Chapter Eight

1.7K 52 0
                                    

Chase's Point Of View.

Pag ka tapos kong asarin si Claudette inaya ko na syang lumabas, lintik naman kasi yung mga pinsan ko hindi man lang kami hinintay bigla bigla nalang nawala.

Habang mag ka sabay kaming nga lalakad ni Claudette sa dalampasigan, biglang nahagip ng mga mata ko si Georgina,

"Damnit!" Hindi ko napigilan na mag mura ng makita kong mag kasama sila ng lalaking ipinalit nya sakin.

Hinapit ko sa baywang si Claudette at deretsong nag lakad na parang hindi ko nakita si Georg.

"Problema mo?" Tanong ni Clau pero hindi sya nag pumiglas ng hapitin ko sya sa baywang nya.

"Chase?" Napatingin ako kay Georg ng masalubong na namin sya.

"Georg?" Kunwaring nagulat ako kahit hindi namab talaga dahil nakita ko na sya.

"Hey, how are you?" Tanong nya sabay lapit at beso sakin, hindi nya pinansin si Clau,

Damn! Hindi pa ko handang makita sya. Bakit ngayon pa sya nag pakita kung kelan nag mo move on na ko.

"I'm fine, how are you?" Kamusta ko din sakanya.

Yan bang lalaking yan ang ipinalit nya sakin, di hamak na mas gwapo at matipuno naman ako dyan.

"Doing good" may matamis na ngiti sa labing sagot nya.

"Ehem"ubo ni Clau sabay hawak sa lalamunan nya.

"Who is she?" Naka kunot noong tanong ni Georg sabay hagod ng tingin sa kabuunan ni Claudette.

"This is my fiance Claudette, baby this is Georgina" pakilala ko kay Georgina.

"Hi" bati ni Clau na may matamis na ngiti.

"Hello"ganting bati ni Georg pero may hilaw na ngiti.

"Una na kami, see you around" paalam ko at hinila na si Clau palayo sa dalawa.

"Damn!" Naiinis na bulong ko sabay sipa sa bato na nakita ko.

Fuck! Ganun lang sya kabilis maka move on, five months pa lang kaming hiwalay meron na agad syang iba.

"Balik na tayo sa suit, wala ako sa mood mag swimming" i said coldly to Clau.

"Ayoko. Mauna kana"

Dahil sa bwisit ko kay Georg at sa bago nya, inawan ko na lang si Claudette sa kinatatayuan nya, matanda na sya kaya na  nyang bumalik mag isa sa suit namin.

Hindi ko na nilingon si Clau diretso lang ang lakad ko papunta sa suit namin. Wala ako sa mood ngayon.

Pag pasok ko nahiga na lang agad ako sa kama at handa ng matulog, pero hindi ko magawa kaya tumitig na lang ako sa kisame, mahigit isang oras na kong tulala sa kwarto ng biglang may kumalampag sa pinto. Inilock ko talaga para hindi maka pasok ang mga pinsan ko.

"Chase, open the door!" sigaw ni Alliah, pero dahil walang gana hindi ko binuksan ang pinto.

"Damnit"

"Fuck! Chase open this goddamn door" narinig kong sigaw ni Everly at kinalampag ng kinalampag ang pinto.

Dahil mukang nag papanic sila, mabilis akong tumayo at binukas ang pinto.

Pag bukas ko ng pinto nagulat ako ng bigla akong sampalin ni Everly.

"Problema mo?" Naiinis na tanong ko.

Hindi na nya ko sinagot at biglang pumasok si Luhan buhat si Claudette na walang malay.

"What happened?" Nag aalalang tanong ko at mabilis na lumapit kay Clau ng maihiga sya Luhan sa kama namin.

Marrying Mr.PlayBoy (MMPB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon