Chapter 6

414 12 1
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 6.

"Gusto niyong magmerienda muna bago tayo umuwi?" tanong ko sa kanila. Mas para sa magkapatid ang tanong na iyon dahil silang dalawa ni Mel ay palagi namang kumakain bago mag-uwian sa paborito nilang coffee shop na nasa gilid lamang ng school nila.

"Oo nga. Masarap ang cakes and pastries doon. Pero mas masarap parin ang binibake ni Tita Angel." nakangiting dagdag ni Mel.

"Sinong Tita Angel?" tanong ni Celine.

"Si Mama ko. Kaso pag weekend lang siya nakakagawa kasi may pasok pa siya sa weekdays. Nagtuturo kasi siya sa isang cooking school." paliwanag ko sa kanila.

"Wow, sana matikman din namin luto niya." sabi naman ni Camille.

"Oo naman, invite ko kayo sa bahay one of this weekend. Kung ok lang sa inyo." nakangiti kong anyaya.

"Ok na ok, magpapalam lang kami kay Mommy at Daddy. I'm sure namang papayag ang mga yun."

"So ano na, sama kayo sa coffee shop?" tanong ko ulit.

"Sige, sige. Pero pwede ba muna nating hintayin Kuya namin? Ano, transferee din siya dito. Fourth year." sabi ni Camille.

Pagkarinig sa salitang Kuya ay dumagundong na naman ang puso niya. Napahawak tuloy siya sa kanyang dibdib. Paano ba ito? Baka ipaalam ng Kuya nila ang nangyari kanina. Kinabahan siya. Pero ang mas lalong nagpapakaba sa kanya ang kaisipang magkikita silang muli nito.

"Ay, may Kuya pala kayo? Naku, dahil maganda kayo. Ibig sabihin, gwapo ang Kuya ninyo. Ay, sige hintayin natin." kinikilig na agad na sabi ni Mel. "Kath, narinig mo? Ano sa tingin mo?"

Kung alam mo lang bestfriend. Di lang basta gwapo. Saksakan pa ng gwapo at bango.

Di niya alam ang isasagot kaya kunwari di siya nakikinig ng mabuti kay Mel at may kung anong hinahanap sa loob ng bag.

"Pakitext mo nga si Kuya, kambal?" suyo ni Celine kay Camille. "Sabihin mong hihintayin natin siya sa may gate. Malay mo, sasama. Papalibre tayo." 

Hawak na ni Camille ang cellphone nito. "Oo nga. Wait, text ko na siya." 

Ang iba nilang kaklase ay nag-punta na sa kanya kanyang mga club kung saan kasali ang mga ito. Ang mga kalalakihan naman ay sa court ang punta para manood ng basketball o mismong ang mga ito ang maglalaro. Habang ang ilan ay kasabayan nilang naglalakad patungo sa direksyon ng gate. May mga covered shed malapit sa kanilang gate at doon nila napiling maghintay.

"Di pa ba nagrereply si Kuya, kambal." tanong dito ni Celine.

"Teka, tawagan ko nalang kaya si," natigilan ito nang parang may mamataan sa mga estudyanteng palabas. "O, ayun na pala si Kuya oh! Kuya! Kuya Markus! Over here!" kumaway kaway pa ito.

Sinundan niya ng tingin ang tinatawag nito. At papalapit na nga sa kanila ang lalaking nakabanggaan kanina. Mas dumoble na ata ang kaba sa kanyang dibdib. She wanted to turned around and run away. Kaya lang, nakakahiya. At saka magtataka sila. Kaya pilit niyang pinatatag at pinayapa ang sarili.

"Siya na ba ang Kuya nila?" bulong na tanong sa akin ni Mel. "Bessie, hanggwapooooooooo niya." impit na tili nito.

"Ssssh, tumigil ka nga diyan! Nakakahiya sa kambal pag narinig kang hangang-hanga sa Kuya nila." sita ko sa kanya.

"Ngeeek, ikaw ba, di humahanga? Nakuuu, Katherine ha. Sa ating dalawa, mas mabilis kang humanga. Wag ka. Ilang actors na ba ang naging crush mo ha."

"Ikaw na din ang mismong nagsabi bessie, Actors mga crush ko! Bakit? Artista ba yan?"

Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon