Chapter 4

423 13 11
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 4

Nagmamadaling tumakbo sa hallway si Katherine. Male-late na siya sa klase kasi kinuha pa niya sa locker ang mga roses na ibibigay nila sa Adviser nilang si Mrs. Ma. Izel Chang. Birthday nito nang araw na yun.

Siya ang nakatokang magdala ng bulaklak, dahil alam ng lahat na maraming roses sa garden ng kanyang ina. Ang iba ay nag-ambag para sa cake at iba pang regalo. Nasa third year na siya sa Don Lorenzo Academy. Isang private school sa kanilang bayan.

Dahil sa pakikipagchismisan sa kaibigan at bestfriend niyang si Melanne Alteso pagkatapos ng lunch break, nakalimutan tuloy niyang daanan iyon. Saka lang niya naalala nang makarating na sila sa silid-aralan nila. Wala tuloy siyang magawa kundi ang balikan ang mga ito.

Nakabalot ang mga iba't ibang kulay ng roses sa transparent na plastic na may mga disenyong maliliit na cherubin. Wala pa nga lang tali ito. Nasa bag niya kasi naiwan ang pantali. Wala pa naman siguro ang adviser nila pagdating niya, kaya may oras pa siyang ayusin ito.

Dahil nag-uumpisa na ang klase, malaya na siyang tumakbo-takbo para makabalik agad sa classroom nila.

Sa pagliko niya sa pasilyo paakyat sa hagdanan, biglang tumama ang kanyang mukha sa isang malapad na dibdib. At dahil tumatakbo, medyo malakas ang impact ng pagbangga niya sa taong pababa naman nun. Di din marahil nito inaasahan ang bigla niyang pagsulpot, kaya nawalan din ito nang panimbang.

Parang eksena sa mga pelikula ang sumunod na mga nangyari. Nabitawan niya ang mga roses at dahil wala pang tali ang plastic ay nag kanya kanyang bagsakan ang mga ito. Ang iba ay nagtanggalan pa ang mga petals at kumalat sa paligid.

At ang pinakahighlight ng coalition na yun, ay ang pagbagsak nila ng taong kabangga. Before the fall, she felt those strong arms encircled around her waist, as if to rescue her.

On instinct, napayakap din siya dito. But the impact was too strong at bumagsak parin sila. At ang di inaasahang...

BOOM!.. Pagdidikit ng kanilang mga labi!

The world stopped. Ilang segundo ang lumipas. Saka lang tila nagising si Katherine nang maramdaman ang kamay nitong umangat sa kanyang pisngi. Nanlaki ang kanyang mga mata. Pabiglang naitukod niya ang mga kamay sa dibdib ng lalaki at inilayo ang kanyang mukhang unti unti nang namumula. Biglang napapikit ang estranghero. Dahil marahil sa sakit ng pagkakadiin ng mga kamay niya.

"Ouch sweetheart, baka naman pwede ka munang tumayo." iminulat nito ang mga mata. Those pair of dark penetrating eyes settled on her. Medyo nakangiwi parin ito. Napansin niyang ang isang kamay nito ay nasa kanyang beywang parin. At magkadikit din ang kanilang mga katawan.

Bigla ang kilabot na gumapang sa kanya. Nang matanto niyang nakadagan parin siya dito, ay dali-dali ang ginawa niyang pagtayo. Di siya makatingin ng deretso sa lalaki habang inaayos sa nanginginig na mga kamay, ang paldang medyo nagusot. Binalot siya ng sobrang kahihiyan sa nangyari.

Nanay ko po! Did they just kissed? Sure they did! And it was her first kiss for crying out loud!

Tumagal din ng ilang segundo ang pagkakalapat nang kanilang mga labi. Kaya matatawag na itong halik. At nararamdaman parin niya hanggang ngayon, ang munting kuryenteng dumaloy sa kanya.

Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon