Kabanata 11

1K 30 11
                                    

  Gulat na gulat ako ng makita ang videong nilalaman ng USB na noo'y nakaplay sa aking laptop na hawak ni Chris. Makikita sa video ang dalawang lalaking naglalampungan sa ibabaw ng kama. Iyon ay si Tito Jovan habang pumaibabaw sa katawan ni Marlon at nagtaas-baba sa pagkalalaki nito. Tama nga ang aking hinala na matagal ng may nangyayari sa kanila na lingid sa aking kaalaman. Kung ganoon matagal na akong nililinlang ni Marlon.


"Ano ba 'yan, friend, lahat na lang na lalaki mo ay dumaan na pala sa mga kamay ng bruhilda mong tiyuhin..." Bulalas ni Chris habang ini-stop iyong video. Alam niyang nasasaktan ako sa nakikitang video kung kaya hindi na niya iyon pinatapos. Hindi naman ako kumibo. Mistulang pinagsakluban na naman ako ng buong sanlibutan. Tumulo ang aking luha sa sobrang galit kay Jovan at kay Marlon. Kaysarap nilang ipagtatapon sa nag-aalab na apoy.


Sunod na ikinlik ni Chris ang isa pang video na may nakacaption na EDITED. Kung nagulat ako sa unang video na napanood ay mas tumitindi pa ang aking pagkagulat doon sa pangalawa. Magkapareho lamang iyon sa naunang video na kung saan pumaibabaw si Jovan habang nagtaas-baba sa tarugo ng isang lalaki subalit hindi na iyon si Marlon kundi si Markus. Pamilyar sa akin ang video na iyon dahil minsan ko na iyong napanood na siyang dahilan ng pagbitiw ko ng isang matinding desisiyon; ang hiwalayan si Markus.


"O my gosh. Ito yong kuha sa sinasabing sex video ni Jovan at Markus noon friend na naging dahilan ng matinding galit mo sa kanya. Ngunit mukhang fabricated ito...!" Kinlick muli ni Chris ang naunang video at, "...tingnan mo itong sex video ni Marlon at Jovan diba halos pareho lamang ang kuha, posisyon at ang damit ng lalaking katalik niya doon sa ikalawang sex video...ang kaibahan lang ay ang mukha. Samakatuwid, edited ang video base na rin sa nakapangalang filename nito!"


Pinanood kong mabuti ang dalawang video, magkapareho nga at halos walang pinagkaiba maliban na lamang sa itsura ng lalaking katalik ni Jovan.


"Hindi ako IT graduate, pero I am very sure na hindi si Markus ang talagang katalik ng higad na yan sa ikalawang video kundi si Marlon. Ginamit lang nila ang mukha nito para masira kayo. At mukha yatang nagsabwatan ang dalawa para magkahiwalay kayo ni Markus!"


Sa huling sinabing iyon ni Chris, biglang nagflashback sa aking isip ang sandaling nahuli kong may kinakausap ng patago si Marlon sa may hardin noon.."Kung makapagsalita ka para namang wala akong nagawang tama. Kita mo namang napaghiwalay ko sila diba?" Hindi kaya ako at si Markus ang tinutukoy niya at ang kausap niya sa celphone ay si Jovan? Minahal ba talaga niya ako o ginawa niya lamang magpanggap para maisakatuparan ang plano nilang paghiwalayin kami. Ngayon pa lang, halos puputok na ang dibdib ko sa sobrang galit kay Marlon. Ang dating pagmamahal ko sa kanya ay napalitan ng pagkamuhi. Naalala ko si Markus, ang mga pagsusumamo niya na pakinggan ko ang kanyang mga paliwanag na siyang hindi ko ginawa dahil sarado na ang aking pag-iisip dahil sa matinding galit. Nagsisi tuloy ako. Kung sana lang mas inuna kong pinakinggan ang udyok ng aking puso kaysa sa aking mga nasaksihan. Ngunit sa ngayon, dapat ko na munang harapin si Marlon. Sisingilin ko ang mga panloloko niya sa akin at pagsira sa aming relasyon ni Markus. Tatapusin ko na ang isang huwad naming pagsasama.


Bukod sa dalawang video, may mga larawan din kaming nakita nina Marlon at Jovan na magkasama sa iilang magandang lugar sa Pilipinas. Kuha iyon noong 2012. Ang taon na kung saan hindi pa nagkrus ang landas namin ni Markus. Ibig sabihin lang, matagal ng magkakilala si Marlon at Jovan. Habang iniisa-isa naming tingnan iyong mga larawan ng biglang bumukas ang pinto. Lulan doon si Marlon na ang mukha ay hindi maipinta sa sobrang pag-aalala at takot.

Ang Lalaki Sa SeawallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon