The Start. -End of Chapter 1-

419 5 0
                                    

:::Kea’s P.O.V.:::

“...ikaw lang naman talaga ‘yung mahal ko...simula pa lang mahal na kita... matagal na kitang minamahal, Kea. Sana makita mo na totoo ang sinasabi ko....” Madamdaming wika sa akin ni Coco Martin habang inilalapit niya sa akin ang kanyang mukha. “OMG hahalikan niya ko!” Sigaw ng utak ko.

Kahit naman cold hearted ako eh natutunaw pa di 'yon kapag nakikita ko na si Coco Martin o kaya si Lee Min Ho. 

Bago pa maglapat ang mga labi niya sa labi ko ay nakaramdam ako ng lindol... “Lumilindol, Coco!” sigaw ko saka nakita kong nawala bigla si Coco at parang nahuhulog daw ako. 

"NOOOOOOOOO...."

“Ms. Ramsay...Ms. Ramsay...”

Napabalikwas ako ng bangon (Kamote! Panaginip lang pala! Agh! Sinong hinayupak ang nanggising sa akin??? Sinoooo??? >.<) Paglingon ko ay nakita ko ang nag-aalalang tingin ni Sir Jet sa’kin.

Huh?” Tangi kong nasagot. ( ayy, oo nga pala. Siya nga pala ang katabi ko!)

“Sorry, di ko intensyong gisingin ka pero rocky na kasi yung dadaanan natin kaya ginising na kita dahil baka mahilo ka kapag mamaya ka pa nagising.” Mahaba niyang paliwanag.

“HINDI!!!!” Gusto kong isagaw! Moment na namin ni Coco Martin yon eh! Alam mo ba kung gaano kadalang ko siyang mapanaginipan, ha? Ha?? Ibalik mo ang oras! Ibalik mo!!"

“Ah. Thank you, sir.” Malamig kong sagot sakanya saka tumingin na sa bintana. Nakita kong puro palayan na ang nadoon at hindi na konkreto ang kalsada.

“Saang lupalop na to ng Quezon?” tanong ko sa sarili, gusto ko sana itanong kay sir pero bitter pa din ako. Tinignan ko ang relo ko at nakitang 8 na pala. Two and a half hours na din pala akong tulog. Wagas!Di man lang ako naalimpungatan kanina.

Sir, mga anong oras po tayo makakadating sa destination?” di ko na napigilan magtanong.

“11 or 12 siguro.” Matipid niyang sagot. Di man lang ako nilingon. Amp!

“Ah... eh sir.. hindi po ba magsstop over?” Tanong ko ulit.

“Siguro sa next station pa or dirediretso na. Depende sa driver.”

“Aw.. Nagugutom na ko.” Wala sa  loob kong sagot.

“Wala ka bang baon na food?” Tanong nito.

“Meron. Kaso cookies, chips and soda lang ‘yun. Gusto ko ng rice T___T.” Walang hiya kong sagot saka ko na lang narealize na professor pala yung kausap ko. “Hehe.” Dugtong ko para matanggal yung pagkapahiya ko sa sarili. (Oo, Hindi ako Nag-PO or OPO....)

Narinig ko siyang tumawa ng mahina at pigil ang tawa siyang tuminngin sa’kin (nakatingin lang ako sakanya the whole time; ganoon kasi ako pag nakikipag-usap sa isang tao).

“Don’t worry, magsstop over din tayo. Ako din nagugutom na and for sure pati din sila ma’am.” Alo niya sa’kin.

“Okay, sabi mo sir eh. Pagtyagaan na lang natin yung baon kong food.” Sagot ko sabay hanap sa backpack ko. “Eh? Nasaan na yung backpack ko?” tanong ko sa sarili.

“Ay, nandito..sandali” kinuwa niya sa compartment sa taas ung backpack ko at iniabot sa akin.

“Thanks, sir.” Tipid kong sagot. Binuklat ko na yung loob at kinuwa ang baon kong pagkain. Inabot ko sa kanya ang isang pack ng cookies pero tinanggihan niya pero siyempre di ako papayag na kumain mag-isa.  Walang pwedeng tumanggi kay Kea Ramsay!

“Hindi pwede.” Sagot ko sabay abot ulit ng cookies sa kanya. Mukhang nakuwa naman niya ang ibig kong sabihin at kinuwa na din niya. “Pakipot pa eh gutom na din naman.” 

"Thanks anyway.” Tipid niyang wika. Ako naman nagsisimula nang kumain habang nakatingin lang sa mga nadadaanan namin. Refreshing yung mga sceneries at probinsyang probinsya na talaga. Mukha lang akong ewan kasi hindi ko mapiggilang lingunin yung gawi ni sir. Buti na lang natutulog na siya.

“OMG! Bakit ko siya tinitignan?!!???!???!?"  Napabaling tuloy agad yung tingin ko sa bintana at di na muling lumingon pa.

 ... to be continued. :D Badump!

PLEASE Keep Reading :)

I WILL Reach Your Heart &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon