SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 1
Busy sa charting si Katherine Castañeda, nang biglang sumulpot sa harap niya ang kaibigan at kasamahan sa trabahong si Christie Santiago.
Alas onse na ng gabi at pareho silang nasa graveyard shift.
Ang isa pa nilang kaibigan at kasamahan na si Grace Villa, ay kasalukuyang nasa loob pa nang isang kwarto at inaasikaso naman ang naka-assign ditong pasyente. Kasalukuyan silang nagtatrabaho sa isang malaking pribadong hospital sa kanilang lalawigan.
Nagkakilala silang tatlo nang sabay silang mag-apply bilang staff nurse sa Saint Claire hospital, na nang mga sandaling yun nangangailangan ng may labing isang registered nurses.
Magkakatabi silang nakaupo noon sa reception hall at naging palagay agad ang loob nila sa isa't isa at doon nag-umpisa ang masayang samahan, na mas lalo pang naging malalim nang matanggap silang tatlo.
"Sis, nabalitaan mo na ba?" tanong ni Christie, sabay kuha din ng chart.
"Ang alin?" tanong niya sa kaibigan na bahagya muna niyang sinulyapan, bago pinagpatuloy ang pagsusulat.
"Yung tungkol sa pag-papadala ng staff para sa medical mission sa Sitio Sapang Bato?"
"Ah, yung isang buwang medical mission?" tanong niya nang maalala niya ang pag-uusap kanina tungkol dito sa nurses station nang mga kasamahan nilang nasa day shift.
"Bakit? May napili na bang ipapadala doon?"
"Narinig mo na din pala. Oo, yun nga. Sabi sa akin ni Grace before the end of the week, sasabihin na sino sino sasama. Syempre, yung mga hindi pa nakasama mag-medical mission mostly ang pipiliin. At sa station natin. Lahat tayo, di pa nakaranas." sabay tawa nito ng mahina.
Natawa na din siya nang maisip iyon. Tama nga si Christie, wala sa kanila ang napasama na sa medical mission na ginagawa ng hospital nila taon taon sa iba't ibang rural areas.
Ayun na rin sa kanilang narinig, ang medical mission na ito ay kinabibilangan parati ng apat na doctor, apat na nurse, dalawang EMT at dalawang driver. Dalawang malaking sasakyan ang kanilang dadalhin. Isa para sa service, at isa para sa mga medical supplies.
Isang buwang magkakaroon ng libreng medical services ang mga residente ng napiling lugar. Tulad ng pagbibigay ng vaccine, consultation, pre-natal, dental at iba pa. Magkakaroon din ng mga teaching program kung papano makakaiwas sa sakit at first aids.
"Paano nalang kung makuha tayong tatlo ni Grace?" tanong niya sa kaibigan.
"O, bakit ko narinig ang aking pangalan?" biglang singit nang paparating na si Grace.
"Ano bang pinag-uusapan ninyo diyan? May gwapong pasyente ba?" abot hanggang tenga ang ngiti at tanong nito.
Sa kanilang magkakaibigan, masasabing ito ang sumunod sa kanya sa pagiging makulit at kabaliwan. Medyo may pagkasuplada naman ang dating ni Christie. Pero pag nag-umpisa na ding mangulit, riot na silang tatlo.
"Hay naku Grace, ayan ka na naman sa gwapo-gwapo mo." naiiling-natatawang komento ni Christie dito.
"Kung gwapo nga sis, palagay mo ba andito pa ako ngayon?" taas-baba ang kilay ko sa kanya.
"Ay! Oo nga naman. Kung may gwapo nga, malamang, binosohan mo na yun sis . Kahit di naman kailangang i-catheter, pipilitin mo talaga." sabay tawa ng malakas.
"Baliw! Di naman ako ganun noh! Nahiya naman ako saglit." mahina niyang hinampas ito sa balikat at di na din mapigilang tumawa sa komento nito.
"Mga baliw talaga itong mga babaeng 'to. Hinaan niyo nga yang boses niyo, baka magalit na naman ang old maid pag narinig kayo." babala ni Christie.
Ang tinutukoy nitong old maid ay ang masungit na Resident Physician nilang si Dra. Janet Buencamino. Di naman talaga ito katandaan na. Bagkus, matanda lang ito ng apat na taon sa kanila. Pero dahil sa masungit na ugali nito, lalo na sa kanilang mga nurses, binansagan na nila itong old maid.
Maya-maya nga, nakita na nilang paparating ito.
"Speaking of the devil. She's coming" mahinang sambit ni Grace habang pigil pigil ang muli na namang pagtawa.
"Okey girlss, back to work na. Alis na muna ako." si Christie, sabay balik ng chart sa lalagyan. "Ayaw ninyong makarinig ng preach from her, diba? Escapo na din kayo." pahabol nito bago nagmamadaling umalis para pumunta sa isa pang pasyente.
Tumayo din si Grace. "Yay! I'm outta here too. Baka ma-stress lang beauty ko sa pagka-nega niya. Hmmp!"
Bago umalis ay ngumiti pa ito sa doktorang nakalapit na. Ngunit di man lang gumanti ng ngiti at kung pagmamasdang mabuti, para pa ngang umismid ito sa kaibigan nila.
Di niya maunawaan kung ano ang ikina-a-ayaw nito sa kanilang mga nurses. Di lang naman kasi silang magkakaibigan ang palaging pinag-iinitan nito, kundi maging ang iba din nilang mga kasamahan. Mahilig din itong magpahiya sa harap ng ibang tao, kaya maraming ilag dito.
May sabi sabi na kaya ito ganito ka sungit ay dahil ipinag-palit daw ito ng dating kasintahan, na isa ding dating doctor sa hospital nila, sa isang nurse. Hindi niya alam kung totoo ang kwentong ito, pero kung totoo man, hindi naman ata makatarungan na sa lahat ng nurses nito ibunton ang galit at bitterness nito.
Dumaan ito sa harap niya. At para lang siyang hangin na hindi man lang nito tiningnan. Kaya ang pagbati na plano niyang ibigay dito ay nabitin sa kanyang lalamunan.
Hay. Napapalatak na lamang siya, at piniling ipagpatuloy ang kanyang trabaho, kesa isipin pa ang masungit na doktora.
*******************************************************************************************************************
So ayun na nga. Started my revision of the stories. I choose the medical field as the main heroine's profession. At first I thought of doctors kasi I'm watching medical dramas but then baka di ko kayanin ang facts about dr's. Haha.
And yes bitter ako minsan. Kaya yung mga taong nanakit sakin, ginagawa kong villains. Hahahaha. But don't get me wrong, I love villains. My fave would be the mistress of evil, Maleficent. ♡
With that said, I think this song fits.
BINABASA MO ANG
Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING]
RomanceThe story begins when highschool student Katherine accidentally kisses a stranger. What started as an embarrassing moment leads to a serious and deeper feeling. It's like walking everyday with rainbows and butterflies. And wishing this will end up i...