Claudette's POV
Tumayo na ko bago pa nya makita ang luhang kanina ko pa pinipigilan.
Pumasok ako sa kwarto at nag ayos ako ng damit na susuotin ko. Napatingin ako sa pinto ng bumukas at pumasok si Chase.
"Clau" tawag nya pero tinignan ko lang sya at hindi sinagot.
Tuluyan na kong pumasok sa cr ng hindi kinikibo si Chase. Naiinis ako sakanya, bakit mabait sya sakin at feeling ko may gusto sya sakin.iba ang ikinikilos nya sa pinapakita ng mga mata nya.
Iniwan ko sa kama ang isusuot kong slacks white button down blouse, kasi akala ko pag labas ko ng cr wala na sa kwarto si Chase, pero nag kamali ako.
Dahil lumabas ako ng cr na naka tapis lang ng twulya at wala pang suot na under wear.
Napalunok sya ng makita kong ganon ang ayos. Tinitigan ko lang sya ipinapahiwatig ng mga mata ko na lumabas na sya dahil mag bibihis ako.
"Ano pa hinihintay mo?" Mataray na tanong.
Umiling lang sya sabay lunok at tingin sa expose kong legs.
"Please lang Chase lumabas ka muna mag bibihis ako" naka pamewang na utos ko.
"Bakit ako lalabas, edi mag bihis ka kahit nandito ko" sagot nya sabay hangod ng tingin sa kabuuan ko.
"At bakit ko naman gagawin yun aber sa harapan mo?" Naka pamewang at mataray na tanong ko.
"Bakit hindi, Fiance mo ko" Naka smirk na sagot nya at nanatiling naka upo at naka titig sakin.
Oo nga pala fiance kita nakalimutan ko na kasi ang alam ko may mahal kang iba. Gustong gusto kong isigaw sa pag mumuka nya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Naiinis na lumapit ako sa kama at dinampot ang isusuot ko at nag dadabog na pumasok sa cr.
Damn that guy, nakakainis talaga. Pag labas ko ng cr na ka upo parin sya sa kama at hindi nag babago ang pwesto.
"Malelate kana" malamig na turan ko.
"Nag leave ako" sagot nya.
Ahh! Nag leave sya. Siguro gusto nyang maka sama si Georgina ng mas matagal.
"Good for you" walang ganang sagot ko.
"Hindi mo ba aalamin kung bakit?" Naka pout na tanong nya.
Bakit kailangan ko pang tanungin kung masasaktan lang ako sa sagot nya.
"Alam ko naman na, Fiance mo lang naman ako. Naiintindihan naman kita" sagot ko na nag pagulo sa sa utak nya.
Kitang kita sa mga mata nya na naguluhan sya sa sagot ko.
"Never mind what i say earlier, bye" sabay kuha ng bag ko at labas ng kwarto.
Inayos ko lang naman ang kilay ko, hindi ko na kailangan mag lipstick dahil mapula na ang labi ko.
Lulan na ko ng kotse ko pero patuloy na nag papabalik balik sa utak ko ang dahilan ng pag li leave ni Chase.
"Good morning mam" bati ng gwardya pag pasok ko sa pinto.
"Morning" wala namang good sa morning ko dahil naiinis ako kay chase.
Marami pang waitress at waiter ang bumati sakin bago ko maka rating sa opisina ko.
"Good morning ma'am" bati ni Chloe pag pasok ko ng opisina.
Tanging ngiti lang ang isinagot ko sakanya.
Nag umpisa na kami sa pag tatrabaho, subsob ako sa pag tatrabaho para maka limutan ko ng panandalian si Chase.
Napa hilot ako sa batok ko maramdaman na sumakit. Napatingin ako sa telepono na naka patong sa table ni Chloe ng tumunog yun.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr.PlayBoy (MMPB)
RomanceHow to be a Mr.PlayBoy's Wife? anong gagawin mo kung ang nakatadhana mong maka sama habang buhay ay isang dakilang playboy? Sundan ang kwento ni Claudette Chen sa Marrying Mr.PlayBoy (MMPB) "Hindi ako yung tamang lalake para mahalin mo, Pero ako yun...