Chapter Twelve

1.6K 42 0
                                    

Claudette's POV

"How was your first day?" Salubong sakin ni Chase pag pasok ko sa Condo.

"Its fine, hows your day?" Balik na tanong ko.

"Good" walang ganang sagot nya sabay salampak ng upo sa sofa.

"Mag bibihis lang ako" paalam ko sabay lakad papunta sa pinto ng kwarto namin.

Sumunod naman sya sakin at umupo sa kama.

"Ano bang ginawa mo at parang pagod na pagod ka?" Tanong ko habang nag tatanggal ng heels ko.

"Paper works, nag luto ako ng dinner" sabi nya sabay tayo at lapit sakin.

Tinitigan ko lang sya, at bigla nya kong niyakap.

"Hey, problema mo?" Nag tatakang tanong ko.

"I miss you" nagulat ako sa sinabi nya. Hindi pa malinaw sakin kung mahal din ba ko ni Chase, ang alam ko lang hanggang ngayon mahal parin nya sa Georg.

Mahal ko si Chase. Pero ayokong umasa na balang araw mamahalin din nya ko, oo papakasalan nya ko dahil naka saad yun sa agreement ng grandfather namin.

Bumitaw na sya sa yakap kaya tumuloy na ko sa banyo.

"I'll wait you sa dinning room"

Naulinigan ko bago ko isara ang pinto. Usual na sinusuot ko lang ang sinuot ko. Tshirt and maong shorts.

"Anong niluto mo?" Tanong ko pag ka upo sa upuan.

"Chiken Curry my specialty" naka ngiting turan nya na may pag mamalaki sa tono.

"Taste it" sabay subo nya sakin ng hawak nyang kutsara.

Hmmp!! Nanlaki ang mga mata ko ng matikman man ang luto nya. Agad akong nag tatakbo sa kitchen na kanugnog lang ng dinning area. Malayo ang kwarto namin para dun pa ko pumunta.

"Ackk.. w-water..acckkk" hinagod naman nya ang likod ko.

Tumakbo ko dito sa kitchen at sumuka sa lababo.

"Aaacckkk..acckk" suka parin ako ng suka.

Nung tumigil na ang sikmura ko sa pag labas ng mga kinain ko sa buong araw. Inabutan ako ni Chase ng baso na puno ng tubig.

"T-thanks" sabay mumog ko at luwa ng tubig sa lababo.

"Hindi pa nga tayo nag me make love, buntis kana?" Naibuga ko yung tubig na iinumin ko na sana dahil sa sinabi nya.

"A-anong- -" hindi ko na ituloy ang sasabihin ko ng bigla syang mag salita.

"Wag mong sabihin na may lalaki ka?" Nanlalaki ang mga matang tanong nya.

Baka ikaw, diba may fiance kana may Georgina kapa. Gusto ko naman isigaw sa pag mumuka nya pero hindi ko na lang ginawa.

"Ayoko sa maanghang nasusuka talaga ko pag maanghang ang pag kain." Naiinis na sagot ko sabay talikod at punta sa kwarto.

"Huy, sorry na hindi ko naman alam eh" sabay kalabit sa balikat ko.

Hindi ko sya pinansin. Naiinis ako sa sinabi nyang baka may lalake ko kahit na joke! Lang yun.

"Sorry na kasi" patuloy na pangungulit nya sakin.

"Oo na. Matutulog na ko" naiinis paring sagot ko sabay higa at talukbong ng comforter.

Nakakainis talaga! Aish. Bakit ba kasi pinana pako ni Kupido. Alam naman nyang may mahal na iba ang lalaking to.

Sumilip ako para tignan kung anong ginagawa nya pero naka titig pala sya sakin kahit na nasa ilalim ako ng comforter.

Marrying Mr.PlayBoy (MMPB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon