One

11 0 0
                                    

Sasa's Pov

Nakakainis naman si Mama. Sabi kasi dito nalang ako sa dati kong school mag-aral eh. Atleast mas marami na akong kilala dito. Kaysa naman doon. Puro mayayaman lang ang nakakapag aral sa eskwelahang iyon. Hindi naman kami mayaman, pero si mama kasi eh.

"Anak naman, bata pa lamang ako pangarap ko nang makapasok sa eskwelahang iyon. At dahil nga sa wala kaming pera noon, gusto kong matupad iyon hindi man sa akin pero para sayo ng kuya mo. At habang may maayos akong trabaho, mag aaral kayo doon sa ayaw o sa gusto niyo." Pangungulit pa ni Mama.

"Ma naman eh". Ayoko talaga doon, hindi ko kayang makipagsabayan sa mayayaman.

Si Mama kasi napromote bilang CEO ng kumpanya nila. Oh diba napakswerte. Pero parang sakin napunta ang malas. Wala na talaga akong magagawa.

Nakasimangot akong lumabas ng bahay.
"Sasa, anak. Bumalik ka dito."
Hinabol pa ako ni mama sabay yakap saken. Si Mama talaga napakaclingy pero napaka-thankful ko kasi ganito si Mama. Minsan, si Mama talaga ang Boss dito sa bahay eh.

"Anak, mahal kayo ni Mama kaya papasok ka doon ha? Senior High School na ang baby ko. Pakiss nga." Wala na nga talaga akong kawala kay Mama. Eh kasi naman, suportado niya ako sa lahat ng mga gusto kong gawin.

"Ma ano ba. Haha. Ma naman, wag mo na ako ikikiss. Wah! Haha. Maaaaaa." At ayun na nga nagsimula nang mangulit si Mama. At sumama na din si Papa at kuya na parang dati lang. Naalala ko tuloy noong mga bata pa lamang kami ni kuya Azi. Napakaswerte ko talaga sa pamilya ko.

--
Ilang araw nalang at magstart na ang pasukan. Nandito ako ngayon sa dati kong school para I check kung okay na yung mga papers ko.

"B, excited kana ba sa lilipatan nating school?" tanong ni Kiel. Ang BFSB ko. Best Friend Since Birth. Sinamahan niya ako para icheck din kung ayos na yung kanya.

"Uy, Kiel. Sorry talaga ah? Si mama kasi mapilit, wala nga akong alam jan sa balak niyang iyan eh. Pati ikaw tuloy nadamay sa mga kalokohan ni Mama. Nakakahiya kina Tito at Tita." Pagpapaumanhin ko. Nung nakaraang linggo ko lang din kasi napagtantong pati pala si Kiel lilipat din. Hays. Kasalanan mo ito Ma.

"Wala yon B, gusto ko din namang lumipat doon eh. At para na din magkasama parin tayo. Gusto din naman ni Mama at Papa, wala naman daw problema doon, nagusap nanaman sila tungkol diyan."

Napakamot ako sa ulo ko. Paano naman kaya magiging successful ang pagpasok namin doon? Simple lang naman kasi kaming mga mag-aaral ni Kiel. Si Kiel mas maaral saken, ako naman sakto lang. Chill ganon, makapasa lang okay na. Okay na din iyon, kasama ko naman si Kiel.

Kaya wala naman sigurong magiging problema.

"Tara sa canteen, B." pag aaya ko kay Kiel. Nagugutom na ako, may mga nagtitinda parin naman kase dito, siyempre may mga teachers pang tinatapos pa ang kanilang mga trabaho kahit bakasyon na.

Naglalakad kami ni Kiel nang makasalubong namin ang mga grupo ng Supreme Student Government.

"B, nandito parin pala sila sa school kahit ganitong bakasyon." napasulyap ako kay Lee. Ang gwapo niya talaga. Talaga nga namang kahit sino mapapatingin sakanya. Napakaputi, may mapulang labi at malalalim na mga mata. Ilang taon na din akong lihim na nagkakagusto kay Lee. Siya na ata ang dream boy ng mga kababaihan. Hindi lang matalino kundi mayaman pa at well top notcher ng batch namin.

Napadaan sila sa harap namin at napatingin sa gawi ko si Lee. Ngumiti siya.

"Uy B." Nang makalayo na ang Ssg officers ay niyugyog ko ang katawan ng katabi ko na parang wala man lang maramdaman.

"B, kita mo ba yon? Ngumiti si Lee. Ngumiti siya. Gumagana na ba ang charms ko? Aba. Achievement yon B!"
Tinignan ko si Kiel pero parang walang narinig at patuloy lang na nagbabasa ng libro niya. Nakakainis naman oh. Kung kelan ang saya ko eh. Di manlang ako pinapansin ni Kiel.

"Uy, B. Nakikinig kaba?" Walang sagot.
"Best Friend ba talaga tayo kiel." Di niya talaga ako pinapansin.
"Jan ka n- ---"

"Di ka gusto non. Tsk." Sabay tingin with irap pa ni Kiel. It hurts naman. Potek talaga tong si best oh. Kung kelan talaga ang saya eh. Panira siya, ngayon na nga lang ako pinansin ni Lee. Sakit naman sa puso. Huhu.

Binatukan ko nga ang loko. Sirain ba naman ang mood ko. Kinuha ko ang kanyang librong binabasa at tinakbuhan siya patungo sa canteen. Hindi ko yon papansinin, akala niya ha.

Dumating na si Kiel. Kinakausap niya ako pero parang wala akong naririnig kagaya ng ginawa niya saken kanina. Aba! Hindi talaga iyon makatarungan para sa isang nilalang na kagaya ko noh.

May inilapag siya sa lamesa.

"Peace offering B."
Hindi ko parin siya pinapansin pero binuksan niya ang mahiwagang box. Mukhang masarap naman ang amoy. Wala! Hindi parin ako susuko kahit ano pa iyan. Pero mabango nga. 'Isa Sasa. Wag kang magpapaakit pagkain lang iyan.'

"Ayaw mo? Sige huwag na. Ibibigay ko nalang ka-"

Hinablot ko ang box. Batil patong nga. Saraaaaap.

"Kanino mo ibibigay aber? Diba ako lang ang best friend mo!" Kinuha ko iyon kaagad baka ibigay niya nga sa iba. Ayoko pa naman ng naagawan. Tsaka favorite food kaya namin ito ni Kiel no.

Tinatawanan lang ako ni Kiel habang kumakain ako. Ewan ko ba kung ano ang nakakatawa. Iniirapan ko lang siya sa mga bawat tawa niya.

"Ang takaw mo talaga Sasa. Tsk." Ginulo niya ang buhok ko. Minsan lang talaga magsalita tong si Kiel. Pag naman seryoso ang usapan, para na siyang nakikipagdebate sa dami ng nasasabi. Magugulat ka nalang talaga.

Ilang oras ang inabot namin sa dati naming school. Binisita namin ang mga naging classrooms namin simula nong bata pa kami. Prep palang kami noong mag aral kami dito hanggang sa matapos namin ang Junior level.

Napakaraming memories pala talaga ang nangyari dito sa school na ito. Dito namin nakilala ang mga first crushes namin, first circle of friends pero habang tumatagal ang panahon kami nalang talaga ni Kiel ang hindi pa nagsasawaan.

"B, naalala mo pa ba dito? Grade 8 tayo? Noong madapa ka sa harap ni Monet. Tawang tawa talaga ako sayo noon. Ang malas mo naman at sa harap pa talaga ng crush mo. Bwhahaha!" Halos mapaupo na ako sa naalala, tinutulak ko kasi siya noon kay Monet pero ayaw kaya noong hahakbang na siya mas nilakasan ko ayon nadapa tuloy. Tawanan noon mga kaklase namin pero nagsorry naman ako kay Kiel.

Hindi ko lang talaga mapigilang mapahagalpak sa mga katangahan namin noon. Nakakamiss naman talaga. Mamimiss ko ang canteen, mga tambayan namin ni Kiel, mga pagsubaybay namin kay Lee at Monet, pati narin ang pagpunta namin ni Kiel sa rooftop every 5:30. Sobrang mamimiss ko iyon lahat.

Ngayon magsisimula na naman ang panibagong mundo sa buhay ko. Bagong kapaligiran.

Narito kami ngayon ni Kiel sa rooftop.

"B, nakakamiss no?" tanong ni Kiel.

"Oo B, sobrang nakakamiss. New school na tayo. Sana walang magbabago satin ha?"

"Walang magbabago, kung walang manggugulo B."

Lumipas ang ilang minuto at napagpasyahan na namin ni Kiel na umuwi na. Gabi na din kasi eh.

"Goodnight B, pakisabi kay tita thank you doon sa batil patong na niluto niya." Hinalikan ko si Kiel sa pisngi. Ganito kami kaclose ni Kiel. Kaya parang wala na sa amin ito.

"Goodnight Sasa."

Pinanood ko munang lakarin ni Kiel ang kabilang kalsada. Medyo magkalapit lang din kami ng bahay. Kaya naihahatid niya ako palagi.

Napasalampak nalang ako sa kama. Nakakapagod tong araw na to.

Back to strangersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon