Here We Go

427 6 0
                                    

..Continuation.

Kea's POV:

Napalingon tuloy ako agad sa bintana dahil sa tanong na 'yon. "Okay ka lang? WTH prof yon, te! Gutom lang yan!" Sermon ko sa sarili habang kinakalma ung sarili ko at nagpasyang wag na ulit lilingon at titig sa taong natutulog. 

Maya-maya narinig kong may tumatawag sa'kin. (Nagsasoundtrip ako kaya di ko agad napansin)

Si Lance pala yung kanina pa tumatawag. Tinanggal ko yung earphones sa tenga ko at nilingon siya.

"Bakit, Lance?" Pilit yung ngiti ko kasi nga nagsesenti mode ako eh. Istorbo!

"Ahh, ano.. try mong panoorin tong short flick na ginawa ko. Pang tanggal ng boredom." Nakangiti niyang alok sakin. Nakunsensya naman ako kasi nakaramdam ako ng inis sakanya eh gusto lang naman pala niyang maging friendly. Ngumiti ako ng maluwang at inabot ung Galaxy tab.

"Ahh.. salamat!" Sagot ko saka pinanood na ang sinasabi nito. Yung unang video ay animation. "I can't smile without you" ang kanta tapos ang cute ng mga cartoons. 

"Ikaw ba yung naggawa din ng animation?" di ko napigilang itanong.

"Oo, hilig ko din kasi yan." 

" ang galing!" Honest kong sagot sa kanya kasi napabilib talaga ko sa video na yun.

Madami pang mga videos doon at lahat iyon ay talaga namang nakakaWOW at hindi naman ako naging madamot sa compliments. Mukha naman siyang natuwa kasi super puri ang ginawa ko sakanya. He deserves it naman so why not.  

Binalik ko na sakanya yung tab at muling nagpasalamat kasi kahit paano ay gumaan ang mood ko. 

Gusto ko pa sanang makipagkuwentuhan kay Lance kaso naisip ko na baka magising yung prof ko  kasi nga di ba nasa gilid siya. Inilabas ko na lang ung psp at naglaro na lang. Halos dalawang oras din akong ganoon at natigil lang ng maramdaman kong huminto na ang bus. Masyado akong nadala ng Tekken 5 at di ko namalayang andito na pala kami. Noon ko lang din namalayan na kanina pa pala gising yung katabi ko. 

"Andito na pala tayo." Wala sa loob kong wika habang lumilingon lingon sa paligid. 

"oo, medyo busy ka kasi sa paglalaro kaya di mo namalayan. Buti hindi nagkaroon ng pixel yang mata sa sobrang titig sa screen." Masungit nitong sagot. (Nagtaray? Hala! jetlag? Badtrip bus lang to! at hello wala pang 10 hours ung binyahe? ano meron?)

"Ha??" Tangi kong nasagot. Joke ba yon?

Hindi siya sumagot at sa halip ay tumayo na at kinuwa ang gamit niya at bumaba na ng bus. 

"Anong ginawa ko????" Tnaong ko sa sarili habang iniisip kung ano ang ginawa ko. "Ayaw siguro niya ng violence, lintek na tekken to." Iiling iling na lang ako saka bumaba na din. Nagprisinta si Lance na siya na lang magdadala ng malaki kong bag, di na ko naginarte pa kasi medyo mabigat din yun. 

"Hoy, Kea! Ikaw ha! Nanglalalake ka na naman." Kantyaw sakin ni Rima pagkababa na pagkababa ko ng bus.

"tigilan mo ko, mainit ulo ko." Saway ko sakanya saka bumaling kay Lance at nagpasalamat. 

"Thank you. Great help" Hindi na ko ngumiti... mahirap ngumiti lagi.

"Welcome, oh, tara na kayo... "aya niya sam'in. 

Parang bukid ang lugar... literal na bukid. Dumaan pa sila sa palayan para makarating sa pinakabayan kung saan sila mamalagi ng tatlong araw.

Maganda ung bayan na iyon at sobrang ganda ng paligid at presko ng hangin. Sa isang malaking retreat house sila nagtuloy. Para itong dormiitory kung saan hiwalay ang kuwarto ng mga babae at lalaki. Malwak ang retreat house na iyon at doon din gagawin ang seminar. 

I WILL Reach Your Heart <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon