-- continuation...
"Gising siya????" Gulat na tanong ni Jet sa sarili niya.
"Bakit?" parang wala pa din sa ulirat na tanong ni Kea. Nakapikit pa din ang mga mata nito at mukhang walang kaalam alam na halos yakap- yakap na niya ang braso ng professor niya.
"Yakap mo na yung braso ko." Bakas ang inis sa boses ni Jet.
"Anong braso mo? Unan ko to." Parang nananaginip pa yata. Halata sa boses nito na wala sa loob ang sinasabi.
Hindi na nakasagot si Jet dahil nakuwa niya na wala ding saysay dahil mukhang nasa dreamland pa ito. Hindi na niya napigilan ang antok kaya maya- maya pa ay nakatulog na din siya.
::: Lance's P.O. V. :::
"Wa-wala... akala ko kasi nakatulog ka na diyan." Pagsisinungaling ko.
Oo, magaling ako magsinungaling. Ako na yata ang pinkaperpektong sinungaling sa buong mundo. Pang sampu ko na yatang pagsisinungaling 'to ngayong araw.
Nakita kong nagkunot lang siya ng noo at mukha namang hindi siya galit dahil hindi na sana niya ako pinansin kung ganoon.
Hindi ko maintindihan kung bakit ako naaatract sa kanya gayong parang wala naman siyang pakielam sa mundo at iba yung coldness niya... iba yung coldness ng mata niya.
Naiinis ako sa sarili ko. Nagagalit ako kasi hindi ko maintindihan kung bakit ako nagkakaganito.
Pasulyap -sulyap lang ako kay Kea. Hindi ko siya masyadong makita dahil nakaharang si Sir Jet. Hindi nag-uusap yung dalawa kaya naaawa ako kay Kea dahil baka sobrang bored na ito, Low bat pa naman yung ipos niya dahil hindi niya nacharge kanina.
Tatawagin ko sana siya para ialok yung ipod ko pero bigla siyang nagsalita.
"Feeling ko aabutan tayo ng bagyo." Habang nakatingin pa din sa labas, hindi nagbago yung expression niya pero di ko sigurado kasi nakaharang si Sir Jet. Nakita kong napatingin bigla si Sir Jet sa kanya. Mukhang nagulat kasi bigla na lang nagsalita si Kea.
Umurong na yung dila ko... hindi ko alam kung bakit.
"Hoy! Yung leeg mo baka mabali!" bulong sa kin ni Eric. Natutulog ito kanina pa, siguro naalimpungatan lang dahil nag-ayos ng puwesto at natulog na ulit. Hindi ko tuloy narinig yung sagot ni Sir Jet.
--
Pinilit ko na hindi lumingon sa pwesto nila Kea pero ang hirap. Nagmumukha nakong ewan kasi kahit na hindi pumapaling ang leeg ko eh sobra naman yung mata ko sa paggilid ng tingin. Naiinis na ko sa sarili kung kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko. Halos nakailang kanta na sa ipod ko saka lang ako dinalaw ng antok.
Naalimpungatan ako ng tapikin ako ng mahina ni Eric sa braso, muntik pa nga akong mapabalikwas buti na lamang at nakita kong nagquiet sign ni Eric atsaka biglang turo sa upuan nila Kea at Sir Jet. Nakayakap sa braso ni Sir. Jet si Kea. Nagkapalit na ng pwesto yung dalawa, si Sir Jet na yung nasa bintana. Tapos ang sobrang kinaiinis ko ay tulog na tulog din si Sir. Jet.
“Tol, bagay ah.” Pangiinis na kantyaw ni Eric sakin.
Hindi ako kumibo. Naiinis ako. Kailangang maiba yung posisyon ng dalawa.
“Sir Jet!” Malakas kong tawag. Nagising naman ito pero tulog n atulog pa din si Kea. “Sir Jet, malapit na yata tayo.” Dagdag ko pa. Nangunot yung noo niya at tinignan ang oras sa relo niyang nakalagay sa braso na yakap yakap ni Kea. Naligalig ako lalo kaya walang salita kong niyugyog ang balikat ni Kea upang gisingin ito.
“Kea! Gising ka na! Malapit na tayo sa Manila.” Ungol lang ang tinugon ni Kea saka pupungas pungas na nagbukas ng mga mata. Nakasimangot ito at malamig lang na tumingin sa akin. Nag ayos ito ng upo at parang hindi man lang nagulat na yakap yakap na niya ang braso ni Sir Jet.
“Tsk. Naulan pa din” Bakas sa boses nito ang sobrang inis. Inis na mukhang hindi dahil naulan pa kung hindi ay inis dahil ginising niya ito. Hindi ko na alam kung ano ang isasagot ko dahil parang natakot ako bigla sa kung ano man ang susunod na sasabihin ni Kea. Umurong na yung dila ko.
"Ano kasi Kea, pinapagising na ni Ma'am Isabel yung mga natutulog kasi malapit na tayo." Sagip na singit ni Eric.
"Ah, Ganoon ba, sorry parang wala pa din kasi ako sa realidad. Medyo inaantok pa kasi ako." Sagot ni Kea na mukha namang hindi nakahalata.
"Pupunta muna ko sa harapan aat kakausapin ko si Ma'am Isabel. Panigurado kasing baha na naman sa may Espanya." Wala sa loob na paalam ni Sir Jet saka tumayo na at nagtungo sa unahan.
Nakita kong hindi man lang lumingon si Kea at patuloy lang ito sa panonood ng patak ng ulan. "Ano ang meron sa ulan, Kea? Bakit mukhang mas lalo kang naging malamig at malungkot?" tanong ko sa isip habang nakatingin sa kanya.
---to be continued--->
Dear readers, Please tell me what you think. Open tong story na to sa lahat and gusto ko sana na maging interactive para mas maging ok yung story. Please feel free to say, suggest, comment anything. Malay nyo magustuhan ko yung suggestion nyo at ilagay ko di ba? Hahaha. :)) I don't bite. rawr :D
![](https://img.wattpad.com/cover/1100606-288-k845619.jpg)