Jho's POV
Ged left without saying a word. Bea is still hugging me. My teammates went to us and hugged me.
Alyssa: I'll report him. He should be banned from our dorm.
Humarap sakin si Bea at pinunasan ang mga luha ko.
Bea: Stop crying na po. Wala na siya. We're here. We won't let him get close to you again.
Ella: Beatriz, akin na muna si Jho ha? Gamutin mo na yang kamay mo. Namamaga na.
Tiningnan ko kamay ni Bea at sobrang pula na nga nito. Hinawakan ko yung kamay niya.
Jho: Tara sa loob, gamutin natin yang kamay mo.
Bea: Okay lang Princess. 🙂 Are you okay na ba?
I nodded. I hugged her again at siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya.
Kiwi: Uhm. Guys the training?
Den: Jho you can skip training muna. Kami na bahala kay coach.
Jho: No Ate Den. Magtatraining ako. Tara na?
Bea: Are you sure Princess?
I nodded. Pumayag naman silang lahat kaya naglakad na kami papunta sa BEG. Pagdating namin doon ay andun na sila Coach Tai. Nagjogging na kami. Spiking drill na kami at ako na ang pumapalo, maganda naman ang mga palo ko kaya agad din akong natapos. Hinanap ng mata ko si Beatriz at nakita ko siya kila Ate Den, nilalagyan ng bandage yung pinansuntok niya kanina. Mukhang hanggang ngayon ay masakit pa rin iyon. Lumapit ako sa kanila.
Jho: Bey masakit pa rin ba?
Bea: Ha? Not that sakit na. Don't worry, strong naman to eh. Hehe. 🙂
Tinawag na siya ni Coach Tai dahil siya na ang magspike.
Ella: Okay ka na ba?
Jho: Yes. Hindi ko alam na kayang gawin ni Ged yun.
Den: Maraming taong ganun Picasso. Maybe hindi mo pa siya gaanong kilala.
Ella: Buti na lang dumating agad si Beatriz. Naks naman. Haba ng hair mo bes.
Napangiti na lang ako, knight in shining armor ang peg ni Beatriz kanina.
Jho: Kaso namamaga ang kamay ng Beatriz ko. ☹️
Den: Pagdating natin ng dorm, icold compress mo ha? Para mawala ang pamamaga.
Jho: Sige ate Den. Thank you.
Pagkatapos ng spiking drill, nagscrimmage kami. After 3 hours natapos din ang nakakapagod na training. Pauwi na kami ng dorm para makapagpahinga kasi maya maya ay aalis kami ni Beatriz para puntahan si Maki. Pagkapasok namin ng dorm ay dumiretso ako sa kitchen para maghanda ng cold compress para kay Beatriz. Pagkatapos ay umakyat na ako sa room namin at nakita si Beatriz na nakadapa sa kama niya.