Kabanata 3

1.3K 38 6
                                    


"B-bakit, Dude?"

Nabigla siya sa aking ginawang pagtulak at mukhang napalakas pa yata dahil kamuntikan na niyang matumba sa sahig. Nanginginig ang buo kong katawan sa takot sa nakita kong pagsulpot ng imahe ni Yohana sa salamin. Kung totoo man iyon o likha lamang ng aking imahinasyon, isa lang ang ibig iparating no'n sa akin, hindi ako dapat na magpadala sa bugso ng aking damdamin para hindi na madagdagan pa ang mga magbubuwis ng buhay dahil sa sumpang nakakabit sa akin. Mahal ko si Markus, totoo ang "love at first sight" na sinasabi niya, damang-dama ko iyon. Ngunit hindi rin naman kaya ng aking budhi na matulad siya sa sinapit nina Andy at Arnold. Kaya habang maaga pa, kailangan kung supilin itong aking damdamin upang walang magbubuwis na naman ng buhay.


"Hinahanap na ako sa amin, kailangan ko ng makauwi agad!" Ang tanging naibulalas ko habang dali-daling isniuot ang damit na ibinigay niya sa akin.


"Hindi ka lang ba maghapunan muna, nagpaluto pa naman si Mommy ng maraming pagkain!"


"Salamat na lang Dude...next time na lang, talagang kinailangan ko ng makauwi eh!" Tanggi ko. "Iyan kung may next time pa!" Dagdag naman ng aking isip. Nakapagdesisyon na kasi akong tuluyan ng iiwas sa kanya kahit na labag iyon sa aking kalooban.


"Okey. Hatid na lang kita sa inyo!" Ang matamlay naman niyang wika.


Sumaglit muna kami sa kusina para magpaalam sa Mommy niya. Para namang hinaplos ang aking puso sa nakikitang pag-eeffort ng Ginang na ipagluto ako ng hapunan na bagamat naka-wheelchair pa ito. Talagang ang bait nila sa akin na taliwas sa inaakala kong kagaspangan ng pag-uugali ng mga taong mayayaman.


Matapos kong magpaliwanag sa kanya ng maayos ay hinatid na ako ni Markus pauwi sa amin sakay ng kanyang kotse. Wala naman kaming imikan habang binabaybay namin ang daan pauwi. Tila nagpakiramdaman sa kung sino ang maunang magsalita. Hanggang sa, "Ibaba mo na lang ako sa kantong iyan!" Ang sabi ko nang makita ang makipot na kantong papasok sa amin. Tahimik naman niyang inihinto ang kotse. Hindi parin siya umimik sa akin. Marahil nagtatampo siya sa biglaan kong pag-alis at hindi pagpaunlak na sumabay ng hapunan sa kanila. May sundot din naman na dala iyon sa akin subalit kong iyon man ang tanging paraan para mailayo ko siya sa kapahamakan, titiisin ko ang sakit makita lamang siyang nanatiling buhay.


"S-salamat sa paghatid mo sa akin. Ingat ka sa pag-uwi!" Ang sabi ko bago ko isinara ang pinto sa frontseat.


"May problema ba Dude? Ipagpaumanhin mo kung binigla kita kanina. Promise...hindi na mauulit iyon!" Habol naman niya sa akin nang nasa bungad na ako ng makipot na eskinita papasok sa amin at tiyempo namang kalalabas din Chris na agad namang napatakip sa kanyang bunganga at namilog ang kanyang mga mata at mistulang nagsasabi ng, "Explain! Expalain! Expalain!" nang makita si Markus na hinawakan ako sa braso.


"Pasensiya ka na Markus, ngayon pa lang, tatapatin na kita, wala kang mapapala sa akin dahil hindi kita pwedeng mahalin at ayoko ng magmahal pa!"


Nakita kong dalawang kamay na ang ipinantakip ni Chris sa kanyang bunganga at mas domuble ang pa ang pagbilog ng kanyang mga mata. Nagpapaling-paling ang tingin niya sa aming dalawa.


"Hindi naman ako nagmamadali eh. Kahit na kaibigan lang muna o maski kaibigan na lang, ayos na sa akin iyon,Dude, huwag mo lang akong iwasan, hindi ko kaya yun Dude!"

Ang Lalaki Sa SeawallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon