Chapter 15

4.4K 76 22
                                    


Jho's POV

After kong mabasa ang text ni Auds, nagdalawang isip ako kung pupunta ako, gusto kong pumunta para makausap ko na siya pero kasi gusto ko ring alagaan si Beatriz dahil nakainom siya. But still nangibabaw pa rin ang curiosity ko. Nireplyan ko si Auds at tinanong kung nasan siya. Nag-iwan na lang ako ng note para kay Beatriz at lumabas na ng room namin. Kailangan ko nang makausap si Auds para maging maayos na ang lahat. Ayaw kong nasasaktan si Beatriz eh, baby ko yun eh. Alam niyo naman guys. Hehe.
Pinuntahan ko si Auds na nasa tabing dagat, nakaupo sa buhangin at nakatingin sa dagat. Tumabi ako sa kanya. Tahimik lang kaming dalawa but after a few minutes ay nagsalita rin siya.

Auds: Hindi ko alam kung bakit bigla kang pumatol sa babae. We all know na straight ka.

Jho: Auds lahat ng tao nagbabago. Hindi naman kasalanan ang mainlove ako sa babae diba?

Auds: Alam mong kasalanan yan. Jhoana, boyfriend ang dapat meron ka, hindi girlfriend, hindi si Bea. Maybe nalilito ka lang.

Jho: Auds mahal ko si Beatriz. Masaya ako sa relasyon namin.

Auds: Bigyan mo nang chance si Ged. Baka naman natuwa ka lang sa presensya ni Bea kaya akala mo inlove ka sa kanya. Jho infatuation lang yan, hindi tama yang relasyon niyo.

Jho: Auds tama na. Ako mismo ang nakakaalam at nakakaintindi sa nararamdaman ko kaya please wag mong sabihing infatuation lang to. Mahal ko si Bea, mahal na mahal ko siya.

Tumingin sakin si Auds bago nagsalita.

Auds: Si Ged ang bagay sayo. Alam kong magiging masaya ka kay Ged kaya sana bigyan mo siya ng chance. Hiwalayan mo na si Bea.

Eto ang ayaw ko sa lahat, ang kinocontrol ang buhay ko. Napipikon na ako. Naiinis na ako.

Jho: Hindi ko gusto si Ged. Auds ilang beses ko bang sasabihin sayo na si Beatriz ang mahal ko. Hindi naman mahirap intindihin yun diba? Auds sinusuportahan ako ng buong pamilya ko kaya sana ikaw rin. Diba dapat masaya ka kasi masaya ako.Mahal namin ang isa't isa kaya Auds please support me and Beatriz. Please support and understand our relationship.

Tumayo si Auds pero bago siya naglakad ay may sinabi muna siya na bumasag sa puso ko.

Auds: Hindi na kita kilala. Hindi na ikaw yung pangs ko. Ano bang ginawa ni Bea sayo at nagkaganyan ka?Wala akong pinsang lesbian. Kahit kailan hindi ko susuportahan yang relasyon niyo. Kadiri kayo.

Pagkatapos niyang sabihin yun ay umalis na siya. Sobrang sakit ng sinabi niya. Bakit mismong pinsan ko pa ang magsasabi sakin ng ganun. Ang sakit sakit. Mismong pinsan ko pa ang nagjudge samin ni Beatriz. Isa si Auds sa pinakaclose ko pero bakit hindi niya maintindihan. Umiyak lang ako dito para ilabas lahat ng sakit. Nagulat na lang ako nang biglang may yumakap sakin. Bigla akong napatayo, nakita kong si Ged pala. Lasing na lasing.

Ged: Hi Jhowww. Lesh shleep na. Tabi tayo babe.

Jho: Ged matulog ka na. Lasing ka na.

Ged: Aalagaan mo naman ako babe diba?

Lumapit siya sakin at niyakap ako, pinipilit kong kumawala sa kanya pero mas malakas pa rin siya kahit lasing. Naramdaman ko na lang na hinahalikan na niya yung leeg ko, kaya tinulak ko na talaga siya, pero hindi pa rin niya ako binibitawan. Nagulat na lang ako nang bumagsak siya sa buhangin.

The Search is OverWhere stories live. Discover now