Come With Me.

414 5 0
                                    

...continuation (AH HUH)

Ha! Ha! Ha! (pilit na pilt yung tawa ko) "Wala nang langgam, sir. Sayonara!"  Sabay talikod na.

"Teka lang. Pinagtritripan mo b ako, Ms. Ramsay?" Seryoso ang tono ng boses nito. Kinabahan ako bigla at napa face palm. "Shocks, nahuli ang revenge plan 101 ko." Sigaw ng utak ko. 

Oo, revenge 101, balak ko sanang pagtripan si sir nung makita kong natutulog siya.

Revenge to-do-List:

1. Pisilin yung ilong niya.

2. Pitikin yung tenga niya pag di pa din nagising.

3. Ihulog sa swing sabay takbo. 

"Ha? Sir? Pinagtritripan?" Deny ko pa. Kunwari inosenteng inosente ang dating. Nakita ko siyang nagtaas ng kilay, mukhang mananapak na.

"Nevermind. Sige pumunta ka na sa may ground (Yung convention place)." Utos niya sa'kin. Oo, utos! Yung tono ng boses niya eh arang nagsasabi na "WAG KANG KOKONTRA"

So ayun, naglakad nako palayo. Akala ko gagaan na yung pakiramdam ko kapag napagtripan ko na siya pero di din pala. HINDI SAPAT! HINDI!!! Mukhang ako pa nga yung nakarma sa huli. :((

Nakasambakol (Nakasimangot) yung mukha ko pagdating sa ground. Halos lahat ay nagpapahinga na, nagkukuwnetuhan at naglalandian (Oo, naglalandian!) as in getting to know each other etc. etc. Ayoko sa ganoong phase... kinikilabutan ako. Ang daming tanong nakakairita.

Nakita kong may kausap si Rima, kaklase naming lalaki, yung katabi ni Lance sa bus. Cute yung guy. Lalapit sana ako kaso naisip ko na baka makaistorbo lang ako kaya dumiretso na lang ako sa mga upuan sa likod ng pavillon at umupo doon, buti na lang walang mga tao plus ang ganda pa ng view.

*Krrrrrrrruuummmm*  "Shocks. Gutom na ko! 12:30 na pala. Hindi pa din handa yung food namin. T__T I'm dying." 

Nagulat ako ng biglang may kumalabit sa'kin.

"Shimmers!" Muntik na kong mapamura. Lumingon ako at nakita ko ang nakangiting mukha ni Lance. "OMG, why so charming?" Tanong ng isip ko. Hindi ko naman pinahalata na naenchant ako sa smile niya. Hindi ako sanay sa ganon... ang ipakita yung totoo kong nararamdaman. 

"Oh, Lance... bakit?"

"Kakain na! Gutom ka na no?" 

"Oo eh, kanina pa nga kumukulo yung tyan ko." Sagot ko na halatang narelieve dahil sa wakas may pagakin na!

Tumawa ito ng mahina, nahulaan siguro nito ang iniisip ko. Leche to, intrimitido! Haha.

"Anong nakakatawa?" Medyo inis kong tanong.

"Wala, sorry." Pigil pa din ang tawa niya.

"Ano nga??" pilit ko pa... inis na inis na ko, gusto ko na siyang batuhin ng bangko.

"Eh kasi kanina ko pa naririnig yung kulo ng tyan mo." Saka hindi na niya napigilan ang mapahagalpak ng tawa. Alam mo yung tawa na parang wala ng bukas?!

"Ayos!" tangi kong nasagot. Hiyang hiya ako sa sinabi niya pero di ko maintindihan kung bakit napapangiti ako sa sarili kong katangahan.

"Adik ka. Ang sama mo. Kanina mo pa pala ao pinagtritripan jan"

"Haha. Sorry. Kasi naman mukhang nageenjoy ka jan sa pagkakaupo mo. Tapos ayun gutom lang pala kaya wala kang kibo." Paliwanag pa nito.

I WILL Reach Your Heart <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon