pa, ayokong maapektuhan ng heart issues ang academics ko.Wala nga akong boyfriend ngayong college pero gabi-gabi naman akong umiiyak dahil sa sakit. Sinong nagsabing boyfriend lang ang kaya kang bigyan ng ganitong sakit? Pwede rin namang ex, ex manliligaw. Choz!
Feel ko gabi-gabi akong kinakarma ng mga oras na sinayang ko noon.
"Grabe! Kasama na ba 'yan sa daily make up mo? Magang-maga mata ah" Bungad sakin ni Rina at umupo lang ako ng tahimik.
"Sobrang kdrama naman yata iyan?" Sabi niya sabay harap sakin. Umagang-umaga ang daldal niya! I pursed my lips.
"Bungol! Naniwala ka namang kdrama nga iniiyakan niyan?" Haldrin intervened us and I just rolled my eyes at him. Laging may punto sinasabi niya kaya nakakainis minsan!
"Ang aga, ang ingay niyo ha" Sabi ko na lang. Nakita ko namang abala si Cassy sa cellphone niya. I called her. Mukha kasing di kami pansin.
She showed her phone and smiled shyly.
"I'm planning to join the JPIA" I smiled and put my thumbs up. Bagay talaga sa kanya masali sa mga organizations at alam ko namang kaya niyang mag-aral at pagsabayin yun. She seems a leader to me."Ay parang gusto ko rin!" Rina beamed and shifted the topic about it. Haldrin nudged me. I raised my brows at him.
"Try mo 'to" He said smirking and leant his earphones to me.
In another life
I would be your girl
Inis kong tinanggal ang earphones at pairap na binalik sa kanya. Ngayon naman ay tawang-tawa siya. Bwisit na 'yon! Iparinig ba naman sakin The One That Got Away ni Katy Perry!!
It was lunch time when I'm walking through the stairs towards our floor then out of the blue Cassy stopped me from walking.
"Hey. Why?" I asked her, forehead creased.
"Usap tayo. Please" She said and hold my hand then smiled at me meaningfully. I was confused so I just nodded at her.
She sat down and forced me to sit too.
"Magtatapos na ang school year natin bilang first year. Halos isang taon na diba?" She opened up.
So I nodded as a sign for her to go on and I'm listening.
"I already confessed to Dex." She smiled at me timidly. I gasped.
"A-Anong nangyari?" Hawak ko sa balikat niya dahil hindi ko gusto ang nakikita kong lungkot sa mga mata niya.
"He doesn't feel the same way. But I feel like I'm so proud of myself. I've accepted it" Malungkot akong tumingin sa kanya. Akala ko ay iiyak siya pero hindi ko manlang nakitaan ng bakas ng nagbabadyang luha ang mata niya. She just looks sad but composed.
"I thought, you should free yourself too Callie" She added then I was frozen.
She looked at me apologetically.
"Hindi sa nangingialam ako sa feelings mo or what Callie. Pero kaibigan kasi kita. Nakikita kong may excess baggages ka pang dinadala tungkol sa inyo ni Nathan. Hindi ko na kayang tignan na laging mugto ang mga mata mo tuwing papasok ka. Ang lungkot-lungkot mo na. Ang Callie na kilala ko masaya at kinakaya lahat" I had no reaction for a moment then I looked at her sadly. I heaved a sigh.
BINABASA MO ANG
Last Seen Good
Teen Fiction"Some things are so good that you would want it badly." The article entitled Last Seen Good released by Mighty Pen's Club spread like a wildfire. She, the lady named Callie just wanted to achieve her one thing goal in life - to pursue her dreams wit...