SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 5
Schoolmate? Transferee? Senior?
Ibig sabihin, may posibilidad na palagi niyang makikita ito? Dito sa Don Lorenzo Academy? Sa kanyang beloved school?
Ok, eksaherada na naman siya. Pero, ang isiping palagi nga niyang makikita ang lalaking nagbigay ng kanyang first kiss, di nga literal na binigay dahil aksidente lang naman ang nangyari, but a kiss is still a kiss, ay nagpakaba sa kanya.
At tinawag pa siyang sweetheart nito.
Halos wala siya sa sarili habang papunta ng classroom. Saka lang siya parang natauhan nang malapit na siya sa pinto at naririnig na niya ang ang boses ng kanilang class adviser. Binigyang pansin na din niya ang mga bulaklak na hawak.
Medyo napangiwi siya ng konti nang mapagmasdan ang mga ito. May mga bali na ang ibang tangkay, at ang iba ay halatang nadaganan.
Hindi muna siya pumasok agad. Sa halip, hinubad niya ang suot na headband at tinanggal ang blue rose na palamuti nito, kasama ang telang bumabalot sa headband. Inayos niya ang pagkakapulumpon ng mga bulaklak, pati na ang plastic nito. Saka niya pinaikot ang tela sa may parte ng hawakan. Sa huling ikot ay nilagay niya ang blue rose para panghuling design.
Nang ma-satisfy sa resulta. Nagpasya na siyang pumasok
Nasa loob na siya nang mapansin na may mga kasama ang kanilang guro sa harapan. Dalawang babaeng identical twins ang nasa tabi nito at kasalukuyang pinapakilala sa klase. Base sa anyo ng mga ito, masasabi agad na may kaya at mukhang mga sosyal ito. Ang kikinis ng kutis at signature dress ang suot.
Lumapit siya sa kanilang adviser. Nag-excuse at binigay na ang mga roses.
"Ma'am Chang. Happy Birthday po. Galing po sa aming lahat." sabay abot ng roses.
Napatingin ako sa kambal. Na nang mga sandaling yun ay nakatingin din sa akin. Ngumiti ako ng alanganin. Baka kasi isnabin siya. Ang gaganda pa naman ng mga ito. Pero nakahinga siya nang sabay din ang mga itong ngumiti. Kumaway pa nga ang isang may maiksing buhok.
"Wow. Thank you so much class. Ang dami niyo nang binigay sa akin." nakangiti nitong sabi.
"Ah siya nga pala Kath. Since wala ka dito habang pinapakilala ko sila, I would like you to meet your new classmates. Transferees from Manila,"
When she heard the word transferee, bigla siyang kinutuban. At di nga siya nagkamali nang, "Camille Anna and Celine Anna Montealegre." Sabi na nga ba. Malamang, kapatid ng mga ito ang lalaking nakabanggaan. Nabanggit kanina na hinatid nito ang kanyang mga kapatid.
"Girls, this is Ma. Katherine Castañeda. She's our class president. She'll be the one to assist and tour you around the school. Para maging familiar na kayo." pagpapakilala nito.
"Hi, I'm Camille, nice meeting you Katherine." sabi nang may maiksing buhok. Sabay abot ng kamay sa akin.
Inabot ko din ang kamay ko. "Hello, Camille. Nice meeting you too."
Sumunod na nagpakilala ang may mahabang buhok. "Celine here. Nice meeting you, Katherine." nakangiting sabi nito.
"Me too. Tawagin niyo nalang akong Kath." magiliw kong sabi. Magaan na agad ang loob ko sa kanilang dalawa. Kahit kasi sosyal ang porma ng mga ito, ay napaka-aamo naman ng mukha.
"O pano, maiwan ko na muna kayo at may meeting pa kami sa faculty room." paalam ni Ma'am Chang. "Kath, ikaw na ang bahala sa class at sa kanilang dalawa ha." at binalingan ang buong klase.
BINABASA MO ANG
Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING]
RomanceThe story begins when highschool student Katherine accidentally kisses a stranger. What started as an embarrassing moment leads to a serious and deeper feeling. It's like walking everyday with rainbows and butterflies. And wishing this will end up i...