Chapter 10

365 8 51
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Chapter 10

Narating na nila ang Monteverde Resort at nakausap niya na si Tita Vilma.  Matapos itong makausap at ma-confirm at booked ang lugar ay pinasyalan nila ang buong paligid. Maganda ang ambience at friendly and mga staff. Nakastay na silang mag-anakan dati dito nung nag-celebrate sila ng birthday ng Mama nya.

"It's lunchtime already. Kain na muna tayo." sabi nito matapos nilang maikot ang paligid.

"Ay hala! Oo nga, lampas alas dose na. Saan mo gustong kumain?" Iniisip niyang babalik sila sa town at doon kakain sa mga fastfood chains.

"May restaurant naman ang resort. Dito na tayo kumain."

"Sige." Medyo mas mahal ang pagkain dito kesa kung sa Jollibee o Mcdo sila kakain. Buti nalang at dala niya ang pera niya. Plano kasi niyang siya ang magbabayad ng kakainin nila. Nakakahiya kasi kung pagagastuhin niya si Markus sinamahan na nga siya at nalibre pa pamasahe niya.

Pumasok na sila sa restaurant ng resort. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na magkakasabay silang kumain ng binata. And she knew that this would be one of the her most unforgettable memories to treasure.

Pagkatapos maibigay ang kanilang order sa waiter ay nagpatuloy ang kanilang kwentuhan. At kanina sa sasakyan, dahil sa di niya inaasahang pagkanta nito, ay meron siyang napatunayan.

Markus is a nice and sweet guy.

After he sang. Sinabi nito na kung pwede na ba daw iyong peace offering. Syempre pa, bati na agad sila. Mag-iinarte pa ba siya? Ang ganda naman niya kung ginawa niya yun.

And oh dear Lord! He really have a good, no, make it a very very good voice. He can run a money for it.

Kuwentuhan naman agad ang sumunod na eksena. Kung ano-ano at kung saan saan na umabot usapan nila. Nasisiyahan din siya sa pagpapatawa nito.

He had a good sense of humor. And she was falling even more.

Kung noong una medyo natatakot siya sa nararamdaman. Ngayon ay hinahayaan na niya ang sarili. Kung patuloy man siyang mahuhulog sa binata ay tanggap na niya. As if naman kasi mapipigilan niya ang ganitong damdamin.

"So, anong mga hobbies mo?" he asked her nang makaalis na ang waiter.

"Hobbies? Wala naman masyado. Ano, reading mostly." nahihiya niyang sabi. Wala naman kasi siyang masyadong ginagawa. Homebody kasi siya. Di tulad ng pinsan niyang si Abigail Rose na araw-araw may lakad. Lakad na di naman lakwatsa kundi yung may kinalaman sa mga mga school activities nito gaya ng practice sa cheering at iba pa kung saan active member ito. Kaya sa kanilang dalawa, masasabing mas exciting ang hobbies ng kanyang pinsan. Nalungkot siya. Pagbabasa lang kasi at panonood minsan ng movies o TV Series ang sa kanya. Hobbies na din bang matatawag ang kaadikan niya kay HC? Siguro nga. Ang boring pala niya. Mabuti pa nga si Mel. Minsan kasi sumasali talaga ito sa mga sports activities sa kanilang school. Pati sa streetdance kumpetisyon ay di talaga ito namimintis sa pagsali. Lalo na pag foundation days nila, samantalang mas pinipili niyang magvolunteer as medic at palagi lang nasa school clinic kung wala namang gagawin ang club nila.

"Ang boring no?" pinilit nalang niyang daanin sa tawa ang biglang pagkapahiya at lungkot na kanyang nadama.

"Ano naman ang boring doon?"

"Boring naman talaga. Magbabasa ka lang hanggang sa makatulog minsan."

"Di naman boring yan. Maganda nga yung nagbabasa ka. Marami kang matututunan. Ako nga mas boring hobbies ko." 

Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon