Chapter 2

516 12 11
                                    

SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHA!

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

CHAPTER 2

Dumating na ang araw nang pagpapaskil ng mga pangalang napili na sasama sa isang buwang medical mission.

Umaasam silang magkaibigan na sana mapili sila. Isa kasi ito sa inisip nilang pinakamangandang training ground, para sa kanilang mga nasa health profession. They will render free medical services to the most needy.

Kararating lang ni Katherine sa hospital at dumeretso agad siya sa bulletin board. Lumapad ang ngiti sa kanyang mga labi nang makita ang pangalan sa isa sa mga napiling nurse.

And luck must be on them, kasi nakapaskil din ang pangalan ni Grace at Christie. Kasama pa ang isang male nurse na, hmmhh, sabihin na nating malena may pusong mamon. Mabait naman si Jason Fernando, at nakakasundo din nila dahil saksakan din ito ng pilya at landi.

Dali-dali niyang nilabas ang cellphone sa bag at tinext ang mga kaibigan. Di pa naman siya late sa duty, dahil sinadya niya talagang pumunta ng maaga, kaya nagdesisyon siyang hintayin nalang muna sila doon.

Naupo siya sa upuan na nakaharap lang sa bulletin board.

Maya-maya pa, natanaw na niyang paparating ang dalawa. Magkasama ang mga ito sa isang boarding house, may sa kalayuan kasi ang lugar ng mga ito dito sa mismong city. Samantalang isang sakay lang naman niya mula sa kanila.

"Siiiiiiis, talaga? Nakuha tayo?" excited na banat agad ni Grace pagkatapos magbeso sa kanya.

Di na nito hinintay ang sagot niya at dumeretso na din sa pagtingin sa bulletin. Napailang nalang ang kasunod nitong si Christie na lumapit din at nagbeso sa kanya.

"Kita mo yang babaeng yan. Sa sakayan palang ang ingay na. Akala tuloy ng mga tao, may kasama akong mukhang isip bata."

"Mukha lang ba sis?" di mapigilang tawa ko. "Isip bata naman talaga ah."

"Hoooy, mga lapastangan kayo. Anong isip bata diyan. Sa ganda kong ito." nanunulis ang ngusong pagtatanggol nito sa sarili.

"Saka isa lang ang alam kong isip bata dito sa hospital na ito noh! Yung ubod ng sama at saksakan ng yabang na Doctor Alvarez na yun." may pahampas hampas pa ito ng kamay habang binabanggit ang kinaiinisan nitong lalake, si Dr. Paolo Alvarez, isang Pediatrician.

Biglang may tumikhim sa likod nito. "Ouch! Nurse Grace naman, you wounded my heart." hawak hawak pa ng may pagkapilyong doctor ang dibdib nito. Aakalain mo talagang nasaktan base sa expression ng mukha niya. Maniniwala ka talaga, kung di lang kilala nila itong numero unong alaskador, lalo na kay Grace.

Simula nang magkakilala ang mga ito, ay di na nagkasundo ang dalawa.

"Ikaw talaga, masyado mong pinapa-pahalata ang pagkakagusto mo sa akin. Tsk. Tsk." Inabot pa nito ang kamay ni Grace na dali dali din namang binawi ng kanilang kaibigan.

"Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking ito. Hoy, Dr. Yabang, anong pagkakagusto ang sinasabi mo diyan. Oo, gusto nga kita. Gustong gusto kitang ipasagasa sa ambulansya diyan sa labas." Sa nanggigigil na tono.

"Tsk tsk, wag ganun babe. Ayoko namang makita kang halos mabaliw pag-nasagasaan ako." patuloy parin sa pag-aalaska ang gwapong doctor, na lalong nagpa-irita sa kaibigan nila.

"Nakuuu! Hali na nga kayo mga sister. Lumalakas na ang hangin. Kasing lakas na ng bagyo, nang mayabang na bagyo." sabay talikod nito at pasok sa loob.

Napailang nalang kami at natawa. "Doc Paolo talaga o. Si Grace na naman napagtripan ninyo."

Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon