Chapter Two

68 2 0
                                    

TUWING Friday ng hapon ay sa opisina ng kanyang ama dumi-diretso si Joy para makisabay sa pag-uwi nito. Sa kanilang tatlong magkakapatid kasi ay siya ang pinakamalapit sa kanyang ama. Tutal walang pasok kinabukasan, doon muna siya nagpapaliban.

Maging ang mga emplayado sa kanilang kompanya ay kilala na si Joy. Ang mga magulang ni Joy ay may construction company, ang Samonte Construction Inc. Pamana pa ng mga lolo't lola niya iyon sa kanyang ama na isang architect. Ang ina naman nito ay simpleng may bahay lang. Pero para sa kanya, ang kanyang ina ang pinakamagaling sa lahat. Ang kanyang nag-iisang superwoman.

"Hi Ms. Mae, andyan ba si papa sa loob?" tanong ni Joy sa sekretarya ng kanyang ama.

"Hi Joy, nasa conference room ang papa mo at may meeting ito sa mga kliyente niya. Sige pumasok kana sa loob.

Nagtungo na si Joy sa loob ng opisina ng kanyang ama. Her father never always mind her visiting his office. Mga ilang sandali siya namalagi sa loob noon sa pag- aakalang matatapos na ang meeting ng kanyang ama. Ngunit nabigo siya. Dala ng kabagutan at gutom ay nagpasya nalang siya na bumaba sa lobby upang kumain. May cafeteria kasi doon para hindi na kailangang lumayo pa ng mga empleyado kapag sila ay nagugutom.

Paglulan niya sa elevator ay pinindot na niya ang pupuntahang palapag. Nasa twenty- third na palapag siya nanggaling dahil andoon ang opisina ng kanyang ama. Pagdating sa eighteenth floor ay bumukas muli ang pintuan ng elevator. Laking gulat niya ng makita ang mukhang hinding- hindi niya makakalimutan. Si Alex.

Sa sobrang lakas ng kabog ng kanyang tikbo ng puso ay parang gusto na niyang hampas- hampasin ang dibdib. Hindi niya nga lang magawa dahil magmumukha siyang tanga sa tabi ni Alex.

"Hi. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Alex.

"A- ano kasi." Umayos ka Joy. "D- dito nagtatrabaho yung papa. Papa ko ang may-ari nito."

"Oh talaga? Edi papa mo pala si Tito Neil?"

"Oo papa ko siya. Ba't mo siya kilala?"

"Your dad and my dad are colleagues. Papa mo kaya ang architect ng hotel namin." Alex' family owns a five star hotel in Makati. Mayaman ang pamilya nila Alex. "Actually they're on a meeting right now." patuloy niya.

"Ows? Ang galling naman 'nun!" Iyon nalang ang nasabi ni Joy sa kanyang kausap. Palibhasa wala sa concentration ang pag-iisip nito dahil kakaibang tuwa ang kanyang naramdaman sa impormasyong nalaman.

Ang papa niya at ang papa ko ay magkakilala? Tadhana nga naman oh.

"Oo nga pala, ngayon ko lang napansin na mukhang parehas pa tayong hindi nauwi sa bahay." wika nito maya- maya.

"Napansin mo rin pala yun." Yiiee... napansin niya pala ang suot ko? So, ibig sabihin tinitignan niya ko. Hmmm...

Malapit na sa lobby ang elevator na lulan nilang dalawa ng bumukas ang pinto nito sa third floor. "Oh Joy, sabi na nga ba nandito ka eh." ang nagsalitang iyon ay ang ate ni Joy na si Annie. Pumasok din ito sa elevator. "Umuwi na tayo sabi ni Mama, andoon sina Lola at Tita Liezl sa bahay." patuloy nito.

Buhay nga naman oh. Ngayon pa may umekstra eh. Dyahe.

Ang ate nitong si Annie ay nasa third year hayskul na. Pareho lang ang pinapasukan nilang paaralan. Dahil may elementary at high school na offer ang St. Augustine's Academy na kanilang eskwelahan. Maganda at matalino ang ate niyang ito. Simula grade five ay lagi na iyong pinanglalaban sa mga school pageant at Intramurals.

Maganda rin naman si Joy, sa katunayan ay mas maganda pa siya kaysa sa ate niya. 'Yun nga lang ay mahiyain siya at hindi maarte sa katawan. Kaya ang laging napapansin ay ang kanyang ate.

Circle of Fifths 1: Alexis ReyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon