Hindi pa kami no'n nakapagbihis ng biglang, "Aki, Aki, nasaan ka bang bata ka? Bakit mo iniwang bukas itong tindahan?"
"Patay si Mama, nasa labas...."
Agad kaming bumalikwas at dali-daling isinuot ang aming mga damit. Bagamat alam ni Mama ang aking tunay na pagkatao ngunit hindi ko parin maiwasang makaramdam ng takot dahil iyon ang unang beses na nagpapasok ako ng lalaki sa loob ng bahay ng hindi nila alam idagdag pa iyong tindahan na iniwan kong nakabukas.
"Aki..nandiyan ka ba sa loob? Bakit sarado itong pinto? Buksan mo 'to at papasok ako, ano ba?" Halata na sa boses ni Mama ang pagkairita.
"M-magtago ka muna sa CR!" Utos ko kay Markus noong nakapagsuot na ng damit.
"Pero bakit?" Tanong naman niya.
"Andiyan si Mama, baka mapagalitan ako!"
"Huwag kang mag-aalala, ako ang haharap sa kanya. Pananagutan naman kita e....lalo na't magkakaananak na tayo!"
Muntik ko na siyang masapak dahil nagawa pa niyang magbiro sa napakatensiyodang sitwasyon. Wala man lang ni kaunting bakas ng takot at pagkabahala sa kanyang mukha. Para bang ayos lang sa kanya ang lahat.
"Pwede bang huwag kang magbiro ng ganyan,Dude...kinakabahan na ako eh. Mabait iyang si Mama, pero kapag ganyang ginagalit ko siya, isang linggo din ang aabutin ng sermon niyan sa akin. Daig pa ang mga sirang pirated DVD na itinitinda sa Divisoria, paulit-ulit lang!"
"Huwag kang mag-alala, narito narin lang tayo e di harapin na natin 'to. Magpaliwanag tayo ng maayos, Dude. Siguro naman maiintindihan tayo ng Mama mo!"
"Okey!" Kahit papaano, nakaramdam din ako ng kaginhawaan sa kanyang sinabi.
"Akkiiiii....ano ba?" Talagang sumigaw na si Mama at pinagpupukpok ang pintuan.
"O-opo...nariyan na po..!"
Nauna na akong bumaba para pagbuksan ng pinto si Mama at tulad ng aking inaasahan, bunganga kaagad niya na parang machine gun ang sumalubong sa akin.
"Ano bang ginagawa mo diyan sa loob, ba't ang tagal mong makagalaw? At iyong tindahan,bakit mo iniwang nakabukas? Alam mo bang talamak ang nakawan ngayon...talagang batang to oh!"
"Magandang umaga po Tita!"
Pumagitna si Markus. Kitang-kita ko ang pamimilog ng mga mata ni Mama. Ang isang kamay ay nakatakip sa kanyang bunganga. Halatang na starstruck kay Markus. Kung naging cartoon character lang siguro siya, malamang naghugis-puso na ang kanyang mga mata at nagtwinkle-twinkle pa!"
"S-Sino ka naman..?"
"Markus po. Boyfriend ni Aki!"
"B-boyfriend ka ng anak ko? K-Kailan lang?
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Seawall
RomanceLahat ng naging karelasyon ko ay namamatay. Iyon ang nagtulak sa akin na umiwas nang magmahal subalit nang dumating sa buhay ko si Marcus ay biglang nagbago ang lahat. Nilabanan ko ang pinaniniwalaang kong sumpa masunod lamang ang itinitibok ng akin...