SORRY SA MGA GRAMMATICAL ERRORS. SABI KO NGA. FEELINGERANG WRITER LANG AKO. HAHAHA!
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
CHAPTER 3
"This is it." nakangiti kong sabi sa sarili. Kararating ko lang sa parking area ng hospital kung saan napagkasunduang magkikita ang lahat. Ngayong araw ang alis nila papuntang Sitio Sapang Bato.
"Kath! Kath!" Kumakaway na si Grace ng malingunan niya ito kasama si Christie at Jayson. Napangiti siya. Andito na pala ang mga ito.
Lumapit siya. "Hello mga girlss! Kanina pa ba kayo?"
"Medyo!" sagot ni Christie habang isa-isa niyang bineso ang mga ito.
"Narito na ba'ng lahat?"
"Hindi pa. Bale si," at sa mahinang boses "old maid nalang ang hinihintay."
"Wala pa ba? Baka di na siya matuloy?"
Dahil sa di maiwang commitment ng isa nilang makakasama sanang doctor, pinalitan na lamang ito. Sa kasamaang palad, ang masungit na si Dra. Buencamino ang pinalit doon.
Kasama din nila ang mag-asawang, Dr. Rolando Jimenez at Dra. Aracelie Jimenez, na isa rin sa mga nagmamay-ari ng pribadong hospital na iyon.
Kakatanong palang niya ng mamataan nila ang paparating na sasakyan nito. At maya-maya pa bumaba na sa likuran ang hinihintay na doktora.
"Aw, sad to say. Tuloy na tuloy siya."
Nang makalapit na ang doktora sa kanila ay nagsalita si Dr. Jimenez, ang kanilang team leader,
"Pakilagay na lamang ang mga gamit ninyo sa likod ng sasakyan and we'll go. Medyo mahaba ang biyahe natin, and fortunately for us, hindi na natin kailangang mag-travel by air. Dederecho na tayo sa camp na ating tutuluyan. Handa na ba ang lahat?" Nagtanguan sila at nag kanya-kanya ng punta sa sasakyang naka-assign sa kanila.
Inakala nilang magsasabay silang mga nurses at doctors sa iisang sasakyan noong una. Ngunit sa orientation, sinabi ni Dr. Jimenez na dadalhin nito ang sariling sasakyan para di naman sila siksikan. At napagkasunduan na din doon na ang mga doktor ang makikisakay dito.
Sa front seat ng Hyundai starex van umupo si Jason, katabi ng driver nilang si Mang Jose. Silang tatlong magkaibigan sa gitna pagkatapos mailagay ang kanilang mga bagahe sa likuran. Ang dalawang EMT na kasama nila ang syang may dala ng ambulansyang sasakyan na naglalaman din ng mga medical supplies. Mahigit-kumulang eight hours ang magiging haba ng byahe nila. Mabuti nalang at maganda ang panahon.
Maya-maya pa, ay umandar na ang sasakyan. Naunang lumabas ng gate ng hospital ang sasakyan ng mga doctor, sumunod ang sasakyan nila at nasa panghuli ang sa medical supplies.
"Mga anong oras na kaya tayo makakarating doon mga magagandang dyosang tulad ko?" nakalingon sa amin at nakakindat pang tanong ni Jayson.
"Naku Jay, depende na yan sa takbo ng biyahe natin. Kung walang aberya, makakarating tayo ng maaga doon." sagot ko sa kanya habang nakatingin sa wristwatch ko. It's almost nine in the morning.
"Mang Jose, nakapunta na po ba kayo doon sa Sapang Bato?" si Mang Jose naman ang tinanong nito.
"Nakapunta na sir. Noong may hinatid kaming mga gamot para sa mga sundalo doon."
"Ay, Mang Jose naman! Wala naman sanang ganyanan. Sir talaga? Di ba pwedeng, hija nalang, o kaya miss?" nakatikwas ang kamay na pakiusap nito.
"Jayson, wag mo ngang tinuturuan ng kung ano-anong kababalaghan yang si Mang Jose." si Grace iyon na muntik nang masamid sa kinakaing chips ng tumawa ng malakas.
BINABASA MO ANG
Kiss from a Rose (est 2012) [ON-GOING]
RomanceThe story begins when highschool student Katherine accidentally kisses a stranger. What started as an embarrassing moment leads to a serious and deeper feeling. It's like walking everyday with rainbows and butterflies. And wishing this will end up i...