BUSY ang mga empleyado ni Joy sa shop niyang iyon ng isang maulan na tanghali.
Tumulong na pati siya sa mga ito upang mapabilis ang gawain. Kapag ganoong maulan talaga mabenta ang mga kape niya. Masarap nga naman kasi magkape kapag ganitong umuulan.
Ilang sandali pa humupa na ang mga tao sa loob. Dala na rin siguro dahil tapos na ang lunch time ng mga ito at kailangan nang bumalik sa opisina.
"Apat na araw na siyang hindi dumadalaw dito sa shop." usal ni Joy habang nakapalumbaba sa counter.
Pwede ng magliwaliw ang pag-iisip niya dahil wala na masydong tao 'nun.
"Ma'am, huwag niyong isipin iyon. Mahal kayo 'nun." biro ni Julius.
Sana nga.
Nginitian lang niya ito. Pero halata pa rin ang tamlay sa kanyang mga mata. "Ay, kilala ko iyan Ma'am. Si Sir Pogi 'yang iniisip 'nyo 'no?" tanong ni Celine sa kanya.
Doon lang niya napansin na nasa kanya ang atensyon ng mga empleyado niya. Nakakainis kayo! Ganoon na ba talaga ka-transparent ang mukha ko ah!
"Sir Pogi ka dyan." pagkukunwari niya. "Iniisip ko kung paano ko pa palalaguin itong negosyo ko. I'm planning of putting another branch."
"Ay Ma'am bongga yan! Para mas lalong sumikat pa ang kape ninyo." Bilib talaga siya sa fighting spirit nitong si Celine. Mabuti nalang nakaisip agad siya ng ibang topic na mapag-uusap ng mga ito.
Nagkanya- kanya ng usapan ang mga empleyado niya tungkol sa kanyang sinabi. Maraming suggestions at reactions ang mga ito. Pati siya ay nakisali na rin sa usapan ng mga ito. Hindi niya napansin na may umupo na pala sa harap niya na sa kabilang panig lang ng counter. Tumikhim ito at nakuha ang atensyon niya.
Hindi siya makapaniwala sa nakita niya. Alex was sitting in front of her... smiling.
"Hey." bati nito. "Pasensya na ngayon lang ako nakadalaw ulit dito. Out of town kasi ako eh."
"Ah, ganoon ba. Okay lang. Hindi ko rin naman inaasahan na araw- araw ka pupunta dito eh. Alam ko'ng marami kang gawain."
"Hmm."
Tila may gusto itong sabihin sa kanya ayon na rin sa ekspresyion ng mukha nito. Parang iniisip niya kung paano ito sasabihin o sisimula.
"Ano nga pala order mo?"
"One brewed coffee, please. No sugar."
Binalingan niya si Celine upang ipakuha ang order nito. Then si Alex naman ang hinarap niya. Nakatitig ito sa kanya.
"Ang hilig mo sa brewed coffee 'no?" Naiilang siya sa titig nito. Dati naman okay lang sa kanya na tinitingnan siya nito. Pero ngayon, there is something in his look. Parang hindi lang basta tingin. Gusto tuloy niya magtago sa ilalim ng counter at manatili doon hanggang closing time kung hindi lang siya magmumukhang tanga sa harap nito at ng kanyang mga empleyado.
"Nagigising kasi iyong buong diwa ko 'pag matapang ang kape." he replied.
Nagkibit siya ng balikat. "Kung sabagay."
Nang maibigay na ni Celine sa kanya ang order nitong kape ay hindi pa rin natinag ang pagtitig nito sa kanya. Kahit mahal niya pa ang lalaking ito parang gusto na niya sakalin ito. Nakakailang na kasi talaga ang ginagawang pagtitig nito sa kanya.
Nilihis niya ang tingin niya dito sabay nilingon ang mga empleyado sa kanyang likuran. Nakita niyang nagdrawing si Julius ng hugis puso sa ere. Patay sa kanya mamaya itong loko- lokong empleyado niya. Makakatikim iyan sa kanya ng flying kick.
![](https://img.wattpad.com/cover/1644545-288-k8d3220.jpg)
BINABASA MO ANG
Circle of Fifths 1: Alexis Reyes
HumorHey guys! Pauline here, the writer of this story. HAHAHA kapal lang, writer kuno :))) Well nasa process pa rin ako to be a good writer. Alright, let's talk about the story. Circle of Fifths is a romance series that I've been dying to complete. It's...