Beginning

438 5 3
                                    

--Continuation :)

::Kea’s P.O.V.:::

Sa labas naman ng bus ay nakatayo ang tatlo nilang proctor sila Ma’am Isabel (50 yrs old), Ma’am Dona (39 yrs old) at Sir Jet (25 yrs old).

Ma’am Isabel: Good thing andito na kayo. (nakangiti nitong bati sa’min ni Rima. Nababaitan ako sakanya at sobrang gaan ng loob ko sa unang kita ko palang sa kanya.)

Ako: Sorry, Ma’am. Kami na lang po ba ang hinihintay? (malamig pero polite kong tanong)

Ma’am Isabel: (Ngumiti ito.) No, Ms. Ramsay. Actually mga apat pa ang wala and besides 5:15 plang kaya you’re just in time pero hindi niyo na naabutan ang groupings but don’t worry dahil nasama naman kayo sa seating arrangement sa bus.

Rima: Po? May seating arrangement? Hala! (Hindi napigilang comment ni Rima dahil akala namin ay kaming dalawa ang magkatabi. Kaunti pa lang kasi ang kakilala namin sa bagong section na ito kung kaya hindi pa kami masyadong nakakaadjust.)

Ma’am Dona: Is there any problem Ms. Marquez? ( Medyo mataray na tanong nito habang nakataas pa ang kilay. Ayoko sa professor na ‘to, Ayoko talaga! Alam mo yung feeling na gustong kumunot ng noo mo evertime na makikita mo ang isang tao... ganoon.. ganoon ang feeling ko sa dalawang meetings na nakita ko ang babaeng ito.)

Rima: A-ano.. (Hindi na nakapagsalita pa si Rima. Alam kong naunahan na ito ng kaba dahil hindi sanay ito ng nangangatwiran medyo mahina kasi ang loob niya.)

Siniko ko si Rima ng mahina at ako na ang sumagot.

Ako: Nothing ma’am. Maybe she’s just disappointed kasi nasa bag ko po lahat ng pagkain namin. (Kalmado kong sagot. Nakatitig sa akin ang malditang professor pero syempre hindi ako nagpatalo... tinitigan ko siya at nginitian pa sa huli. HAHA! Kala niya masisindak niya ko... Never!)

Ma’am Dona: Oh, I see. (Tangi nitong nasagot.)

Narinig kong tumikhim ang isa ko pang professor na ngayon ko lang naalalang nandoon pala. Napatingin tuloy ako sakanya. Nangunot ang noo ko ng may narealize ako.

Nagpipigil siya ng Tawa! BAKIT??? Nangunot ang noo ko ng di oras at inilayo na ang tingin ko sakanya. Abnormal na ‘to. Tumatawa ng walang dahilan! Buti hindi ka nilingon nila ma’am kundi magmumukha kang ewan!” Inis kong turan sa isip.

Ma’am I: Haha. Don’t worry Ms. Marquez di ka magugutom sa biyahe dahil ako naman ang katabi mo.

O__O’  ß reaksyon ni Rima ^ 3 ^ß reaksyon ko. Gusto ko sanang tumawa ng malakas buti napigilan ko.

Ma’am I: Hinati-hati na kasi namin yung class ninyo sa tatlo and sa group kita. Ikaw naman Ms. Ramsay ay sa group ni Sir Jet at sa tabi ka din niya mauupo since sa R nagsimula ang seating arrangement sa group niyo at M naman sa group ko. (Mahabang paliwanag ni Ma’am)

O__O ß gan’to ang reaksyon ko   >,< ß Gan’to naman si Rima.

  Alam ko na ang iniisip niya, “Waaah! Ang daya! Bakit ikaw si Sir ang katabi mo... bakit ako.... si Ma’am??? Aghhh! Exchange! Exchange!” Gusto ko siyang tawanan at asarin pero siyempre hindi pwede kasi nasa harap namin sila ma’am. Hahaha

Ma’am D: Oh siya umakyat na kayo. (Aba, caring ang tono niya.. nanay na nanany) Doon ka sa 5th row right side Ms. Marquez at ikaw naman Ms. Ramsay ay sa 9th row left side.

I WILL Reach Your Heart &lt;3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon