SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 12
"Wow ang ganda nang baby ko."
"Salamat mommy. Kayo talaga ang number one fan ko." Nakangiti niyang sabi dito.
Gala night na nila at ang mommy niya ang nag-ayos nang kanyang buhok. Ang medyo wavy na ay mas lalo pang kinulot nito at hinayaang nakalugay lamang. Nilagyan din siya nito nang light make-up.
Hihintayin niya si Mel at sabay na silang pupunta sa resort. Ihahatid sila nang kanyang Daddy. Dahil sa medyo gagabihin sila ay nagpasya silang magkaklase na kumuha nadin nang dalawang room, isa para sa mga babae at isa para sa mga boys na napagpasyahang kinabukasan na uuwi. Nagpaalam siya sa kanyang mga magulang na doon na muna matutulog dahil pagkatapos nga nang Gala night ay sila din ang naatasang magligpit nang ibang gamit. Pumayag naman ang kanyang magulang dahil kilala na din naman nang mga ito ang kanyang mga kaklase. Mahigpit naman ang security nang resort kaya panatag ang mga ito.
Bumaba na sila nang kanyang Mommy sa sala kung saan nandoon ang kanyang tatlong kapatid at nanonood nang TV. Katabi na din nang mga ito ang kanyang Daddy na kandong si Caloy.
"Wow! Ang ganda ni Ate." Biglang tumayo si Sheena at Louise at lumapit sa kanya. Umikot ikot pa ang mga ito sa kanyang harapan.
"Oo nga. Baka ikaw ang manalong Gala Queen."
Natawa siya."Wag na kayong umasa. Mas madami kayang magaganda doon at popular sa school. Walang makakapansin sa akin."
"Sino ang di papansin sa dalaga ko? Gusto mo, kasuhan natin?" Nakangiting singit nang kanyang ama.
"Si Daddy talaga o."
"Aba, sa ganda nang dalaga ko. Bulag lang ang di makakapansin. Namana niyo yata ang kagandahang yan sa lahi ko at lahi nang Mommy mo baby." May pagyayabang pa na sabi nito.
Natawa na silang lahat sa sinabi nang ama. Ito ang isa sa gustong gusto niya sa pamilya nila. Walang dull moment.
"Daddy, ang yabang mo talaga." Sabat nang kanyang mommy.
Tumayo ito at niyakap ang kanyang Mommy. "Sus Mommy, kung di ko pa alam kaya kita nabighani e dahil sa gandang lalake ko." At kumindat sa kanila ang kanyang ama.
"Sira! Ginayuma mo ako."
At nagpatuloy na ang paglalambingan nang mga ito. Nakangiti silang nakatingin na magkakapatid. She wanted to have what her parents have. Ganitong pagmamahalan ang ninanais niyang magkaroon siya sa takdang panahon. Kahit di sila saksakan nang yaman ay masaya naman sila at punong puno nang pagmamahal sa bawat isa. At kahit naman minsan di maiwasang may di pagkakaunawan ay nagagawa nang mga itong maayos agad.
Ilang minuto pa silang nagbibiruan nang dumating na si Mel. Maya-maya pa ay hinahatid na sila nang kanyang ama sa resort.
***
Welcome to Don Lorenzo Academy's Gala Night!
Maganda ang pagkakasulat nang welcoming design nila. Gawa sa glitters ang bawat letra. Sa pagpasok ay may mini redcarpet pa kung saan magpopose muna ang mga bagong dating para magpapicture nang isa isa.
Nang matapos sila ay dumeretso na sila sa pagdadarausan nang Gala Night. Kokonti palang ang tao sa loob. Sinadya din talaga nilang maagang dumating para maayos pa ang mga dapat ayusin.
Nagpi-play sa background ang kantang Passenger Seat by Stephen Speaks
Patingin tingin siya sa paligid. Umaasang makikita ang kanyang prince charming. Napapangiti siyang mag-isa lalo na pag naalala niya ang sinabi nito noong huli silang magkita.
BINABASA MO ANG
Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING]
Roman d'amourThe story begins when highschool student Katherine accidentally kisses a stranger. What started as an embarrassing moment leads to a serious and deeper feeling. It's like walking everyday with rainbows and butterflies. And wishing this will end up i...