Jho's POV
We are on our way to De Leon's residence. It's kinda quiet. Bea's so focused in driving. I'm bored.
Jho: Bey. *pouts*
Bea looked at me for a second.
Bea: Why? Do you want something?
Yes. Ikaw. Charot. Ih. Nakakainis na sarili ko alam niyo ba yun. Hindi ko alam kung crush ko ba si Bea o ano eh. Ang hirap pong magexplain.
Bea: Hey? Are you okay? May problem ba?
Jho: Hm. Wala naman. I'm just bored.
Bea looked at me and smiled. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko and she intertwined it with her hands. Wtf. Ano to? Shit naman eh.
Bea: Laruin mo muna fingers ko. Wala kasi akong games sa phone eh. Sorry Princess.
I looked away. Tumingin ako sa bintana para maitago yung ngiti ko. Feeling ko ay namumula na rin kasi ako. Kinikilig ako sa mga simpleng gestures ni Bea. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman ko. Hindi ako sumagot pero nilaro ko fingers niya. Ang sarap hawakan ng kamay niya. Ugh. Stop it Jho. Bestfriend mo lang si Bey. Diba nga may gusto siyang ligawan. Ughhh.
Bea: Princess? Wake up na po. We're here na.
Naramdaman ko na lang ang mahihinang tapik sa pisngi ko kaya unti unti kong binuksan ang aking mata mata. Nakatulog pala ako. Sumalubong sakin ang nakangiting mukha ni Bea.
Jho: Why so cute baby?
Bea: Hey Jho? Gising ka na ba? Sinong baby mo? Sinong cute? Nananaginip ka pa ba?
Shit. Narinig niya yun. Nakakahiya. Argh. Biglang nagising ang diwa ko at napaayos ng upo.
Jho: Ha? Sorry. Ganda kasi ng panaginip ko eh.
Mabilis akong bumaba ng sasakyan kasi nahihiya ako. Ano ba naman yan. Pagtingin ko sa sasakyan. Isang BDL na nakangiti ang nakatingin sakin. Lupa lamunin mo na ako. Hindi ko na siya hinintay at pumasok na sa bahay nila. Sinalubong ako ni Tita Det.
Tita Det: Jho! Buti naman at nakasama ka. Miss na miss ka na namin. *Hugs Jho*
Jho: Hello po tita. Good evening po. Namiss ko rin po kayo kaya nung niyaya ako ni Bey sumama ako agad.
Tita Det: Yaya palinis naman yung guest room pls.
Bea/Jho: Mom/Tita wag na po!
Andito na pala si Bea. Tumingin si tita Det kay Bea at sinalubong eto nang yakap.
Tita Det: Hay nako Beatriz. Dalas dalasan niyo naman ang paguwi dito ni Jho.
Bea: I miss you too Mom.
Napatawa kami ni tita Det.
Tita Det: You go rest muna. Hintayin natin ang daddy at kuya niyo para sabay sabay tayong maglunch.
Jho/Bea: Okay mom/tita.
Bea's POV
Humiga ako kaagad sa kama at pumikit. I'm sleepy pa. I'll sleep muna. Hindi ko naramdaman si Jho kaya I looked at her, she's busy with her phone. May katext ata, baka si Ged. Hay. Pumikit na lang ako ulit para hindi ko na makita ang pag-ngiti niya.