SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 11
Nasa clubroom sila.
Busy sa paggawa nang mga paper roses na gagamitin sa Gala Night. Medyo matamlay siya ngayon. Buong araw kasing di niya nakita si Markus. Busy na kasi ang lahat sa paghahanda para sa okasyon ng school nila.
"Hoy mga girls! Nabalitaan niyo na ba?"
Biglang pagsasalita nang kasamahan nila sa likod. Ipagsasawalang bahala niya na sana ito kasi sanay na siya sa mga chismis nang mga ito.
"Nililigawan daw nang gwapong si Markus si Abigail."
Natigil siya sa kanyang ginagawa. Tama ba ang narinig niya?
"Talaga? Naku, bagay na bagay pa naman sila."
"Oo nga. Ang swerte ni Abigail."
Pinipilit niyang i-absorb ang usapang naririnig pero ayaw itong tanggapin nang kanyang puso.
"Hindi na ako magtataka kung sila ang mapipiling Gala King and Queen. Perfect match sila."
Patuloy na pag-uusap nang mga ito.
Nagulat pa siya nang may kumalabit sa kanyang likod.
Nalingunan niya ang isa sa mga kasamahang kasali sa nag-uusap.
"Kath, diba pinsan mo si Abigail Rose? Totoo bang nililigawan siya ni Markus?"
"Ha? Ano, umm, di ko alam. Excuse me, may gagawin pa pala ako. Balik lang ako mamaya dito. Pakisabi nalang kay Mel pagdating niya ha."
At nagmamadali na siyang tumayo at kinuha ang mga gamit. May pagmamadali din sa mga kilos niya nang palabas nang clubroom. She needed air. Feeling niya nasusuffocate siya sa naging usapan sa loob.
She was hurt. She wanted to cry. Everything she heard earlier was like a bomb that shattered her heart into a million bits. Markus and Abigail? Of all people, why her cousin?
"Why not her? You're cousin deserve a man like Markus. They are a perfect match"
Sigaw naman nang kontrabida niyang utak. Mas lalo atang sumakit ang kanyang dibdib. Napaupo siya sa isang bench. Mabuti nalang na sa mga oras na iyon ay walang taong dumaraan sa bahagi nang eskwelahang iyon.
She clutched her heart when she felt the pain again. Then she was baffled when someone offered a hanky to her.
What the?! Para saan naman ang panyo? Tiningala niya ang nagbigay nito. She saw Marvin.
"Sinong nagpa-iyak sa'yo?" He asked in a serious tone. Nasa kamay parin nito ang panyo at nakalahad sa kanya.
Hindi na ngayon ang panyong binibigay nito ang nagpalito sa kanya kundi ang expression nang mukha nito.
Galit ba ito? Bakit? Wala ang palagiang masayahin at mapanuksong aura nito.
Bigla din ang pagkuha niya sa panyo. Ngayon niya narealized na umiiyak na pala siya. Hindi man lang niya namalayan. Nakakahiya at nakita pa ni Marvin yun.
"Sira! Walang nagpa-iyak sa akin. A-ano, napuwing lang ako." Pagdadahilan niya habang pinupunasan ang kanyang mga mata.
"Sigurado ka? Parang di naman napuwing lang."
"Oo sabe. At bakit naman ako iiyak aber?"
"Ewan ko sa'yo. Baka lang may nanakit sa'yo."
"Promise! Wala ito. Napuwing lang talaga ako. Alam mo namang kinukusot ko itong mga mata ko."
BINABASA MO ANG
Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING]
RomansaThe story begins when highschool student Katherine accidentally kisses a stranger. What started as an embarrassing moment leads to a serious and deeper feeling. It's like walking everyday with rainbows and butterflies. And wishing this will end up i...