Ako iyong tao na hindi nagpapaniwala sa mga pamahiin, sabi-sabi o anumang kuru-kuro na walang basehan sa syensiya na bagamat ako ay ipinanganak sa probinsiya na kung saan talamak ang ganoong paniniwala. Lalo ng sa...kulam, barang, gayuma at sumpa. Kasi ba naman kung totoo nga ang mga iyon, e di, sana hindi na mahihirapan ang ating gobyerno na lipunin ang lahat ng mga kriminal dito sa ating bansa dahil ipapakulam na lamang ang mga ito at nang hindi na magsiksikan sa kulungan. Dagdag gastusin pa sa ipapalamon ng mga ito.
At kung totoo din ang gayumang iyan... Naku, maraming magbununying bakla sa Pilipinas at magsasabing, hindi na kailangan na mamumuhunan para makadikwat ng jowa na mala-Jak Roberto ang katawan at kapogian. Kunting patak lang ng gayuma sa inumin ng lalaking napupusuan, solve na mga sis, instant boyfriend na agad na hindi na kailangan ng mga sangkatutak na ek-ek at eklavum. Forever is REAL mga bes. Subalit wala namang nangyayaring ganoon. Kaya imposible ang gayumang iyan...o siya kung may gayuma nga, iyon ay pera o mamahaling gadget na ipapamudmod mo doon sa lalaki para makuha mo ang kanilang matamis na dagta, este, OO. Maliban na lang doon sa talagang totoong nagmamahal kung meron man.
And speaking of sumpa...noong bata pa ako, sa panahong hindi pa gumapang ang kamandag ng kabaklaan sa aking katawan, naalala kong kami ng mga tropa kong lalaki ay nagtungong kakahuyan para manghuli ng mga gagamba at habang kami ay naglalakad at patingin-tingin sa mga sanga ng puno nakasalubong namin ang matandang bakla na nakatira sa isang nayon na medyo may kalayuan sa aming baranggay. Nakasuot siya ng bulaklakin at mahabang daster na halos sasayad na sa lupa. Buhok niya ay nakalugay ngunit sobrang dry na para bang isang taon ng hindi nagsasabon o nagsa-shampoo. May bulaklak pa ng sunflower na nakasukbit sa kabila niyang tainga at ang kolorete niya sa mukha, iyong tipong may sasalihan siyang beauty pageant na ginaganap tuwing undas. Gusto ko mang tumawa sa nakikitang itsura niya ngunit hindi ko ginawa. Natakot din kasi ako dahil may tsismis kasi na ang bakla daw na iyon ay may sa demonyo. Kaya hindi ko na siya pinansin at itinuon ko na lamang ang aking mga mata sa mga sanga ng puno at baka may makita akong gagamba ngunit maya-maya lang....
"Bakla! Bakla! Bakla!" Sigaw ng mga tropa ko at hindi pa nakuntento, dinagdagan pa ng, "Kapangit mong bakla ka, kilay mo hindi pantay!" At pumailanlang ang malulutong nilang tawanan. Tahimik lang akong nakapuwesto sa kanilang likuran habang patuloy sila sa pamimintas. Hindi ako nakikisali kasi alam kong mali ang kanilang ginagawa. Turo kasi ng aking mga magulang na dapat respituhin ang ating kapwa anuman ang itsura at katayuan nila sa buhay. Lahat tayo ay nilikha ng Diyos kaya walang sinuman ang sa atin na may karapatan na manghusga at mang-alipusta.
Habang nasa ganoon silang pangangantiyaw na kulang nalang kuyugin nila iyong tao kung wala lang itong hawak na mahabang baston ay biglang humarap sa aming deriksiyon si Yohana, ang matandang bakla. Nagpasarella itong lumapit sa amin, animo'y rumampa sa Miss Universe stage. Pumaikot-ikot at sabay project nang makalapit na sa aming harapan. Tingin sa kanan, isang sulyap sa kaliwa. "Maria Mika Maxine Medina, Philippines!" At pinangunahan ko pa talaga ang kanyang sasabihin ngunit nagkamali ako. Sa isip ko lng din naman.
"Oo...bakla nga ako. Baklang mahilig sa mga lalaking may mauumbok na dibdib at malalaking braso....!" Ang mala-Gas Abelgas niyang panimula. Mga mata'y nanlilisik na nakatitig sa amin. Kung nakakasugat lang iyon marahil nakabulagta na kaming lahat. "...Pero itong tandaan nyo, paglaki nyo, maliban sa magiging bakla din kayo, magiging sawi din kayo sa pag-ibig katulad ko, damay-damay na 'to...bwahahahahahhaha!" Aba, kinopya pa ang linya ni Roderick Paulate sa isang pelikula. Walang originality talaga.
Anyway, pagkasabi niyang iyon, agad din namang lumakas ang bugso ng hangin dahilan para magliparan ang mga natuyong dahon sa paligid. At may pausok pa talaga ha na para bang grand entrance ng isang wrestler bago umakyat sa ring. Tawa ulit siya ng tawa. Iyong parang sa isang demonyong may nabuong masamang plano at sa tingin niya magtatagumpay siya. With matching effects pa ng kulog at kidlat.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Seawall
RomanceLahat ng naging karelasyon ko ay namamatay. Iyon ang nagtulak sa akin na umiwas nang magmahal subalit nang dumating sa buhay ko si Marcus ay biglang nagbago ang lahat. Nilabanan ko ang pinaniniwalaang kong sumpa masunod lamang ang itinitibok ng akin...