UMAGA palang ng Sabado nandoon na si Joy sa bahay nila. Anniversarry kasi ng kanyang mga magulang. Nakaugalian na nilang magkaroon ng munting salu-salo kapag ganoong may okasyon.
"Joy, are you doing something tonight?" tanong ng kanyang ama habang nasa hapagkainan.
"Yes 'Pa. I'm out with somebody." tuloy-tuloy ang subo niya sa pagkain. Nang mapansing natahimik ang pamilya niya ay inangat niya ito ng tingin. "What?"
Nakangisi ang mama at dalawang katulong nila habang nakakunot naman ang noo ng kanyang ama. "What kind of somebody? Is it a guy?" tanong ng mama niya. Mukhang excited ito. Lagot na.
Magsisinungaling sana siya kaso kilala na niya ang kanyang ina. Hindi siya titigilan nito.
"Y-yeah. I'm with Alex."
"Alex? Alexis Reyes? Your Tito Emman's son?" excited na tanong nito.
"Yes 'Ma." sagot niyang hindi nakatingin sa ina. Alam na niya ang iniisip nito.
"Are you two dating?" Napaangat siya ng tingin. "Hah! I knew it! Bata palang kayo gustong-gusto ko na si Alex para sa iyo."
Uh-oh. Mukhang tinamaan na naman ng topak ang kanyang ina. Ganyan talaga iyan kapag na-e-excite, kung anu- anong bagay ang pumapasok sa isip. Kung anu- ano tuloy ang nasasabi nito.
"'Ma, it is not a date." Napahinto siya sa pagsubo. Wait! Sino bang niloko niya? Of course, it is a date. Si Alex na mismo ang nagsabi. Pero mukhang hindi kumbinsido ang mga ito sa sinabi niya. Hindi nalang siya nagsalita muli.
"Alam mo ba hija, noong nasa Dagupan ka, lagi kang hinahanap ni Alex dito sa bahay. Hanggang sa nag-college ka nga sa Spain lagi pa rin siyang nagpupunta dito." kwento ng kanyang ina. "Sinabi ba niya sa iyo?"
Umiling siya. Walang naikwento si Alex tungkol sa mga bagay na iyon.
"Lagi niyang tinatanong kung kailan ka daw ba uuwi ng 'Pinas. I think he likes you." Napangiti siya sa sinabi ng kanyang mama. "Pero dahil sa wala ka, ang Ate Annie mo nalang ang nag-e-entertain sa kanya." Napalitan ng simangot ang ngiti niya.
Napahinto siya sa pagsubo. Bahagyang sumikip ang kanyang dibdib. Hanggang ngayon kasi ay masama pa rin ang loob niya sa kanyang ate sa pag-agaw sa lalaking gusto niya. Alam niyang matagal na iyon at walang masama sa ginawa nito, dahil hindi niya naman kasintahan si Alex at hindi niya ito pag-aari, pero hindi niya pa rin mapigilan ang sarili.
"I'm done. Excuse me." Tumayo siya at dumiretso sa kwarto. Naupo siya sa kama haplos ang kanyang dibdib. Masakit iyon.
"Ano bang iniisip ko? Si ate iyon. Wala silang ginawang masama at lalong wala akong karapatang masaktan ng ganito." Napapikit siya. "Kalimutan mo na iyon Joy. Ang importante ay magkasama na kayo ni Alex ngayon." bulong niya. "I promise that everything will be alright."
"READY?"
"As always." nakangiting sagot niya kay Alex. Excited siya ng hapon na iyon. It was there first date. College palang nakikipag-date na siya. Pero ngayon lang siya naging ganito ka-excited.
Parang gusto niyang tum-am-bling kung hindi lang siya naka-dress. Sayang ang ayos niya. Sayang ang pose.
Halos hindi pa siya nakatulog kagabi sa kaiisip kung ano ang gagawin nila sa date nila. Saan kaya siya nito dadalhin? Maybe in a romantic place.
Sa isang resort sila sa Cavite nakarating. Paradise Resort and Spa. Bago magdilim ay andoon na sila. Hapon palang kasi ay sinundo na siya nito sa bahay nila.
"Kaninong resort ito? Ang classic ng dating ah. I like it."
"Sa lolo ko. Ako na rin ang nagma-manage nito ngayon. I'm glad you like it." Tinakpan nito ang mga mata ni Joy gamit ang palad. "Tara."
BINABASA MO ANG
Circle of Fifths 1: Alexis Reyes
HumorHey guys! Pauline here, the writer of this story. HAHAHA kapal lang, writer kuno :))) Well nasa process pa rin ako to be a good writer. Alright, let's talk about the story. Circle of Fifths is a romance series that I've been dying to complete. It's...