(4:00 a.m.)
*kkrrrrriiiinnngggggg!!! Kkkrrrrriiingg!!!*
Halos mapalundag si Kea sa kinahihigaan ng marinig ang alarm ng kanyang cellphone. Inis na inis niyang inoff iyon at muling nagbalik sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata.
Maya-maya ay tumunog ulit ang kanyang cellphone, may incoming call galing sa close friend niyang si Rima.
*Ringtone: Last Friday Night with Vibration
Pikit mata niyang kinapa ang cellphone saka pinindot and left button saka itinapat sa kanyang tainga.
“Ano?” Matabang niyang tanong, halata sa boses niya ang pagkainis at sobrang antok.
“Goooooodddd Morrrrrnnniiingggg!” Masiglang bati sa kanya ni Rima.
“Agh! My eardrums!” Inis niyang wika saka mabilis na nilayo sa tenga ang cellphone at cinancel ang tawag.
“Agggghhh! Sino ba naman kasing matinong nilalang ang magseset ng class team building ng 5:30 a.m.?!” Gigil niyang bulong habang hinahampas-hampas ang kanyang unan at paikot ikot sa kanyang higaan.
*Ringtone: Last Friday night with Vibration
“Ang sama mo! Why u make cancel the phone! It hurts you know!” Drama sa kanya ni Rima.
“Akala ko wrong number eh. Ano ba ang good sa morning eh halos di ko naramdaman na natulog ako! At saka WTH Supposedly wala tayong pasok ngayon at inieenjoy ang halos tatlong araw nating baksyon!” Bwisit na bwisit niyang sagot dahil dapat kahapon pa siya dapat nakauwi ng probinsya dahil wala siyang pasok kinabukasan at holiday ng Sabado pero dahil sa Assessment course nila kung saan meron silang tatlong proctor ay kailangan nilang umattend ng two days and three nights seminar sa Quezon Province.
“Ano ka ba! Cold mo kaya you can’t see na exciting kaya! Imagine, makakasama natin ng tatlong gabi si Sir!” Kinikilig na wika ni Rima.
Gusto sanang tampalin ni Kea si Rima dahil sa babaw ng dahilan nito buti na lang at nasa kabilang linya ito.
“Ewan ko sa’yo. Nakakadalawang meeting pa lang tayo super teambuilding agad, di ba pwedeng classroom activities muna? ”
“Hay nako, Kea ienjoy na lang natin... malay mo makahanap ka doon ng prince charming mo!” Parang nagdadaydream na tili ni Rima.
“Ay ambot. Sige na maliligo na ko. Kita na lang tayo sa school, wait kita sa baba ng dorm at kung wala ka pa don by 5 a.m. eh mauuna na ko kasi kakain pa ko. Bye!” Di na niya hinayaang makasagot si Rima at binaba na niya agad dahil alam niyang hindi ito titigil sa kakachika at baka malate na naman sila.
Naginat muna siya ng ilang ulit bago tuluyang pumasok sa banyo para maligo. Ten minutes lang siya naligo at wala pang 30 minutes ay bihis na siya at naglalagay na lamang ng pulbos at kaunting lipstick. Papatuyuin sana niya ang buhok niya pero ayaw niyang gumamit ng blower dahil baka maistorbo ang tulog ng roomates niya. Maya-maya ay tumawag na siya kay Rima at sinabing pumunta na ito. Magkalapit bahay lang ang dorm nila kung kaya lagi silang sabay kung pumasok. Naghintay pa siya ng 10 mins dahil sinabi nitong nagaayos pa daw ito.. hindi na niya sinermunan tutal wala pa namang alas singko. Bumaba na siya dala ang medium size na travelling bag at maliit na backpack.
Napangiti naman siya ng maluwag dahil nakita niyang naglalakad na papaunta sa dorm niya si Rima at mukhang adik pa itong nagwawave sa kanya. ^___^ ^ ___^/
Dumaan muna sila sa 711 at bumili ng pagkain saka nagtuloy-tuloy sa campus kung saan naghihintay doon ang bus na kanilang sasakyan. Nakita nila na halos nandoon na lahat ng kanilang mga classmates at mukhang mangilanngilan na lamang ang kulang.
--to be continued.
PLEASE Keep Reading :)