Matapos kong makapaglogbook ay bumalik ako sa aking kinauupuan. Naglalaro sa aking isip sa kung ano ang ginagawa ni Marlon sa loob at sa kung sino iyong dinalaw niya. Maya-maya lang nakita ko siyang lumabas kasama no'ng jailguard. Ngumiti siya sa akin nang makita ako. Ni hindi man lang nagulat.
"Binisita ko lang iyong kaibigan kong nang-amok sa isang bar ng nagdaang gabi!" Ang sabi niya.
"Tinatawagan kita kanina, hindi mo naman sinasagot. E di, sana sabay na tayong pumarito. Dito din kasi na-detained si Tito Jovan!" Ang sabi ko naman.
"Sorry bhe,naiwan ko kasi ang phone ko sa opisina, mamaya ko pa kukunin iyon!"
Tumango ako. Maya-maya pa'y, "Sir, maari na ho kayong pumasok!" Tawag sa akin ng jailward. Mag-isa lang akong pumasok sa tanggapan ng mga bisita ng preso dahil hindi pinahihintulan si Marlon na muling pumasok. Iisang dalaw lang kasi ang pupuwede sa loob kung kaya naiwan siya sa kinauupan namin kanina.
Gaya ng nauna, hindi parin ako nagawang harapin ni Tito. "Bakit daw ho?" Ang tanong ko sa warden.
"Hindi ko po alam Sir eh! Basta ang bilin niya hindi raw muna siya tatanggap ng bisita maliban na lamang sa kanyang abugado!"
"Ganun ho ba? Pwede bang kayo na lamang ang mag-abot nitong mga dala-dala ko para sa kanya. Mga pagkain ho iyan at mga damit!"
Mabilis naman iyong tinanggap ng jailward. "Makakarating ho Sir!" Sabi niya.
"Hindi ka na naman hinarap ng Tito mo?" Ang tanong sa akin ni Marlon ng bumalik ako.
"Ewan ko ba sa kanya bhe. Gusto ko lang naman sanang ipakita na nagmamalasakit lang ako sa kanya. Wala naman sa plano ko na husgahan siya kung sakali mang magkaharap kami!"
"Hayaan mo na. I assume na hindi naman siya pinababayaan ni Markus. Magpartner sila diba?" Ang sabi niya ng palabas na kami ng Bilibid. Nakahawak siya sa isa kong kamay.
Nang banggitin ni Marlon ang pangalan ni Markus ay biglang nanariwa sa akin ang nakaraan. Naitanong ko tuloy sa aking sarili kung kumusta na siya. Iniisip parin kaya niya ako? Kahibangan. Sa isang taong nakalipas simula ng maghiwalay kami ng landas, natitiyak kong limot na niya ako at masaya na siya sa piling ni Tito Jovan.
"Natahimik ka...iniisip mo parin ba siya hanggang ngayon?"
"Hindi naman sa ganun, may inaalala lang ako. Sana lang hindi niya pababayaan si Tito. Hanggang hindi pa bumababa ang hatol mula sa korte, hindi parin naman nating pwedeng sabihing isang kriminal si Tito. Natatakot din ako sa kalagayan niya dahil uso pa naman ngayon ang pagpapasalvage sa mga taong may kinalaman sa druga!" Ang paglihis ko ng usapan kahit na ang totoo'y si Markus naman talaga ang tumatakbo sa aking isipan. Ewan ko rin ba na sa kabila ng nararamdaman kong pagmamahal kay Marlon ay hindi ko maitatangging naroon parin si Markus nakahimalay sa isang bahagi ng aking puso. Hindi ko parin siya naiwaglit ng tuluyan.
"Actually, nandito si Markus kanina. Binisita niya ang Tito mo. May dala siyang mga pagkain at ibang mahahalagang gamit. Mukhang hindi naman niya pinababayaan si Jovan kaya wala kang dapat na ipangamba sa kanyang kalagayan sa loob!"
BINABASA MO ANG
Ang Lalaki Sa Seawall
RomanceLahat ng naging karelasyon ko ay namamatay. Iyon ang nagtulak sa akin na umiwas nang magmahal subalit nang dumating sa buhay ko si Marcus ay biglang nagbago ang lahat. Nilabanan ko ang pinaniniwalaang kong sumpa masunod lamang ang itinitibok ng akin...