"Sorry, ate! Hala! Sorry po!" Sabi nung nakabunggo sakin. Pag-angat ko ng tingin, nanlaki ang mga mata ko.
Shocks! Si Tracy ito! Tracy Cinco!
"O-Okay lang hehe" Damn why I'm even stuttering?!
"A-Ate Lizh?" Nanlaki din ang mata niyang nakatingin sakin. Bigla niya akong hinawakan sa balikat at inalog-alog.
"Ate Lizh? Omg! The famous journalist!! Omg! Ikaw yung nagpublish ng entry ko diba? Omg! It's such an honor to meet you po!" Nakapahyper naman nang batang ito! I don't know kung matutuwa ba ako na ako ang nagpublish ng entry na hindi ko alam kung legit o kasinungalingan lang pala eh!
"Uh hi Tracy?" Para namang kuminang ang mata niya nang binaggit ko ang pangalan niya.
"Kilala niyo po ako? Omg! Ate Lizh alam mo bang isa ako sa mga supporters mo! Kahit nababash ka dahil sa mga issues! Okay lang! Fan mo parin ako! Tapos...kaso ano uhm" Biglang nanghinga na ang mga huling sinabi niya at para siyang nalulungkot.
"LIZH CALLIE! NASAN KANA BA?!" Nagulat ako sa sigaw ni Asha na nasa may bulletin board na. Tinuturo-turo niya pa ang papel na nakadikit doon. Oh damn! I forgot!
Binaling ko ulit ang tingin ko kay Tracy na nakayuko na ngayon. I want to talk about it. I want to know the truth. Ever since Nathan spoke about that hindi na ako mapalagay. Nag-aalinlangan na ako sa sarili ko. Pero kasi hay bahala na nga!
"Tracy" Seryoso kong tawag sa kanya. Kumunot naman ang noo niya.
"Yes po?" But still she smiled. Hindi ko alam kung bakit magsisinungaling ang isang kagaya niya?
"Can we talk? In private please?"
"Ah? Okay. Saan ba ate?" Mabait naman siya. Pero sabagay you must not judge a book by its cover. Damn. Saan nga ba pwede? Ah! Yes doon nalang!
"CoffE shop? Tara! My treat" Then I genuinely smiled at her. Malapit lang naman ang CoffE Shop dito kaya okay nayun. Hindi ko alam kung may saltik o tamad lang talaga mag-isip ang may-ari ng CoffE Shop nayun dahil sa naisip niyang pangalan! Hays! Bakit ba pati iyon eh pinoproblema ko?!
Nagtext narin ako kay Asha na may gagawin lang ako doon baka kasi magtampo yun.
Sabi nga ng teacher namin sa Personal Development 'Time is gold' daw. We ordered and I immediately fire my question! Time is gold nga kasi.
"T-Totoo ba na nagkarelasyon kayo ni Nathan este ni Mr. President?" Mukha siguro akong kwago ngayon na na naghihintay ng sagot niya ngayon.
"Ate Lizh, truth to be told about sa entry ko...I'm sorry. Wala eh." Muntikan ko ng maibuga ang Iced coffe na iniinom ko sa kanya buti nalang ay nahawakan ko kaagad ang bibig ko with panyo. Omg! Damn! Sabi na eh! Sheez naman!
"P-Pero b-bakit? Paano?" Good thing is, I still managed to composed myself in such no time.
"C-Crush ko siya a-ate. Dati pa" Napayuko siya pagkatapos niyang magsalita at napansin kong namula ang mga pisngi niya. Owe. Ayos 'yong Nathan na 'yon ah! May nagkakagusto pala don! Hahaha!
"Ate Lizh sorry talaga! Please 'wag mo 'kong ibuking! Please! Sa sobrang pagpapantasya ko kay Nathan—"
"Yeah I know. Kuya Nathan, Tracy. Kuya" Nakahinga ako ng maluwag sa pakiusap niya. We both want to play safe. Lilipas din naman yon. Magkakaproblema lang kapag kay Nathan.
"Oo nga po hehe kuya Nathan hehe. Eh kasi naman nasanay na akong tawagin siya ng ganoon kasi matagal ko na siyang crush kaso ang suplado sobra! Dati nagbibigay pa ako ng letters sa locker niya may kung anu-ano pa nga akong regalong nakikita eh kaso nakikita kong diretso basurahan lang mga iyon!" Napabusangot at nagmamaktol na ngayon ang mukha niya. Ang cute niya! Hahaha! Natawa naman ako sa sinabi dahil true suplado talaga ang mokonh na iyon!
BINABASA MO ANG
Last Seen Good
Teen Fiction"Some things are so good that you would want it badly." The article entitled Last Seen Good released by Mighty Pen's Club spread like a wildfire. She, the lady named Callie just wanted to achieve her one thing goal in life - to pursue her dreams wit...