Animo'y leon na handa ng lumapa kung makatitig sa akin si Tito Jovan nang maabutan niya kaming naghahalikan ni Markus sa loob ng CR. Buong akala ko nga ay susugurin niya ako at paulanan ng suntok ngunit hindi naman niya iyon ginawa. Sa halip, binalingan niya si Markus sabay sigaw ng, "Anong ibig sabihin nito, Markus, akala ko ba'y ang nangayari sa atin ulit nang nagdaang gabi ay nangangahulugang tayo na? Aminado akong lasing ako no'n pero hindi naman ako nagka-amnesia para malimutan ko ang mga sinabi mong hinahanap-hanap mo na ang aking presensiya, na mas magaling akong magdala sa kama kumpara sa isang iyan!" Tinuro ako ni Tito.
Mistula namang binuhusan ako ng isang baldeng may nagyeyelong tubig nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Tito. Ang kilig at kasiyahang nararamdaman ko kanina lang dulot ng tamis ng aming halikan ay biglang naglaho na parang bula at ang galit na napalis na sana ay muling umusbong sa aking dibdib. Paano, hindi pa nga ako tuluyang nakalimot sa unang nangyari sa kanila tapos ngayon, nasundan pa pala. Ang kapal din naman ng pagmumukha ni Markus para sabihing ako ang hinahanap-hanap niya gayung nagpapalapa naman pala siya sa iba. Isa talaga siyang napakalaking sinungaling. Kaya naman, isang matulis na mga titig ang aking ipinukol sa kanya kasabay ng pagbulwak ng aking mga luha.
"H-hindi totoo ang mga sinabi niya Dude, maniwala ka sana...!" Ang wika ni Markus sabay yakap sa akin subalit buong lakas ko siyang itinulak dahil sa sobrang galit na muling nanumbalik sa aking dibdib. "...Pwede bang huwag kang gumawa ng kwento, Jovan! Alam mong hindi totoo iyan. Kailanman hindi mangyayari ang gusto mo, dahil si Aki lang ang mahal ko. Siya ang gusto kong makasama at hindi ikaw. Kaya nakikiusap akong tigil-tigilan mo na ako baka kung ano pa ang magawa kong hindi mo magugustohan!" Galit na baling nito kay Jovan. Kinwelyuhan saka hinatak paitaas. Iyon ang unang beses na makita kong nagalit ng ganoon si Markus. Subalit hindi naman nagpatinag si Tito. Ni walang bakas kahit katiting na takot ang mababanaag sa kanyang mukha. Nakangisi pa nga ito na para bang nasa kanya ang huling alas ng baraha.
"At anong gagawin mo, ipapatikim mo ulit ang nakakamatay mong kantot? Well, I'm ready for that Markus. Kahit anong oras mo gustohin, hindi kita hihindian!"
"Tarantado ka!" Isang malakas na suntok ang kinasa ni Markus kaya naman napapikit ako. Subalit nang imulat kong muli ang aking paningin, sa sementong pader ng cubicle dumapo ang kanyang kamao sa halip na sa mukha ni Tito. Pumulandit doon ang masaganang dugo.
"Kita mo na, hindi mo ako kayang saktan dahil may nararamdaman ka narin sa akin!" Bulalas ni Tito sabay sulyap sa akin. Parang ipinapamukha niyang talagang may namamagitan sa kanila. Ako nama'y walang patid sa pagluha. Hindi ko inakala, muli, ako ay naloko.
"Ayokong dungisan ang kamao ko sa isang walang kwentang katulad mo!"
Tumalikod si Markus kay Tito at muling humarap sa akin. Nakikiusap siya na huwang paniwalaan kung anuman ang mga narinig ko mula kay Jovan dahil umano'y gawa-gawa lamang ng higad kong tiyuhin ang mga katagang lumabas sa bibig nito.
"Sa akin ka maniwala, Dude. Tingnan mo ako sa mata. Pakiramdaman mo ang ibinubulong ng iyong damdamin!" Si Markus na yumakap sa akin habang ako'y nakatingin sa kawalan habang ang mga luha ko'y walang patid sa pag-agos. Hindi ko alam kong sino ang paniniwalaan ko sa mga sandaling iyon dahil hindi ko matiyak kung sino ang nagsasabi sa kanila ng totoo. Kung may kakayanan lang sana akong basahin ang nilalaman ng isip ng isang tao para matukoy ko kung sino sa kanila ang nagsasabi ng katotohanan.
Ilang sandali pa'y lumapit sa akin si Tito. Inabot niya sa akin ang kanyang celphone, "Nariyan ang pruweba, Aki. Narecord ko ang mga nangyari sa amin nang nagdaan gabi!"
Sa isang iglap nasa kamay ko na ang celphone ni Tito Jovan. Kumalas naman ako mula sa pagkakayapos sa akin ni Markus at dali-dali akong pumasok sa loob ng cubicle at inilock iyon. Umopo ako sa ibabaw ng toilet bowl at hinagilap ang nasabing video ng paglalampungan nina Markus at Tito Jovan.
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Seawall
RomanceLahat ng naging karelasyon ko ay namamatay. Iyon ang nagtulak sa akin na umiwas nang magmahal subalit nang dumating sa buhay ko si Marcus ay biglang nagbago ang lahat. Nilabanan ko ang pinaniniwalaang kong sumpa masunod lamang ang itinitibok ng akin...