"ANO KA ba Rafael!" sigaw ni Joy nang sabuyan siya nito ng buhangin sa katawan. Kasalukuyang nakaupo siya sa isang bench sa labas ng kanyang cottage. Binabasa niya ang paboritong nobela.
"Kanina ka pa nagbabasa diyan. Kanina pa rin ako nagpapa-cute sa iyo hindi mo man lang ako pinapansin. Nakaka-hurt ka na ah." Inagaw nito ang libro sa kanya. "Anong chapter ka na ba?"
"Nasa kalagitnaan pa lang ako." naiiritang sagot niya. Ano na naman kayang problema ng kumag na 'to at siya na naman ang napagdiskitahan.
"Ang layo mo pa 'o. Don't tell me tatapusin mo ito ngayon. Hapon na Joy, hindi ka pa ba magsu-swimming? Mamaya gabi na iyan."
"Bukas nalang ako magsu-swimming." Inagaw niya kay Rafael ang libro. Nagsimula na siyang magbasa ulit.
"Teka, nasaan ba si Alex? Bakit iniwan ka niya dito mag-isa?" tanong nito. Hindi na naman siya masyadong naiirita sa kakatanong nito. Mas okay na siguro 'yun. At least may kumakausap sa kanya. Iyon nga lang ay naistorbo siya.
"Magpapahinga lang daw siya. Alam mo namang pagod iyon 'di ba?"
"Ano ba naman iyon? 'Di ba siya ang nagyaya sa iyo dito, bakit siya naman ang wala!"
"Okay lang iyon." sagot niya. Pero tinamaan siya sa sinabi nito. Oo nga naman, si Alex ang nag-imbita sa kanya pero siya pa ang wala ngayon. Nakakainis.
"Wala kang kasama dito. Tara mag-swimming na tayo." Hindi niya pinansin ang sinabi nito. Napasinghap nalang siya ng may maramdamang mahinang kuryente na dumaloy sa tagiliran niya. Kinikiliti siya ni Rafael.
"Rafael!" sigaw niya. Malakas ang kiliti niya sa tagiliran. At kapag pinagtuloy- tuloy ang pagkiliti sa kanya baka mamatay siya ng wala sa oras.
"Ano! Tara na kasi." Tuloy pa rin ito sa pagkiliti sa kanya.
"Ah!" napasigaw siya ng bumagsak siya sa kinauupuan. Humalakhak si Rafael. Tiningnan niya ito ng masama. "Ikaw! Humanda ka sa akin!"
Bago pa siya makatayo ay tumakbo na si Rafael palayo. Hinabol niya ito. Para silang mga batang naghahabulan.
Mabilis tumakbo ang binata kaya hiningal agad siya sa paghabol dito. Wala na rin kasi siyang exercise kaya mabilis siyang napagod. Umupo siya sa bench habol ang kanyang hininga. Nakahawak na siya sa kanyang dibdib.
"Joy?" Napatingala siya sa nagsalita. It was Alex in his beach shorts. Shorts only. Napatigagal siya ng makita ang katawan nito. It was built very well. And look at that six pack of his. As if he was a beach model. A beach hunk to be exact. She was going insane. Nanunuyo ang lalamunan niya.
"Joy, okay ka lang?" Nagising siya sa tanong ni Rafael.
"What the hell did you do to her, Rafael?" tanong ni Alex na may kataasan na tono.
"Nothing. Naghahabulan lang kami---"
"Naghabulan kayo! My God Rafael, hindi na kayo mga bata!" Galit na ang ekspresyon ng gwapong mukha nito. "Look what happened to Joy! Hingal na hingal siya!"
Hindi nakatiis si Joy. Kaya kahit hinihingal pa ay nagsalita na siya.
"Alex that's enough!" singit ni Joy. "Walang kasalanan si Rafael sa nangyari sa akin. Ako ang may kasalanan dahil hinabol ko siya! Rafael didn't do anything, in fact siya pa nga ang natitiyaga na ma-enjoy ko ang bakasyon na 'to. While you, you're ignoring me the whole time." Nagmartsa siya pabalik ng cottage.
Hindi na hinintay ni Joy na makapagsalita pa si Alex. Ayaw niyang marinig ang sasabihin nito. Ayaw niya rin munang makita ito. Nagpasya nalang siyang bumalik sa cottage. Gusto na niyang umalis sa lugar na iyon. Gusto na niyang umuwi.

BINABASA MO ANG
Circle of Fifths 1: Alexis Reyes
HumorHey guys! Pauline here, the writer of this story. HAHAHA kapal lang, writer kuno :))) Well nasa process pa rin ako to be a good writer. Alright, let's talk about the story. Circle of Fifths is a romance series that I've been dying to complete. It's...