Chapter One

315 2 0
                                    

"HAY, ang sarap talaga matulog," hihikab- hikab na sabi ni Joy habang inuunat pa ang mga kamay nito.

Dahil lunes at maulan ang umagang iyon, hindi na malamang pumasok ang teacher nila sa English na paboritong nitong subject. Kaya naman dinalaw ito ng antok. Nagpasya nalang siya na yumuko at ihilata ang ulo sa kanyang desk kaysa makipag-kwentuhan sa kanyang mga matatalik na kaibigang sina Meann at Donna na walang sawang pinag- uusapan ang kani- kanilang mga ultimate crush sa campus.

Bahala kayo, matutulog nalang ako. Napuyat kaya ako sa pagre-review kagabi.

Hindi naman kasi siya maka- relate sa mga ito dahil simula nung magkaisip siya ay wala pa siyang nagiging crush na kahit isa. Kahit pa napakaraming cute at gwapong boys sa St. Augustine's Academy na kanilang eskwelahan, ni isa sa mga ito ay hindi niya natipuhan. Minsan nga pinagdududahan niya ang kanyang sarili na isa siyang tomboy.

Si Donna ay classmate niya noong siya ay nasa grade one palang. Si Meann naman ay grade three na nila naging kaklase. At ngayong nasa grade six na ang mga ito, sila- sila parin ang mga magkakasama. Kumbaga, friends forever na ang mga ito.

"Andiyan na si Ma'am!" sigaw ng kaklase nila na tumatakbo.

Sa lakas ng tama ni Joy sa antok ay agad itong nakaidlip. Kahit pa maingay ang kanyang paligid sa mga nagkukwentuhan, naghahabulan at naggigitarang mga kaklase, walang epek sa kanya ang mga iyon. Aba! Reyna ata 'tong si Joy ng mga natutulog na mantika.

"Joy... Joy gumising ka dyan." niyugyog ni Meann ang balikat niya.

"Ano ba? Inaantok pa ko eh. Pass muna ako."

"Anong pass- pass ka dyan? Andyan na si Ma'am." Walang nagawa si Joy kundi ang sumunod nalang dito at ayusin ang sarili. "Joy, ang cute 'nung kasama ni Ma'am 'o, dali!" Pag-angat ng mukha ni Joy ay tila napahinto siya sa pag-aayos ng kanyang buhok.

Holy Cow! Who's that boy?

Isang binatilyo ang tumambad sa harap ng kanilang buong klase. May katangkaran ito at napakaputi ng balat. Ngunit ang nakapag-patitig sa kanya ay ang maamo't inosenteng mukha nito. May kakaibang kaba na naramdam ni Joy sa kanyang dibdib. Tila ba ay hindi maawat sa nagtitiliang mga babae na nasilayan ang kanilang kinababaliwang Korean boy group. Ganoon kalakas.

"Good morning class," bati ng kanilang guro. "I have an announcement to make, from this day forward we will be having a new student in our class. Hijo, introduce yourself."

Tumikhim ito. "Hi everyone, my name is Alexis Reyes." pagsisimula niya. "but you can call me 'Alex'. I'm a transferee student from Malate Catholic School in Manila, and I'm from Makati City." and then he smiled.

"Oy Joy at Donna, taga Makati daw siya baka malapit lang iyan sa atin." kinikilig na bulong ni Meann sa likod nila.

Alexis Reyes... what a nice name for a nice face. And look at that cute smile.

Tapos na sa pagsasalita si Alex ng mahimasmasan siya. Pero hindi doon nagtatapos ang kanyang kaba, lumakad ito patungo sa direksyon ng kanyang kinauupuan.

Muntikan na siyang ma-stroke ng masilayan muli ang ngiti nito sa mukha nito. Ako ba ang nginitian niya? Pasimpleng lumingon siya sa likuran para tingnan kung may iba itong nginingitian. Pero wala naman, baka siya nga?

Naupo ito sa bakanteng silya sa kanyang harapan. Dito ay malaya niyang napagmamasdan ito. 'Yun nga lang, nakatalikod ito sa kanya. Pero okay na din, ang mahalaga ay natitignan niya ito anumang oras ang gustuhin niya.

"Mr. Reyes, pakikuha mo ang iyong libro sa Biology and then turn it to page one hundred forty- two. Just try to catch along, okay?"

"Yes ma'am."

Circle of Fifths 1: Alexis ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon