---continuation-->
::Narrator's POV::
"Oo, tignan mo ko. Favorite kita... kaya nga ko andito ngayon eh."
"Ehe-he", pilit na pilit ang tawa ni Kea. Napalunok siya ng wala sa oras dahil sa sinabi ni Lance.
"Oh, tara na gawin na natin to. Baka magalit pa si Sir Sungit." Yaya ni Lance sakanya habang tinitiklop na ang manila paper.
"Oo, ay.. ako na magsusulat ha? dictate mo na lang para mabilis tayo matapos." Mando naman niya dito. Hindi siya nag-aangat ng mukha kasi nga naiilang na siya. "Leche naman kasi tong flirt na 'to! Ang awkward tuloy ng situation!" Komento niya sa isip.
Doon na natapos yung topic nila kasi sinimulan na nilang gawin yung visual aids. Wala pang 30 minutes ay natapos na nila ang visual aid at maayos na tinitiklop na 'yon.
"Grabe, two days pa tayo dito no?" Ungkat ni Lance
"Oo nga eh. May bagyo pa naman." Sagot ni Kea na parang wala lang sa loob.
"Bagyo? saan at kailan daw tatama?"
"Ang sabi CALABARZON daw at NCR. Nagtaka nga ko kung bakit andito pa tayo hanggang ngayon. Midnight or tomorrow. Yung signal number eh di pa alam since LPA pa lang nman daw pero doon na din yung tuloy non, dba?" Mahabang paliwag ni Kea. Medyo nakaramdam siya ng kaba dahil ayaw niyang mastranded sa probinsya tapos mawawalan pa ng kuryente.
"Hala, Alam na kaya yun nila Sir?" tanong ulit nito pero nagkibit balikat lang si Kea na parang walng pakielam habang inilalagay na sa loob ng plastic bag yung ibang mga materials.
"Siguro.. pero baka naghihitay pa sila ng order from head... since LPA pa lang naman yun kaya tinuloy na.." Halata sa boses ni Kea na ayaw na nitong makipagdiscussion sa kanya.
"Okay ka lang ba?" Halata sa boses niya ang concern and at the same time parang pinagsisisihan nito kung bakit sinabi pa niya yung ganoon kanina.
"Oo, tara bigay na natin to kay sir." Tumayo na si Kea at tumayo na din si Lance at nagpunta na sila sa may pavillon.
Naabutan nila doon ang tatlo nilang professors. Mukhang seryoso ang pinaguusapan ng mga ito. Aalis na sana sila pero nakita sila ni Ms. I.
"Oh, Ms. Ramsay and Mr. Ezquiver, good timing." Bungad nito sa kanila. Mukhang problemado yung tatlo. Lumapit sila sa kinauupuan ng mga ito. Iniabot naman ni Lance kay Sir Jet yung plastic bag.
"Thanks." Tipid na pasasalamat nito sa kanila.
Hindi man lang nilingon ni Kea si Sir Jet at nakatutok lang ang atensyon kay Ms. I.
"Bakit po good timing?" Hindi na nagpaligoy-ligoy na tanong ni Kea. Ayaw na niyang magstay doon dahil baka kung ano nanaman ang iutos ni Sir Jet at naalala kasi niya yung sinabi niya kanina dito. Pakiramdam niya ay galit ito sa kanya.
"Nagtext kasi sa'kin yung mister ko. Ang sabi niya, hindi na may signal number 2 daw dito. Hindi naman namin alam kung icacancel na lang kasi naghihintay pa kami ng order mula sa office. Ahm.. Pakisabihan ninyo na lang yung mga classmates niyo na ihanda na yung mga gamit nila just in case na dumating na yung order." Mahabang paliwanag sa kanya ng ginang.
Tumango- tango naman silang dalawa ni Lance bilang pagtugon.
"Sige po, ma'am. Makakarating. Sasabihan na po namin sila." Sagot ni Lance. Ngumiti lang ng tipid si Kea at sumunod na kay Lance.
Pagdating nila sa ground ay sinabihan na nila ang mga kaklase nila. Nanlulumo man ay wala na silang magagawa in case na dumating yung order kesa naman mastranded sila doon.
"Kea! Saan ka ba nagpupupunta? Kanina pa kita hinahanap! Hindi ka naman nagrereply sa text ko!" Parang paiyak na maktol ni Rima. Saka lang naalala ni Kea ang cellphone niya.
" Nasa bag ko yata eh." Tipid niyang sagot habang itinatali ang buhok.
Lumabi naman si Rima dahil sa isinagot ni Kea.
"Alam mo... pasalamat ka love kita... kung hindi matagal na kitang sinabunutan." Parang bata nitong reklamo sa kanya. Sanay na siya dito at alam niyang medyo nasaktan din siguro ito dahil sa matipid niyang sagot na parang walang pakielam na attitude at alam niyang sanay na naman ito sa ugali niya pero may takot pa din sa puso niya na baka one day magsawa DIN ito at iwan na DIN siya tulad NILA. Naalala tuloy niya kung bakit ganito ang ugali niya ngayon naalala ulit niya yung sakit.. akala niya maingat na niyang nasementuhan yung sakit na 'yun pero hindi pa din pala... ganoon pa din... hindi nagbago.. nakalimutan lang niya yung dahilan nung sakit pero hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa din niya.
(Yung reason at dahilan ... sa upcoming chapters... MADRAMA yun kaya abangan niyo)
Niyakap niya bigla si Rima at binulungan ito. "I'm happy to have you." Mahina lang 'yun pero ang lakas ng impact kay Rima.
"Waaaah! Kaya love kita eh!" Sagot nito sa kanya na parang maluhaluha na.
"Tara na... Ayunsin na natin yung gamit natin." Bago niya ng topic. Naglakad na siya papunta ng kwarto nila at sumunod na lang si Rima na abot tainga ang ngiti.
Nakita ni Lance ang scene na iyon at ngingiti ngiti lang siyang umiling saka binuhat na ang mga bangkong kanina pa niya napagpatung- patong.
"Hoy, pare! Mukha kang tanga. Ngumingiti mag-isa. Ano meron?" Puna sa kanya ni Eric na may dala-dalang mga paper plates.
"Wala! Masama ba ngumiti? Di mo ba alam na mas madaming muscles ang gumagana kapag nakasimangot kesa kapag nakangiti? Ikaw talaga! Nursing student ka pa naman! Diyan ka na nga!" Mahabang litanya ni Lance saka mabilis na alis na dahil alam niyang gigisahin siya nito pag di pa siya umalis doon.
"Hoy teka! Iniba mo yung usapan!" Habol sakanya ni Eric.
"Ano ba yun?"
"Ano bang meron kasi? Si Kea ba?" Usisa pa ni Eric. Nasa loob sila ng convention room at inaayos yung mga upuan. Hindi siya sumagot.
"Hala ka pare. Paano na si Bunny niyan? Sabi pa naman ni Teresa na malapit ka na daw sagutin!" Bakas sa tono ni Eric ang concern at pagbabanta na malaking gulo kapag tinuloy niya yung kanengotan niya.
"Ano ba pinagsasabi mo diyan. Gusto ko si Bunny no." Sagot niya dito para tumahimik na.
“Eh bakit super dikit ka kay Kea eh alam mo naming madaming minions si Bunny?”
-----to be continued.
Keep Reading :)