LSG 20

11 3 0
                                    

Napagdesisyunan naming bumili ng pizza sa S&R branch sa loob ng SM Manila. Nathan suggested that we should just eat inside the mall pero mapilit ako at nagtake out. Kasalukuyan kaming nakaupo ngayon sa isang bench sa likod ng mismong shrine sa may mga punong may ilaw. Totoo ngang gumaganda na ng ang Manila marahil na rin siguro malapit ito sa City hall ng Manila kaya mabilisang inaayos na rin at pinapaganda.

"So tell me about your vacation in your mother's side." Napahinto ako sa pag-iisip at napalingon kay Nathan. Wala namang ibang nangyari sa bakasyon namin ah?

"It's somehow boring at first kasi walang connection pero I preoccupied myself sa mga books na nakita ko sa bahay and alam mo ba muntikan na kaming mapa-away ni Kuya!" Natatawa akong kinuwento lahat sa kanya. Ewan ko pero ang komportable ko na rin sa kanya. Papasa na nga siyang bestfriend ko eh pero baka magtampo pa nga si Asha dahil kay Nathan nakwento ko lahat pero sa kaniya utang pa yung iba sa pasukan!

"Do you love reading?" Umiling akong tumingin sa kanya.

"Hindi naman. Minsan lang kapag bored ganon. Pero hindi talaga ko yung nerd geek ganon hahaha!" Tumango-tango naman siya at parang nag-iisip kung itutuloy ang susunod na sasabihin niya.

"N-Namiss mo ko?" May confident pero nakita kong medyo nahihiya niyang sabi. Tumawa naman ako na nagpakunot ng noo niya.

"Secret! Hahaha!" I giggled when he looks frustrated dahil ayaw kong aminin sa kanya ang totoo.

"Bakit ayaw mo sabihin? I bet it's a yes because you didn't deny it" Napairap na lang ako sa sinabi niya at siya naman ito ngayong tumatawa!

"Naisip ko malapit na nga pala ang last sem. Hindi naman sa pagiging chismosa pero mag-stay ka ba sa Shreign High?" He instantly looked while I'm patiently waiting for his respond.

"I'm planning to study in UP Diliman" He said seriously and shot glances at me. Tinitimbang siguro kung anong magiging reaksyon ko. Malayo ang UP Diliman dahil sa Quezon pa ito. Kung papasa naman ako sa UST sa España naman ito. Mahirap kung magkikita kami lagi. Hay! Ano ba itong iniisip ko eh hindi ko naman siya boyfriend kaya hindi naman namin obligasyon magkita!

"Wow. Quezon yun ah" Iyon na lamang ang nasabi ko. Parang isang iglap na nagpapaunahan sa utak ko ang mga ideyang hindi ko gustong isipin.

"Yeah. But if you're worrying about us, don't worry I'll make a way for it." Nakangiti niyang lingon sa akin marahil napapansin sigurong nag-iiba ang ekspresyon ng mukha ko.

Hindi pa ako nagkakaron ng someone na malayo sa akin. Naiisip ko kung matatapos na ba dito o susubukan kong kilalanin pa rin siya kahit magkalayo na kami.

Napansin niya sigurong tahimik ako simula kaninang usapan kaya nagulat ako nang biglang huminto kami sa Jones Bridge.

"Let's enjoy our final destination here for tonight" He genuinely smiled at me at nahiya naman ako marahil nandito kami para mag-enjoy pero kung ano-anong bagay ang iniisip ko. Gaga ka talaga Lizh! Sinisira mo ang moments niyo!

"Do you want me to take a picture of you?" Hindi ko pa sinasabi pero nakita ko ang pagflash ng camera niya paglingon ko sa kanya.

"Patingin nga! Baka pangit ako diyan ah!" Agaw ko ng cellphone niya pero kusa naman niyang ibinigay.

"Ang ganda mo nga lalo dito eh tignan mo! Hahaha!" He laughed jokingly dahil silhouette ko lang ang kita sa picture habanag nakatalikod sa bridge! Maganda ako kasi hindi kita mukha ko ganon ba?!

"Ah ganon ha?!" Naiinis kunwaring sabi ko sa kanya at kunwaring tinulak siya.

"I might fall here, Callie!" I laughed at his response dahil mukhang takot siya. Akala siguro ihuhulog ko siya sa bridge! Hahaha!

"Hindi yan! Ang OA mo ha ang babaw lang siguro niyan no! Kayang-kaya mo lumangoy diyan!" I beamed at him then heartily laughed. Napalingon naman ako sa kanya nang hindi siya kumibo. He stared at me for a moment habang nakapigil ang kamay niya sa kamay ko.

"Bakit?" I looked away because I feel like I'm blushing at his stares.

"W-Wala! Ang ganda mo pala lalo kapag tumatawa" Mas lalo akong nahiya at nagpipigil ipakita ang pilit tumatakas na ngiti sa aking mga labi.

I tiptoed so no one will notice my arrival in our house. Nagpaalam naman ako pero nakatulog na siguro sila kakahintay sa pagdating ko. Bukas siguro ako raratratin ni Mama pero ang sabi ni Nathan ay pinaalam niya ako. Syempre! Mainam na yung handa diba!

Himala! Hindi nga ako sinermunan ni Mama kinabukasan. Nagpahinga lang ako maghapon at nag-abang sa susunod na araw. Bukas na ang start ng last sem namin at gagraduate na kami. Magsisimula na ang College life.

Naglalakad ako sa hallway nang may nanghampas sa braso ko.

"Aray! Aray ko naman!" Inis akong lumingon sa kaharap ko. Asha beamed and smiled sheepishly!

"Ang sakit non ha!" Kinurot ko siya ng bahagya bilang ganti. Nakita ko namang napangiwi siya. Huh! Buti nga!

"Hoy! Masakit din yun ah!" Irap niyang sabi at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Natawa namin kami bigla sa kagagahan namin! Ganito namin ipakitang miss namin ang isa't-isa! Hahahaha!

"Di ka umuwing dorm sa inyo ka nanggaling no!"

"Obviously!" Inirapan ko siya uli sa sinabi niya. Mahohomesick lang kasi ako agad kaya sa bahay ako nanggaling at umalis na lanang ng maaga para makapasok.

"Ay ang taray ni teh! Porke may lovelife na eh! Che!" Pang-aasar niya sakin at napaismid na lang ako.

"Tigilan mo nga ako! Ikaw din naman ah! Nagiging close nga kayo ni Gino eh pansin ko ah. Lumabas pala kayo nung bago mag New Year ha!" Segunda ko naman para matahimik siya pero nagkamali ako! I frowned because I thought she will be shy or pissed.

"Naku! Wala kaming ginawa kundi pag-usapan yung love of his life kupo! Hulaan mo kung sino dali! Pero syempre libre niya ako lahat kaya sumama ako at ang bait pala ng mama niya!" She happily said. Mukha siyang inlove magkwento duh! I rolled my eyes at her. Pero narinig ko nga dati sa pag-uusap nila sa EK yung tungkol sa babaeng mahal ni Gino. Hindi pa siya nakaka move on don sa ex niya nayon diba?

"Wow ah! Sino ba yung babae? Yun ba yung —" i stopped and paused.

"Kayo ah! Meet the parents na agad!" Iniba ko agad ang sasabihin ko dahil muntik na akong madulas. Malalaman niyang narinig ko pala yun tapos sabi pa sakin ni Nathan non I should stop minding other's business. Grr!

Mabait naman talaga Mama ni Gino. Close sila ni Mama kaya medyo kilala ko ito. Habang naisip ko hindi ko pa pala nakikilala ang parents ni Nathan. Nakakainggit naman? Luh! Ansabe mo teh?!

"Gaga! Nagkataon lang no! Hulaan mo nga eh kung sino bilis!" She's giggling while tickling me. Parang tanga to!

"CALLIE! ASHANGOT!!" We turned our glances in our side at nakita naming nakangiting sumisigaw si Gino sa malayo. Gumagawa siya ng eksena duh! Pwede namang lumapit na lang samin.

"Papansin talaga!" Naiiling at tawa kong sabi habang pinapanuod na papunta sa gawi namin si Gino.

"Speaking of the devil!" Umiling din sabay pamaywang ni Asha.

"Si Nathan yon diba?" Napalingon naman ako sa tinuro ni Asha at natanaw si Nathan malapit sa entrance ng hallway. He nodded at us and started walking towards us.

"Hoy Ashangot! Pumanget ka lalo ah hahaha!" Nakuha ang atensyon ko nang paglapit ni Gino samin.

I smiled at him.

"Callie!" Gino said then suddenly pulled me into a hug.

Last Seen GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon